Chapter 38

5.5K 189 71
                                    

Chapter 38- TO SAY GOODBYE

"Anong nangyari, hija? Are you okay?" sunud-sunod na tanong ni Tita bago hinaplos ang pisngi ko. Mabilis akong tumango sa kanya.

Maging si Tito, Xantel at Rantel ay nilapitan ako para tanungin.

"What happened?" rinig kong bosesni tito Gerhard.

"I'm sorry, Sir." Iyon lang nasabi ko ng pumagitna siya sa amin.

"Anasthacia what's going on?" halata sa tinig niya ang galit.

"Mom!"

Kinagat ko ang labi ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Perl. Mabilis niyang nilapitan ang ina. Si Allison ay nakasunod lamang sa likuran niya. Kahit nakalong dress ito ay walang kahirap hirap para sa kanya ang paglakad at pagtakbo ng may kagandahan pa rin.

Nang iangat niya ang tingin niya sa akin ay bakas ang pagkunot ng noo niya.

"Get her out!" she commanded to Perl. "Hindi ako nag-imbita ng isang patay gutom dito!"

Nanlaki ang mata ko ng dumampi ang palad ni Tita Medi sa mukha niya. Halos lahat ng babae roon sa loob ay napatili sa gulat. Maging ako ay nagulat din doon.

"Tita!" hiyaw ni Allison sa tabi ni Senyora, na nakaalalay sa kanya.

"Tita..." pigil ko kay Tita Medi dahil ayokong lumaki iyon. Kahit paano ay may respeto ako sa asawa niya.

"Wala kang karapatang sampalin siya at higit sa lahat wala kang karapatang pagsalitaan siya ng ganyan!"

"Tita tama na po." Pigil ko ngunit pinigilan din ako ni Xantel at Rantel.

"Mom can manage." Bulong ni Xantel.

"Medi, stop it!" -sir Gerhard.

"Patay gutom ba 'ka mo?" pekeng tumawa ang Tita at bahagyang umabante. "Look who's talking!"

"Tumigal ka na, Medi!"

"No, kuya! Let your woman stop! Hindi ko hinahayaang saktan niya lang si Scarlet ng ganun. Although I didn't hear everything, alam kong ikaw ang may kasalanan!" panunuro niya kay Senyora. "You better know your place, Anasthacia! Dahil kung may patay gutom man dito hindi si Scarlet iyon! Ikaw!"

"Tita, please stop." Pigil ni Perl na pumagitna na rin. "Can we just talk about this later?"

Minsan niya akong sinulyapan ngunit mabilis akong umiwas.

"You better get your ass away from, Scarlet, kung ayaw mong ilabas ko 'yang bahong tinatago mo! Money can somehow hide who you are but not my eyes, Anasthacia. Not me!"

Hindi nakasagot si Senyora. Napataas ako ng kilay ng makita ang masamang tingin ni Allison sa akin.

Kumawala ang Tita sa hawak ni Tito Trich at hinarap kami. Ang mga labi nito ay nanginginig dahil sa galit.

"Let's go." Untag niya at nauna nang maglakad.

"Let's go, hija." -si Tito.

"Sorry po." Hinging paumanhin ko kay Sir Gerhard bago sila tuluyang talikuran at makaalis na ngunit hindi nakaligtas ang pandinig ko sa mga salitang nanggaling kay Allison.

"Kulang ka rin sa pansin, ano?"

"Allison!"

Napairap ako nang marinig ang pagtawag niya kay Allison. Why does it feel like my heart's still swollen? Kahit galit siyang tinawag ang pangalan niya ay nasasaktan ako?

Nilamon ng pait ang dila ko. Mabilis ko silang hinarap ng may ngiti sa labi.

"Ako ba ang kausap mo?" ngiti ko.

Tease Me (SSB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon