Chapter 14 The Broken Vow

Start from the beginning
                                    

Mabilis akong binati ni Stef na siyang nasa counter ng hapong iyon.

"Nandiyan ba siya ngayon?" Pabulong na tanong ko kay Stef.

"Ay wala po siya dito ma'am." Ganting bulong niya. "Nasa condo niya, masama daw pakiramdam kaya umuwi na kani-kanina lang po."

Ngumiti ako kay Stef saka nagpaalam na at tumalikod palabas ng shop.

Kinakabahan ako habang nagmamaneho patungong condo ni Ash. Ito yung kauna-unahang pagkakataon na pupuntahan ko siya sa condo niya. But I know exactly where it is.

Binati ako nung guard at tinanong kung saan ako pupunta. Sinabi ko na dadalawin ko yung pinsan ko sa 38th floor. Mahigpit pala ang security nila dito. Nagpakita ako ng ID at tsaka pumirma dun sa logbook bago niya ako pinapasok ng tuluyan.

May mga nakasabayan ako sa elevator pagpasok ko dun. Nakita ko pa yung itsura ko sa reflection ko sa pinto ng elevator. Kinakabahan ako at namumutla ako.

"Miss," May kumalabit sa akin sanhi para mapalingon ako sa may kanan ko. Isang magandang babae ang sumalubong sa paningin ko. "Are you okay?" May concern sa mga kulay asul na mata niya. Yung buhok niyang dark brown ay nakapusod. Naka-outfit siya ng pang gym.

"Y-yeah." Sagot ko sabay tipid na ngiti sa kanya. "Thank you for your concern."

Ngumiti siya sa akin. Ang amo ng mukha niya. "Saang floor ka ba?"

"38th." Sagot ko naman. Magaan naman ang loob ko sa kanya.

"38th?" She repeated. "Dun din ako eh. Magkapitbahay lang ba tayo?"

Umiling ako sa kanya. "No, may dinadalaw lang akong... k-kaibigan."

Tumunog na yung elevator at bumukas na sa may 38th floor. Sabay pa kaming lumabas nung babae.

"Okay ka na ba talaga? Namumutla ka kasi kanina." Wika niya.

"I'm fine, really." I assured her.

"Oh, my name is Snow, by the way." Saglit siyang tumigil sa paglalakad at inilahad ang kamay for a hand shake.

"Samantha." Saka nakipagkamay sa kanya.

"Nice meeting you, Samantha." Binitawan na niya yung kamay ko. "Diyan lang ako o." Sabay turo sa bandang kaliwa ng pintuan ni Ash.

"Dito na yung sa kaibigan ko." Sabay turo sa pintuan ni Ashley.

"Ah okay." Nakangiting sabi niya. "Una na ako sayo." Paalam niya. "Nice meeting you again, Samantha."

"Likewise, Snow." Nakangiting sabi ko at muli na naman siyang ngumiti sa akin bago tumalikod at tuluyan ng tinungo ang kanyang unit.

Tumingin ako sa pintuan ng unit ni Ash at napahinga ako ng malalim.

This is it, Samantha. Paalala ko sa sarili ko bago pinindot yung doorbell.

Kinakabahan ako na ewan. Na-rehearse ko na nga sa isip ko yung sasabihin ko sa kanya.

Nag-doorbell ulit ako ng wala pang nagbubukas nung pinto. May narinig akong nagsalita sa loob. Ilang segundo nga ay bumukas na yung pintuan.

"Sam?" Nasorpresang sambit ni Ash ng mapagbuksan ako.

"H-hi." I said under my breath.

I've missed her. Lahat din yata ng iniisip kong sabihin sa kanya bigla na lang nabura.

"You're here." Di makapaniwalang sambit niya.

"I took the risk." Malungkot na sabi ko.

She sighed. "Pasok ka." Saad niya saka gumilid para bigyan ako ng daan papasok sa loob ng condo niya.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyWhere stories live. Discover now