Chapter 8

71 7 1
                                    

"..ate freya?.." tawag ko sa ate ko, sa mga taong nakatalikod sa harapan ko. Alam ko si ate ang isa sa kanila. Si mama at papa naman ang dalawa. "Mama....papa" tawag ko. Hindi parin nila ako nililingon. Lalapit na sana ako para kunin ang atensyon nila. Unti-unti naman sila lumalayo. Binilisan ko ang paglakad. Hanggang sa patakbo na ako humahabol sa kanila.





Panay ang tawag ko sa pangalan nila "ate! Mama! Papa!" Hinihingal na ako. "Mama. Papa. Please wait!" Pagmamakaawa ko. Hanggang sa iba na ang tinatahak kong daan. Wala na sila sa harapan ko. Patuloy parin ako sa pagtatakbo, tinatawag ko parin sila "MAMA! PAPA! Ate Freya!!" Habang hinahanap sila ng mata ko. May naririnig akong tumawag sakin.

"...vah"
"avah..."
"avah"
sinundan ko ang tinig na iyo. hanggang sa may humawak sa balikat ko. Ang akala ko sina mama. Kaya paglingon ko. Kinilabutan ako. Mukha nung demonyo ang nakita ko. "Dito kalang pala pinahirapan mo pa ako" sabi nito habang nakangisi. Pilit ako kumakawala at umiiling, Umiiyak. Sumisigaw ng saklolo.






Nakita ko ang magulang ko at si ate freya na nakatalikod parin sakin. Tinatawag ko sila pero di nila ako nililingon. "Please. Tulungn nyo ako. Mama.papa.ate freya" paulit ulit kong tawag sa kanila. Umiiling nalang ako ng unti-unti nya hawakan ang hita ko. Nagsisisigaw na ako....

"tulong."

"Tulong"

"Tulong"

"Wag po."

"W-wag p-po"

May yumakap sakin sa likod. Hindi ko alam kung sino. Pero nakaramdam ako nang comfort. Hindi ko makita ang mukha nya masyadong malabo.

"I'm here"
"I will protect you"

Sabi ng estrangherong lalake.




Bigla ako napabangon sa pagkakahiga. At umiiyak na. Natatakot ako. "Jusko po." Tawag ko kawalan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra ako pinagpapawisan. Nang kumalma ako. Napansin ko na nasa isang kwarto ako. Bigla ako kinutuban. "Oh god". Hindi pamilyar ang kwartong ito sakin. Wag naman po sana.




Pilit kong ina-alala ang mga nangyari. Kinakabahan parin ako. Isa lang ang dapat kong gawin. Kailangan kong makaalis dito. Napansin ko na may dextrose na nakatusok sa kamay ko. Inalis ko ito. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang kirot. Umalis ako sa kama. Unti-unti ako humahakbang. Papunta sa pintuan. Mejo masakit ang mga binti ko. I check if the door is locked. At hindi nga. Binubuksan ko ito ng dahan-dahan para hindi makagawa ng ingay.





Wala ako makitang tao sa labas. Pagkakataon ko nang makatakas. Medyo maayos na nang kaunti ang pakiramdam ko. Alam kong hilom na ang ibang sugat na natamo ko. Pero hindi ang puso at isip ko. Bigla ko sila naalala. Napaluha ako. Pero Kailangan kong umalis. Kailangan ko patatagin ang loob ko. Kaya lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Diko parin maiwasan humanga sa laki ng bahay. Na sa isang mansion ako. Pero "sino ang tumulong sakin?" Tanong ko sa kawalan habang hinahanap ang main entrance. Kailangan konang makaalis dito. Yan lang muna dapat ang isipin ko.

Loving the mafia bossWhere stories live. Discover now