Chapter 33

5.4K 157 16
                                    

Chapter 33-Okay

"I shouldn't cry."

Wala akong karapatang umiyak sa harapan niya. Binantaan niya na ako minsan. Mangyayari at mangyayari ito pero hindi ako nakinig. That's why I don't have the right to cry because in the first place the reason why I have to endure this is because of my own fault. I didn't listen to her at ngayon ay iiyak-iyak ako.

Tumalikod ako sa kanya ng sinubukan niyang hanapin ang mukha ko.

"Ayaw mo kong makitang umiyak." Iyon na lang ang nasabi ko ng tangkain niyang harapin ako.

Pinunasan ko iyong mga luha ko at huminga ng malalim bago siya hinarap. Ang akala ko ay hindi na ako maiiyak ay hindi ko magawa ng masilayan ko ang mga mata nitong nakaabang lang sa akin. Sinusuri.

It's great to feel her hands as this warm. To make me feel that there are still hands who will wipe my tears when I have to cry again. Ang akala ko'y hindi ko na iyon pa mararamdaman pa. Sa halip na tumigil ay patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko hindi dahil sa lungkot kung hindi ay sa saya.

"Nakakapagod punasan 'yang luha mo, ayaw tumigil." Irap niya at kalaunan ay tumawa na rin. Maging ako ay natawa rin at mabilis siyang niyakap. Nanatili kaming tahimik nang siya na mismo ang bumasag nun.

"I got that when I'm still in Paris. Gustong gusto kong sabihin sa'yo nung bumalik ako. But looking at you, how happy you are again when you're with him ay hindi ko na binalak pa. It's been so long since I saw that in your face."

"It's fine and besides nakatulong nga iyon. I somehow felt how to be happy again for a long time na nawala iyon. Salamat."

Kumalas ako sa yakap niya at tinulungan ako sa pagpupunas muli ng luha ko. Bumalik ako sa lamesa at kinuha iyong regalo ko.

"Here." Abot ko nun. "I'm not there when you celebrated your birthday pero hindi ko naman nakalimutan." Ngumuso ako nang makita ang titig na titig na tingin nito.

It's a necklace na ako mismo ang nagdisenyo. Doon ay nakaukit ang birthday niya.

"Salamat." Aniya at kinuha para isuot. Kinuha ko iyon at ako na ang naglagay.

"So you broke up with him? Ikaw na ba ngayon ang nakipaghiwalay?" pang-aasar niya. Pumwesto ako sa likod nito at tinagilid ang buhok niya.

"We didn't." I answered honestly. Wala namang kami kaya bakit ako makikipaghiwalay? Ni walang estado ang relasyon namin.

"Wala namang kami." Dagdag ko at huminga ng malalim nang matapos na ako sa paglagay. Sabay kaming ngumiti ng iharap niya iyon sa akin.

Sakto sa kulay niya.

"Then what the hell was that drama about?" hindi makapaniwalang saad nito.

"Fling?" iyon ba 'yon? 'Yon ba ang tawag dun? Hindi ko maiwasang mapangiti. We didn't label it. I didn't ask because I'm fine on what we had.

"Narinig ko siyang may kausap nung madaling araw. They were talking about what happened, kay tatay. He's covering up his mother. Wala namang kaso iyon sa akin. Kahit namang anong ebidensiya ang meron siya the case doesn't matter to me anymore. Kasi iyon 'yong gusto ng tatay. I don't want to break my promise on his last breathe." Lahad ko at ngumiti sa kanya. Even justice is served hindi naman na maibabalik lahat. Tapus na.

Nilakad ko ang kama nito at umupo roon.

"I cried because I heard he'll be leaving me and what he showed me wasn't real. He doesn't love me." Napalunok ako ng pumiyok ako dahil nagbabanta na naman ang luha sa mata ko. Tama na. Ayoko nang umiyak.

Tease Me (SSB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon