Chapter 29

6.1K 166 2
                                    

Chapter 29- Office

"Sabay na tayo?" tanong ni Ian nang maglunch break na.

Tumango lang ako at nagsimulang inayos ang gamit ko.

"Sunod ako." Ngiti ko rito at nilingon ang ilang mga kasamahan kong paalis na rin para maglunch. Nang tumango ito sa akin ay ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga nakakalat na papeles sa lamesa ko. Sunod kong pinatay ay iyong computer pagkatapos kong ayusin ang inasign sa akin.

"Rochelle! Idaan mo nga ito kay manager!" rinig kong sabi ni Ma'am Elisa.

Tumayo ako para umalis sa cubicle ko at nadatnan ang senior kong nakatalikod sa akin at nakataas ang kamay hawak ang isang envelope. Balak ko na sana siyang lagpasan ngunit ginalaw nito ang kamay sa direksyon ko.

"Rochelle!" naiinis na utas nito at pinagdiinan ang envelope sa akin. Napagkamalan niya atang ako si Rochelle. Sinubukan kong lingunin ang buong parte ng office nang wala na akong makitang tao. Maging si Rochelle ay wala rin doon.

Kinuha ko iyong envelope mula sa kamay niya. Ni hindi man lang niya ako nilingon. Busy ito sa pagcocompute.

Mainam siguro na ako na lang ang magdala nito roon. Wala rin naman nang ibang gagawa nito. Wala si Rochelle.

"Ako na lang po siguro ang magdadala." Boluntaryo ko. Nagulat ako ng mabilis itong lumingon sa gawi ko. Minsan niya akong tinaasan ng kilay at inagaw agad ang hawak kong envelope.

"Si Rochelle ka ba?" aniyang hindi ko nagustuhan ang tono. Napalunok ako at inayos ang natibag kong komposyur.

"No, Ma'am." I whispered.

"Pala!" pag-iirap niya at tinalikuran ako. Sa inis kong hindi ko mailabas ay kinagat ko na lamang ang labi ko. I need to stay cool. Lalagpasan ko na sana siya nang magsalita pa ito.

"Tawagin mo siya rito. Bilisan mo!" she demanded and took a glance. "Oh? Ano pa sa tingin mo ang hinihintay mo?" sabi nito at tinuro ang pinto. "Tawagin mo na siya! Bilisan mo!"

Napairap ako. I'm trying to control my temper. Matagal na akong nagtitimpi sa kanya. Simula pa lang ganito na ang turing niya at naiinis akong nagagawa ko siyang palagpasin na lang ng basta basta. I want this para makagraduate ako. I need a good record but it doesn't mean I have to kiss their feet just for this thing to happen. The hell I care if she gets mad or whatever pero ayoko ng napupuno ako.

"You know what, Ma'am,  ang sarap sanang pagsilbihan ka e, kung hindi ka lang sana bastos. Look, if you don't like me, it's fine. I don't like you either. You want me to look so stupid all the time then okay. You can demand but to tell you, never ignore what I'm capable of! Bastusin mo ko hanggang kailan mo gusto basta handa ka lang sa pwede kong gawin sa'yo." Hamon ko at lumapit ng kaunti sa kanya. "But for now I will give you my respect pero sana 'wag mong sagarin, ha, baka kasi lumabas kang nalampaso ko na 'yang baba mo!"

Nanliit ang mata nito at handa akong sunggaban ng marinig nito ang boses ng isa pa naming senior.

"Ma'am Elisa! Pinapatawag ka po ni Miss Garish."

Nanatili akong nakamasid sa kanya at pinagmamasdan ang susunod na galaw nito. Napaatras na lang ako ng itulak niya ang envelope sa dibdib ko bago ako lagpasan.

Pumikit ako nang mariin para iwala ang inis ko. Napatulala ako sa hawak kong envelope. Facing them every single day makes me puke.

Damn!

Lumabas na akong komportable na sa nararamdaman ko. Dumaretso ako sa office ni Perl ng payagan ako ng secretary nito.

"Iwan mo na lang doon. Magc-cr lang ako." Paalam nito sa akin.

Tease Me (SSB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon