Chapter 26

6.9K 156 6
                                    

Chapter 26- Smile

Bumagsak ang mata ko sa sahig. I give up. Sa simpleng asta at salita niya ay nauubos ang lakas ko para lumaban.

"Magpapalit lang ako." Paalam ko at sinubukang kumawala sa kanya.

"Scarlet..." he called out, not letting my hand go.

"Nasaan ang mga gamit ko." Tanong ko at tinalikuran siya. Hindi nag-alinlangang hindi siya harapin.

"Scarlet..." he called my name again.

How he calls me by name really a big no. I took out a heavy sigh and stopped. Kating-kati na akong tanungin siya sa isang bagay ngunit ayokong isipin niyang wala akong tiwala sa kanya at nagagawa ko siyang hindi paniwalaan.

I trust him. That's what this is all should be. Hindi ba? Ang paniwalaan siya but this question just can't go out of my mind. Hinahamon ako ng paulit-ulit.

Naramdaman ko na lang ang pagpalupot ng mga kamay nito sa aking bewang. Ang tungki ng ilong nito ay inaamo ang balikat ko.

"Please, stay." His voice is begging.

"Hindi mo ko madadala riyan." I assured him when he did kiss me on my blades up to the nape of my neck.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa epekto niya. This thing should never go below my decision. Napapikit ako nang mariin habang pinakikiramdaman ang ginagawang pandidiin sa sarili nito sa akin.

"Please..." he whispered and kissed my temple. Nanatili ang labi niya roon habang hinihintay ang sagot ko.

"Ang iniisip ko lang ay 'yong maaring makaapekto ito sa iyo. Perl, everyone's looking at me like I did some crime. Maglalakad ako sa hallway o kahit saan nakatingin sila. I know I shouldn't mind because I know what's the truth but Perl I can't just let it move because I know your name's in a threat. Dahil iyon sa akin."

Kumawala ako sa pagkakayakap nito at matapang siyang hinarap. Napasinghap ako at tiningnan siya ng buong loob. I should at least try to tell on what's bothering me. Palagay ko oras na wala akong makuhang sagot ay maloloka ako rito kakaisip. If I receive the same answer then good and if it's not then I should at least know. Kahit masakit.

"I heard you will marry her soon."

"Who the hell!" he immediately reacted. I tried to shush him.

Can he first listen to me? This is wrong with people who used to talk and react without even hearing all the details.

"I heard people talking about your marriage with Allison. Allison's family have the highest share in your company, next to you. Kung hahayaan mong malaman nila ito they might pull their shares."

Nag-isip ito saglit bago ako nilingon.

"You want me to stop this because you want me to have their share still intact? No! There are still groups who can invest for a share."

"You don't get the point!" unti-unti nang napataas ang boses ko. This is frustrating.

"I get your point, Scarlet! You want me to stop this and be with Allison so they won't pull their shares? This is your point. This is your fucking point and it's still a no!" nalaglag ang panga ko nang masilayan ko ang madilim na mga mata nito. Maging ang pagtikhim nito ay nakakagunaw ng ulirat.

Kinagat ko ang labi ko ng tama ang sinabi nito. Nanatili akong tahimik at pinanood lang siyang maglabas ng inis.

He's pinching his nose bridge due to frustrations about the topic.

"Scarlet I can't do what you want." He surrendered. I watch how he clenches his jaw. Nang dumilat ito at nagtama ang paningin namin ay umiwas ako. Nilakad ko ang distansya mula sa kama at napiling maupo roon at nakatulala sa sahig.

Tease Me (SSB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon