Chapter 23

7.4K 178 39
                                    

TEASE ME: CHAPTER 23- STOP

Gumising akong bumungad sa akin ang tulog na tulog na si Perl sa canapé.  Ang ulo nito ay nakapatong sa kanyang kamay para balansehin iyon at bahagyang nakahilig sa kinauupuan.

Sa sobrang pag-iisip kay Xantel ay nakatulog na pala ako. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. I called her pero hindi niya sinasagot.

Tanging ang lampshade lamang ang nakabukas na nagbibigay ilaw sa buong silid. I opened my phone to see the time at kita ko roon na may isang oras akong nakatulog. It's still dawn. Makulimlim ang labas at tanging huni ng tahimik na dilim ang gumigising sa mga minutong iyon.

I stared blankly at how Perl sleep on the canapé. Bukas ang apat na butones ng kanyang polo. Ang laylayan ng slacks nito ay hinahaplos na ang sahig. His one hand was in his side.

"Perl..." sinubukan kong haplusin ang kamay nito sa gilid para gisingin. "Perl..." mahinang ulit ko at bahagyang lumuhod para makita ang pagbukas ng mga mata nito.

He didn't respond... marahil ay kadadating niya lang kaya mahirap gisingin. Anong oras na ah! Bakit ngayon palang siya dumating?

Sa dami ng tanong sa utak ko ukol sa kanya ay hindi ko na napansin na nakatingin na pala siya sa akin.

Mabilis niyang binaba ang kamay nito at umayos ng upo. Nanatili akong nakaluhod at minataan ang mga pagod nitong mata.

"Ba't diyan ka natutulog? Bakit 'di ka tumabi sa akin. The bed's wide for us."

"I'm afraid I might wake you up. Ba't ka nagising?" bakas ang sobrang pagod sa tinig nito ngunit ramdam pa rin ang pag-aalala sa akin. Tinulungan niya akong tumayo.

"Babaliktad lang sana ako then I saw you. Tumabi ka na sa akin. Mangangawit ka riyan." Anyaya ko at nauna nang bumalik sa kama. Tinakpan ko ng comforter ang paa ko nang mapansin ang hindi nito paglipat sa kinauupuan. He stared at me with his fingers intertwined with each other.

Napataas ako ng kilay para hingin ang dahilan nito sa hindi pagsunod sa gusto ko ng umiling lang siya at lumapit na. Umusog ako para bigyan siya ng tamang luwang.

Nagulat ako nang marahan niya akong hinatak palapit sa kanya at mabilis na sinuksok ang mukha sa leeg ko. Hindi ko maitatagong napangiti ako sa ginawa niya. Ang hangin mula sa bibig niya ang nagpantindig ng balahibo ko.

How his lips send me hot and wet kisses made me trap the air inside my lungs.

Kinalma ko ang sarili ko.

"Do you always go home this late?" panimula ko ng usapan namin. Nanatili ang mata ko sa kisame. Hindi ko magawang gumalaw. Ang kamay nito ay nakapatong sa tiyan ko.

Napapitlag ako ng maramdaman ang pagdausdos ng ilong nito sa leeg ko. Pumikit ako nang mariin para lalong pakalmahin ang nararamdaman ko. Ayokong sumabog dito. Tila sa ginawa niya ay nawala ang kaninang antok ko.

"Sometimes..." he whispered softly. Mas lalo niyang diniin ang sarili dahilan nang mas lalong hindi ko pagiging komportable sa posisyon namin. One of his legs' above mine.

"Is it hard? I mean your work? You want this, right? Simula pa noon."

"Yeah..." pagod na pagod na sagot niya. "Lalo na pag hindi kita nakikita..." panghahalina ng boses niya.

Mabilis ko siyang nilingon at tinapunan ng masamang tingin ngunit mabilis din iyong naglaho ng salubungin ako ng mga mata niyang nag-aabang. Nagtatanong ako ng matino! Bago ko pa man din mapansin ang lapit ng mukha namin ay naramdaman ko na ang labi nitong dumikit sa akin.

I let go of his lips and search for his eyes.

"Uminom ka?" naitanong ko ng malasahan ang alak sa mga labi nito.

Tease Me (SSB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon