Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tila naman naintindihan ni Julian ang naguguluhan kong mukha. 

"Serene, perhaps you already forget, I have my own ways." kindat pa nya sa akin. 

Habang naglalakad pabalik sa school ay nakasalubong namin ang grupo ni Souta. Kasama nila si Aries na noong nakita si Pietr na walang malay ay agad itong lumapit dito at tinulungan. 

"Anong nangyari?" naaalarma nyang tanong.
"Tranquilizer gun." sagot ko at saka inexplain sa kanila ang nangyari.

Tinulungan din ako ng mga gangmates ni Souta para buhatin si Jace pero hanggat maari ay hindi ko binitawan ang kamay nya. Kailangan ko syang hawakan. I want to feel safe.

Minungkahi ni Souta na manatili muna kami sa school clinic ng Maeda Mora pero tumanggi si Julian. 

"It's not safe here." suhestyon pa nya. "We need to get away from here for now." tumingin sya sa akin at sa tingin na iyon ay nagkaintindihan kami. Kailangan naming pumunta sa isang ligtas na lugar dahil siguradong babalikan kami rito nila Blow.

"If that's what you want." Tumango si Souta sa mga kasama nya at inutusan na ihanda ang kotse para sa amin. "Ayos ka na ba dyan? Kailangan mo ng tulong kay Pietr?" turan pa nito kay Aries. 

"No need. Darating na rin dito mamaya si Lynx para sunduin kami." sagot naman ni Aries kay Souta. 

Si Lynx o si Abby, tunay nyang pangalan. Matagal na noong huli ko syang nakita. Kamusta na kaya sya? Gusto kong lumapit kay Aries para tanungin kung kamusta na si Abby pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para roon. Dumating ang isang kotse at pinanood ko ang pagbuhat nila kay Pietr paloob ng kotse. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalayo sila. 

"Serene." tawag ni Julian sa pangalan ko kaya lumingon ako sa kanya. "We need to go." Tumango sya sa isang kotse na halos kadarating lang din. 

"Nasaan si Jace?" 

"Nasa kotse na." sagot ni Souta sa tanong ko. Pumasok na si Julian sa driver's seat samantalang si Souta naman ay pinagbuksan ako sa likod. 

"Doon na ako sa harap." sabi ko. 

"Dito ka na sa likod kasama ni Jace. Kailangang nasa tabi ka nya kapag nagkaroon sya ng malay." 

"Bakit?" 

"Dahil baka mapatay nya ako kapag nakita nya 'yang mga pasa mo sa mukha." 

Pumasok na ako sa loob pero sinundan ko pa rin ng tingin si Souta. Sya ang umupo sa harap katabi ni Julian. Bakit para yatang may takot ang mga mata nya?

"Anong ibig mong sabihin?" inistart na ni Julian ang kotse. Binuhat ko ang ulo ni Jace at saka inihiga sa hita ko. I lovingly stroked his face. May pasa sya sa mukha na kailangan gamutin. I hugged him closely and kissed his forehead. 

"You will be my shield you know." lingon sa akin ni Souta mula sa kinauupuan nya. May mapaglarong ngiti sa mukha nya pero agad ding napawi iyon. "I might get my death sentence today because I did not get the chance to protect you." 

May mapaklang tawa ang lumabas sa mga labi ni Julian na parang may alam sya na wala akong kaide-ideya. 

"Wala kang kasalanan doon." sabi ko para pagaanin ang nararamdaman nya. "Wala kang kasalanan kung sumugod man si Blow at ang iba pang kampon ni The Highest." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon