Chapter 36

5.7K 174 29
                                    

Chapter 36- CROWDED DANCE FLOOR

"Scarlet!"

"Ano?!" sigaw ko mula sa loob ng banyo. Nakapikit ako dahil napupunta ang shampoo sa mata ko.

"Dalian mo nga! Kanina pa naghihintay si daddy sa baba!" hindi ko maintindihan ang tono niya. Nagagalit ba siya o tumatawa?

Mabilis kong binuhusan ng tubig ang ulo ko para tanggalin ang nakakairitang shampoo na napupunta sa mata ko.

"Oo, andiyan na!" sigaw ko at mabilis na gumalaw sa loob ng banyo. Sa kamamadali ko ay muntik pa akong nadulas.

"Scarlet!! Ano ba!!" napalingon ako sa pinto ng hampasin niya iyon ng malakas.

"Oo nandiyan na nga!" sigaw ko pabalik.

Sunday ngayon at magmamass kaming lahat. It's too early in the morning kaya hindi ko alam kung bakit nagmamadali siya gayung mahaba pa naman ang oras.

Lumabas ako roon at nadatnan siyang nakataas ang kilay at nakahalukipkip lang sa akin.

"Dalian mo!" utas niya muli at nagmartsa na palabas ng kwarto. Gumayak ako ng mabilis at napiling magpolo shirt na lamang at pants.

"Scarlet babatukan na talaga kita! Ang tagal mo!" sumungaw ang ulo ni Xantel sa may pinto. Hindi ko na nagawa pang magsuklay ng mabuti. Mabilis kong tinakbo ang baba ng madatnan kong hindi pa nakakaligo ang Tito Trich na nakahalukipkip at si Tita Medi.

Halos gusto kong hablutin ang buhok ni Xantel nang makita ko ang nakangisi niyang mukha sa akin. Lumipat ang tingin ko sa katatayong si Duke sa may mahabang sofa.

Anong ginagawa niya rito?

Sa gilid ay ang nakakunot-noong si Rantel na nakamasid kay Duke.

Kinuha niya ang mga rosas na nakapatong sa kaharap na mesa at minsang humakbang para iabot sa akin ang mga iyon. Napalunok ako nang mapansin ang paninitig nilang lahat sa akin.

Since Monday ay binibigyan niya na ako ng mga bulaklak. I know he's the one who gave the roses dahil siya lang naman ang pwedeng maging Mr. Panyo. Knowing that he's giving them every time he sees me crying.

"Salamat." Pumiyok ako nang sundan ng tingin nila Tito at Tita ang pagbibigay niya ng bulaklak sa akin.

"Ehem." I started. "Si Duke po, Tito at Tita." Pagpapakilala ko kay Duke sa kanila.

"Ah Duke, si Tito Trich at Tita Medi, parents nila Xantel at Rantel." pagpapakilala ko isa-isa.

Nakipagkamayan lang sila. Wala namang dapat ikakaba pero lubos ang dagundong ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Boyfriend mo?" tinig amang sabi ni Tito na ikinagulat ko.

"No!" Rantel yelled, naunahan ako.

Napalunok ako at umiling. I saw Duke mouthed me his sorry.

Tumango lang ako at inintindi siya. From his letter, he's giving me flowers so I don't forget to smile. That's his reason why he's giving me flowers every morning. And this morning is unexpected. Well, it's different kasi siya na mismo ang nagdala unlike these past few days na naaabutan ko na lang si Ian na iniaabot iyon sa mesa ko.

"Manliligaw mo?" -si Tita Medi.

I felt like what is happening right now are some kind of interrogation scenes in a prison. My anxiety bottled up as Tita Medi curiously scanned Duke as closer as she wants.

Umayos ng tayo si Duke at palipat-lipat ang tingin sa Tito at Tita sa ginagawang pagsisiyasat.

Mabilis kong hinatak si Duke palabas ng bahay. Napalingon ako sa pinto at nanlaki ang mata nang madatnan ang apat na nakahalukipkip doon at pinapanood kami.

Tease Me (SSB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon