Chapter 44

6.4K 187 15
                                    

CHAPTER 44- Scarlet

Pinanood ko kung paano tanggalin ni Duke ang magnet sa tenga nito. Aakalain mong aritos lang iyon sa isa niyang tenga.

He smiled to me bago niya ilagay iyon sa akin. Mula sa likod nang tenga ko ay ibinaba niya ang buhok ko para takpan iyon. Sa parte ng décolleté na natatakpan ng damit ko ay sinuksok nito ang tila maliit na microphone.

I can't hear anything from the background. Tanging ilang kalukos lamang ang nag-iingay roon.

"Scarlet..." he called me. Nanigas ako roon sa klase ng tawag niya sa akin. Gosh, I miss it. I miss how butterflies evolved in my system on how he calls my name. It was a bliss.

Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung anong dapat sagutin. Narinig ko ang ilang yapak na unti-unting naglaho. Maging ang pagsinghap nito bago muling nagsalita.

"Are you okay?" mahina niyang tanong.

Sa lambing ng boses niya ay nagsimulang mamuo ang luha ko. Marahas ko iyong pinaalis ng maramdaman ko ang lamig nito sa pisngi ko. I closed my mouth with my hands. Nang sa ganun ay mapigilan ko ang paghikbi.

"Scarlet, I'm asking you. Are you okay?" puno ng awtoridad niyang tanong muli. Tumango ako kahit na malabo niya naman iyong makikita.

Inihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. "I'm... I'm fine." Sinubukan kong maging kalmado. Ayokong marinig niya ang panginginig sa boses ko.

Sa munting tanong niya ay tila hinahaplos ng init ang dibdib ko. Init na matagal ko nang hinahanap hanap. Sa kabila ng kasabikang nararamdaman ko ay natatakot ako.

Nilamon ng katahimikan ang pagitan namin. Wala akong marinig na ingay sa linya niya. Duke was just watching me.

"My men were surrounding the place, I want you to do me something." Aniya at rinig ko ang ingay ng rollers.

"Tomorrow,  Daunoru will get you and I want you to take the tracker with you as we do the necessary things to keep you safe. I will be meeting you near the place, Scarlet. Please be safe."

Napalunok ako sa kinauupuan ko. Nang tumahan na ako ay inungkat ko ang mga tanong na gustong gusto ko nang tuldukan ng mga sagot.

"Why, Perl?" I seriously asked him.

Nanatili siyang tahimik. Suminghap pa ito bago ako napiling sagutin.

"Because I have to." he answered in general.

"Why?" I exclaimed. I want the complete reason. Gusto ko nang matahimik. Gusto kong tanggalin ang pagdududa ko sa kanya ngunit hindi ko magawa dahil wala akong pinanghahawakan na impormasyon para matanggap ang ginawa niya.

"Your father asked me to do it because it's the only way for us to save both of you." Aniya bago tumigil ng may marinig akong nagmamadaling pumasok.

"Perl! We need to discuss something!" ani ng pamilyar na boses na sa tingin ko ay sa pinsan nitong si Daunoru.

"I'll be there in a minute." Sagot ni Perl. Nanatili akong nakikinig sa kanila ng muling tumahimik at tanging pagsinghap niya na lang ang nagiging musika sa pagitan naming dalawa.

"I need to go..." paalam nito. Gustuhin ko mang hindi siya hayaan ay hindi ko na ginawa. I'm craving for more information but when I heard about my father ay kahit papaano ay naging kontento na ako. Kahit papaano ay naging kampante ang palagay ko. He has a reason. And I need to hear them all after we leave this place.

Hindi ako umimik.

"Scarlet..." tawag niya muli sa akin. Pinaghalong pagkasuko at kapursigiduhan ang umalu sa kanyang tinig.

Tease Me (SSB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon