Chapter 11

10.6K 259 15
                                    

Chapter 11: Bonus

Humihikab pa ako habang naliligo. Thirty minutes lang ata ako nakatulog at pakiramdam ko malalaglag na ang mga mata ko sa antok. After the exam I will sleep the whole afternoon; Sisiguraduhin ko 'yan. Mabilis akong naligo at gumamit ng simpleng dress. I dried my hair habang nagbabasa ng libro sa ebook ukol sa maaring ilabas sa exam mamaya.

Nang tumuyo na ang buhok ko ay tumayo ako para makakuha ng isang hiwa ng papaya at ginawang agahan na lamang iyon. I don't have time to eat a heavy breakfast. Baka malate pa ako mamaya. Because this time, I don't want to be late. Hindi lang ito pisitsuging araw. I need to be good.

Pagkatapos nun ay muli kong itinuon ang atensyon sa harap ng aking phone. I texted Ian to come early. Nang sa ganun ay makapagpalitan kami ng impormasyon. Mabilis kong kinuha ang mga kailangan ko at lumabas na.

I opened the door and suddenly I remembered the guards. After our dinner ay muli niya ng kinuha ang guards niya. I really want to be happy pero hindi ko 'yon maramdaman. Kahit tatlong araw silang nandito and even though I hated their presence, when their not around ay hinahanap ng mata ko ang dalawa. In that short span of time, nasanay ko na ata ang mata kong hahagilapin sila, pagtataasan ng kilay at lilingon gamit ang masamang tingin.

Napatawa ako nang maalala iyon.

Sinarado ko na ang pinto at bumaba ng 3rd floor kung nasaan ang venue na nakalaan sa amin para sa exam. Pagkalapag ko sa tamang floor ay nakita ko na ang ilang mga estudyanteng makakasabayan ko sa exam mula sa ibang school. Halos lahat sa amin ay mga babae, bilang lamang ang lalakeng naroon. All of them are holding their books with them samantalang ako ay ebook lang.

Mula sa clear glass door ay kitang-kita namin ang mga upuang nakahilera sa tamang posisyon at layo layo sa bawat isa.

Hindi sa hindi ako sanay sa set-up but who would dare to cheat? Ni hindi namin kilala ang bawat isa.

Iginala ko ang tingin ko para mahanap si Ian ngunit wala pa ata siya. Ilan lang ang nagawa kong basahin. I need his help. Dapat andito na 'yon ah.

Kinagat ko iyong kuko ko habang nakatuon sa phone ko. Habang nagbabasa ay napapasulyap ako sa paligid. Trying to spot someone. He told me he'll be the one administering the exam pero bakit wala pa siya?

Kinagat ko iyong labi ko at umiling sa naiisip. Syempre siya ang mag-aadminister madami ba namang babae rito, tsk!

After he told me the coverage ay naging magaan na ang pakiramdam ko. Tila ang nakabuhol sa pagitan namin ay unti-unting naaayos. I don't want to assume yet but I'm liking the feeling. Enough for this one! I should read and not to think of other things. Kailangan ko itong OJT na ito, I need to graduate.

Inabot ako ng labing lima pang minuto bago narinig ang boses ng isang nasa mid 20's na babae.

"For all the examinees, for exactly ten o'clock I'll be administering the exam!" sigaw niya sa amin at inayos ang envelope na hawak hawak nito. "Please find a seat now!" dagdag niya pa bago naunang pumasok sa venue.

Hinanap ng mata ko si Ian na wala pa roon. Dumako ang mata ko sa elevator, nagbabakasakaling lumabas na siya roon ngunit wala pa rin.

I glanced at my watch. Twenty minutes na lang ay magsisimula na. Dapat ay narito na siya ngayon.

Habang naglalakad ay dinial ko na ang number niya. Ang ilang mga estudyante ay nasa kani-kanilang upuan na. Tanging tatlo na lang ang tanging bakante. Dalawa sa may pinakadulo at isa sa hamba ng pinto.

I brought back my attention on the call. Hindi ito sumasagot.

Nasaan na ba siya?! Ang usapan ay aagahan niya ang dating.

Tease Me (SSB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon