Chapter 28: _My decision"(

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makarating ako sa loob ng bahay nila.

Naabutan ko kaagad yung babaeng kasama ni J.L kanina na nakikipag kulitan kay Tita.

"Good evening po!" bati ko kay Tita

"Oh Roscel nandiyan ka pala. Halika pasok ka"

Pumasok naman ako. Nasa tapat ko yung babae kanina at kung makangiti saakin ay kala mo close kami...

"Hi! I'm Monica" pakilala niya saakin.

"Roscel" sabi ko naman

Tiningnan ko si Tita. Nakangiti lang siya na parang baliw habang nakatingin saakin.

"Roscel pinsan nga pala yan ni J.L" biglang sabi ni Tita na kidahilan ng paglaki ng bunganga ko. Nagulat ako eh. Akala ko kasi isa sa Babae niya.

"T-Talga?"

"Yup. Sinundo niya lang kasi ako kanina. At ayun sa kagustuhan kong Makita ka nagpunta kami sa school niyo at kagaya lang din ng palagi kung ginagawa sakaniya na paghalik ayun nga hinalikan ko siya pero sa pisngi lang yun" paliwanag ni Monica

Sabi na nga ba eh. May rason talaga si J.L. Tsss

"Tita nasaan po si J.L ngayon?" tanong ko

"Ha! Andoon sa kwarto nagkulong. Nagaway daw kasi kayo"

Nahiya naman ako sa sinabi ni Tita. Padalos dalos kasi ako eh...

"Ah sige po akyat na ako" paalam ko.

Rinig ko pa ang pagayaybang ni Tita saakin para sa anak niya kay Monica. Si monica naman wala akong narinig kundi tumawa ng tumawa.

Ayan na! nasa harapan na ako ng kwarto niya...

Ano kakatok ba ako?

Pinihit ko ang doorknob. Aha bukas!

Pagpasok ko. Nandoon siya sa kama niya nakahiga, tulog ata!

Lumapit ako doon at umupo sa kama niya habang tinititigan ang mukha niya.

Hindi ko talaga maipagkakaila kung bakit ang daming naghahabol sakanya at grabe lang ang pangaaway saakin ng mga babae na naghahabol sakniya kasi naman ang gwapo niya talaga. Ngiti palang niya matutunaw kana!

Kaya nga hindi ko alam kung paano ko iiwan ang lalaking ito. Paano ko siya tatalikuran kung alam kung mas masasaktan siya sa gagawin ko. Akala ko noon nung naging Boyfriend ko siya, akala ko hindi ko siya masasaktan pero nagkamali na naman ako kasi ang tanga ko na nabulag ako sa puro saya yun pala darating at darating din ang oras na may kasamang lungkot. Yung lungkot na kapag hindi mo nalabanan baka ikamatay mo. Yung lungkot na kaya mong isakripisyo ang taong mahal mo para lang palayain siya.

In one month. Alam kung masasaktan ka talaga, pero kilala kita Lance makakaya mo to at kakayanain ko din. Masakit man saakin na gawin to pero ito na talaga ang desisyon ko para kung sakaling mawala man ako sa mundo hindi ka lalo masaktan...

At may pumapatak na palang luha sa mata ko.

Pinunasan ko iyon at nakita ko na agad ang mga mata niyang gising na.

Ngumiti siya kaya ngumiti din ako...

"I Love you Cel" bulalas niya

"I Love you too"

"Teka! Hindi ka panaginip?" hinawakan niya ang mukha ko "Hindi nga! Totoo ka?"

"Aray" binatukan ko na naman. Pinagsasabi nito na panaginip ako.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko

Umupo na siya at kaharap ko na siya ngayon...

"Kasi kanina habang natutulog ako napanaginipan kita. Tapos sa pagdilat ko akala ko panaginip ka ulit pero hindi na pala" sabay yakap niya saakin.

"Ang adik mo talaga noh" bulalas ko

"Ou adik na adik ako pagdating sayo"

Napangiti nalang ako "Alam ko na nga pala yung kay Monica"

"Tlaga?"

"Yup!"

Hinarap niya ako sakniya at biglang hinalikan ang kamay ko.

"Thank you! Dahil minahal mo ako" bulalas ko

"Ako nga dapat magpasalamat sayo. Thank you kasi tinanggap at minahal mo ako"

"Ang corny mo" sabi ko

"Ikaw din kaya..." sabi niya ta niyakap ako ulit

"Pakasal na tayo Cel. Gusto na talaga kitang makasma ng panghabang buhay"

Bigla na namang pumatak ang luha ko... buti nalang nakayakap kami sa isat isa.

Panghabang buhay? Magkakaroon pa ba ako nun!

"S-sige" utal utal na sabi ko...

"Thank you and I love you"

Sorry Lance sa gagawin ko...

A/N: Ayun oh! May pumasok na sa utak ko kaya ayun may matinong update...

VOTE, COMMENT

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon