EPILOGUE

17.3K 295 23
                                    

Andy's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng makidnap si Cassy at nandito parin ako sa hospital para makapag pagaling. Sa isang linggong yun si Damian o kaya si Yana ang nagbabantay sa akin kasama si Cassy syempre.

Lumabas ako ng hospital room ko at pumunta sa veranda para makapag pahangin. Wala akong kasama ngayon dahil kailangan magpahinga ni Cassy dahil sa trauma,Si Yana nagaaral at si Damian naman ay--ewan ko.

Habang nasa veranda ay may narinig akong mga usapan. Actually familiar nga ang boses nila

"Tara na kasi sa roof top"

"Walang magbabantay sa kaniya"

Di ko na napigilan at sumilip na ako para malaman kung tama ang hinala ko.

'Sabi na eh si Damian yun tapos si--teka parang si Kylie yun--eh patay na yun eh!'

Mas lumapit ako sa kanila. Mahirap silang makita dahil naka side view sila kaya di ko makilala masyado.

'Ayy wait!--Si Yana yun ah!'

Nanlaki ang mata ko ng makita ko sila. Bakit kaya sila magkasama?! Sinundan ko silang dalawa ng tingin at naglakad sila at huminto sa harap ng elevator.

'Teka! Bakit ba kasi sila magkasama?! Ano ba yan!!'

Nung bumukas na ang elevator ay sakto namang dumaan ng tingin si Yana sa banda sa akin at sigurado akong nakita niya ako.

Nung nakasakay na sila sa elevator ay agad akong naglakad sa papunta sa elevator, tinignan ko kung saang floor sila pupunta at tama nga! Sa roof top ang punta nila.

Lumipat ako sa katabing elevator at doon sumakay.

*ting!*

Paglabas ko ng elevator ay may onting hagdan pa akong aakyatin at walang pagdadalawang isip akong pumunta doon.

Nakita kong medyo nakabukas ang pinto kaya sumilip ako at wala akong ibang nakita kundi ang isang lamesa at dalawang upuan.

'Ouch!'

So ito pala ang ipinunta nung dalawang yon dito?! At sa roof top pa mismo balak magdate?! Di na nahiya! At ang bata bata pa ni Yana at si Damian pa ang gusto?!

Isasara ko na sana ang pinto ng may tumawag sa akin.

"Andy.." Narinig kong may tumawag sa akin kaya agad akong napalingon at nakita ko si Damian na papalapit sa akin habang may hawak na roses. "Happy aniversarry" sabi niya ng nakangiti at ibinigay sa akin ang roses na hawak niya.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. 'WHAT ANIVERSARRY DAW?!!'

hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa table na kulay red and white ang kulay.

"T-teka ng-nga" nauutal kong sabi.

Di ko na alam ang gagawin ko dahi sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Why?" Tanong ni Damian na mukhang nagaalala.

"Si Yana. Di ba magkasama kayo kanina? Nasaan na siya? Bakit kayo magkasama?" Sunod sunod kong tanong. Nakita ko namang medyo natatawa si Damian pero di ko ma yon pinansin.

"Pfft. Jealous?" Nanunuksong tanong ni Damian kaya inirapan ko siya.

Mayamaya lang ay biglang bumukas yung pinto at lumabas mula roon si Yana na may dalang pagkain at nakasuot ng pang waitress.

"Kuya! Ingatan mo si ate ko Andy!" Sabi niya pagkatapos ilapag ang pagkain sa mesa at umalis na din.

Habang kumakain kami ay napansin kong parang di mapakali si Damian sa upuan niya at panay ang tingin sa relo.

"May lakad ka ba?" Tanong ko sa kaniya syempre ayoko namang makaistorbo no.

"W-wala" sagot niya.

Hang kumakain kami ay may napansin akong nahulog na isang rose petal at habang tumatagal ay mas marami pa ang nahuhulog.

"Andy" tawag sa akin ni Damian at tumayo ito at naglakad papunta sa harap ko at kinuha ang kamay ko.

Habang tumatala ay mas dumami ang rose petals kaya agad kong iniangat ang paningin ko at may nakita akong dalawang helicopter at kasabay ng pagtingin ko ay ang paglaglag ng malaking banner na nakadikit sa dalawang helicopter.

'Will you marry me?' Basa ko doon sa nakasulat agad akong napalingon kay Damian.

"Andy,Will you marry me again?" Tanong sa akin ni Damian at doon niya inilabas ang singsing.

Di agad ako nakasagot sa gulat at saya na naramdaman ko. Naalala ko ang lahat ng mga bagay na nangyari sa amin at di ko mapigilang di maluha dahil sa saya.

"Andy" tawag sa akin ni Damian na hanggamg ngayon ay nakayuko parin.

"Y-yes!" Sagot ko

"Yes?" Pagulit niya

"Oo. Yes" paguulit ko.

"I love you"

"I love you too"

---

3rd person's POV

Dalawang buwan ang lumipas ng magpropose si Damian kay Andy at ngayong araw na to ang mismong araw ng kasal nila.

"Fuck. Fuck. Fuck. Where is my wife? Ang tagal" nagpapanic na si Damian dahil limang minuto ng late si Andy.

"Boss kalma! Baka natraffic lang" pagpapakalma ni Byron kay Damian.

Habang naghihintay si Andy sa signal na papasok siya ay sobra sobra ang kaba at saya ang nararamdaman niya.

Mayamaya lang ay nagsimula na silang magmartsa papasok sa simbahan hanggang si Andy na ang lalakad.

Habang naglalakad si Andy sa ginta ay titig na titig si Damian kay Andy at ganon din ai Andy kay Damian.

---

"I may now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride" pagkasabing pagkasabi pa lang non ng pari ay agad na naglandas ang mga labi namin ni Damian.

"I love you,beautiful" bulong ni Damian habang magkadikit ang aming noo.

"I love you too,handsome" balik ko sa kaniya habang nakangiti.

-END-

A/N:
Tapos na! Hahah salamat sa mga nagbasa/magbabasa/nagbabasa nitong storyang to. Kung may tanong/request/reaction feel free to comment it down di ako nangangain. Salamat ulit. At kung di kayo busy try my other stories thank you. See the external link.
Love yah~

SoldWhere stories live. Discover now