Prologue

163 8 0
                                    


Lakad takbo ang aking ginagawa, hindi ko alam san ako dadalhin ng aking mga paa.

Pero isa lang ang sigurado ako.

Kailangan kong makalayo, makatakas... dahil kung hindi... hindi nila ako bubuhayin...
papatayin din nila ako.


Kailangan kong mabuhay.
Kahit hirap na ako sa pag takbo.
Kahit nangangatog na mga paa ko. Nanghihina, Kailangan kong indahin ang nararamdaman kong pagod.

"Kailangan kong mabuhay"
yan ang nasa isip ko.
Yan ang dapat mangyari. Habang patuloy ang bugso ng aking luha.


Tinahak ko ang isang masukal na gubat at madilim na daan.
Duon ko naisip na baka may pagasa akong makatakas sa kanila.

Sumasabay din ang panahon sa ngyayari sakin.
"God tulungan nyo po ako, wag nyo po ako pababayaan"
mahinang usal na dalangin ko.



Nararamdaman ko ang hapdi ng aking paa, at kirot sa mga braso at mukha ko.

Napapangiwi nalang ako.
Dahil sa mga natatapakan kong mga bato at nadadaanang mga sanga.
Wala na akong pakialam.

Basta makalabas ako sa impyernong lugar na ito.


May naririnig akong papalapit na mga yabag. At mga boses
.....boses ng mga halang na kululuwa.
"God please...maawa kayo sakin, please lng po"
usal ko habang umiiyak.

Kahit nadadapa na ako sa daan pinipilit kong tumayo. Kahit nararamdamn ko na nadudugo na ang aking talampakan. Iindahin ko.

Kahit ano basta, makaalis ako at makatakas sa mga demonyong humahabol sakin.

Narinig ko ang pagputok ng isang baril.

Nanginginig na aking katawan sa takot at lamig dahil sa lakas ng panahon.

Alam kong malapit na sila at pagtumigil ako alam kong mahahabol nila ako.

"Hindi pwede. Kailangan kong mabuhay, kailanagan kong mabuhay"
paulit ulit na sinasabi ko sa saril ko.



Natatakot ako sa kung ano ang gagawin nila sakin.

Alam kong papatayin din nila ako.
Dahil yun ang utos sa kanila.

But knowing what kind of people they are. Alam ko pahihirapan na muna nila ako bago nila ako lagutan ng hininga.

Loving the mafia bossHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin