20.

13.3K 204 5
                                    

3rd person's POV

'I will surely kill Cassy ;) -Kylie' galit at pagaalala ang naramdaman ni Andy ng mabasa ang papel.

"DAMN YOU KYLIE! FUCK YOU!" Galit na napasigaw na lang si Andy at naibato ang isang vase na malapit sa kaniya. Agad na bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang tatlong lalaki na walang iba kundi sila Damian.

"What happened?" Nagaalalang tanong ni Damian kay Andy.

"Si Cassy.." sabi ni Andy at di na napigilan ang sariling maiyak dahil sa nangyari sa anak ibinigay nito ang papel kay Damian upang ipabasa.

"Damn it! Damn her!" Kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Damian.

Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ni Andy dahil sa daming negatibong bagay na pumapasok sa utak niya.

"Shh..Calm down Andy" pagaalo ni Damian kay Andy habang yakap-yakap ito.

"I can't Damian. I can't" sagot ni Andy. "Paano kung may mangyari sa kaniya, Damian? Di ko kakayanin!" Dagdag ni Andy at agad na kumalas sa yakap ni Damian.

"We will find her Andy" sabi ni Damian bago tuluyan silang lumabas ng kwarto.

"Byron,do everything to find Cassy and Thorne ask our people to prepare" paguutos ni Damian sa dalawa agad naman silang kumilos at kinuha niya rin ang phone para tawagan si Kylie at ma-trace siya para madaling silang mahanap. Di naman siya nabigo at agad na sinagot ni Kylie ang tawag dali-daling kinuha ni Damian ang laptop niya at kinonect ito sa phone niya at habang kinakausap si Kylie ay nagtatype na ito ng commands sa laptop.

"Kylie,where the hell are you?" Kalmado ngunit galit na sabi ni Damian.

[Why would I tell you? If I know your trying to trace where I am] sagot ni Kylie na halata mong nangaasar pa.

Di pinansin ni Damian ang sagot ni Kylie dahil busy ito sa pagtipa ng keyboard "what the hell?!" Naisigaw na lang ni Damian ng tuluyan na niyang malaman kung nasaan si Kylie 'mall?'. Binaba ni Damian ang tawag at sinubukang i-hack ang mga CCTV sa lugar na yon. Mabilis niyang na-access ang CCTV at nakita si Kylie na pasakay na sa isang van at mabilis na nakaalis.

"Byron, access all the CCTV around these area and find this plate number" utos ni Damian kay Byron.

Ilang oras na ang nakakalipas ngunit di pa rin nila tuluyang nalalaman kung saan papunta si Kylie dahil pinapa-ikot ikot lang sila nto.

"Done!" Sigaw ni Byron ng tuluyang mahanap kung saan patungo si Kylie agad na lumapit si Damian kay Byron para tignan ang address ng lugar.

"I-hack mo ang CCTV sa loob" utos ni Damian kay Byron.

Agad namang sinunod ni Byron ang utos ni Damian "wala boss, walang CCTV" sagot ni Byron. Tumango lang si Damian bilang sagot.

"Thorne,Tell them the address and prepare pupunta tayo doon bukas" utos ni Damian tumango lang si Thorne at ginawa na ang utos ni Damian.

Nang matapos sila ay napag desisyonan na nila Thorne at Byron na umuwi na sa kanila matapos umalis ng dalawa ay tinignan ni Damian ang relo para tignan kung anong oras na '10 o'clock' agad na dumiretso si Damian sa kusina at ininit ang niluto ni Andy kanina at nilagay ito sa tray para ihatid kay Andy na sigurado siyang di pa natutulog at gutom na.

---

Kinabukasan ay maagang nagising ang dalawa at kumain ng almusal.

"Si Cassy? Ang anak natin?" Nagaalalang tanong ni Andy kay Damian.

"Alam na namin kung nasaan sila nagtatago at mamaya pupunta na kami doon" pagpapaalam ni Damian kay Andy.

"Anong 'kami'? Bakit di ako kasama? Nanay ako Damian!" Naiinis na sigaw ni Andy kay Damian

"Ayokong masaktan ka Andy. Nagaalala lang naman ako sayo" sagot ni Damian.

"Please Damian,please gusto ko ng makita si Cassy" pagmamakaawa ni Andy kay Damian.

"Fine. Pero sa loob ka lang ng sasakyan" pagpayag ni Damian kay Andy.

"Salamat"

Mayamaya lang ay naghanda na sila dahil aaalis na sila papunta sa pinagtataguan nila Kylie.

Pagdating nila doon ay agad nilang ipinark ang sasakyan malayo sa pinagtataguan nila Kylie. Bago umalis si Damian ay iniwan niya si Andy sa kaniyang tauhan.

Nung una ay nahirapang pumasok sila Damian dahil sa dami ng taong nagbabantay buti na lamang at may silencer ang baril na gamit niya at hiwalay ang dinaanan nila ng mga tauhan niya.

Samantala habang nagkakagulo na sa labas ay wala paring malay ang batang si Cassy dahil sa nasinghot na kemikal.

"Magsasama-sama kayo ng pamilya mo sa impyerno" may diing sabi ni Kylie pagpasok sa kwartong kinalalagyan ni Cassy at lumapit ito sa isang kahon na may lamang bomba ilang saglit niya lang itong kinalikot at inactivate ang bomba

'Isang oras,isang oras na lang at mawawala na kayo!'

Ilang minuto na simula ng iwan ni Damian si Andy sa sasakuan at di na talaga mapakali si Andy.

Napabaling ang tingin niya sa lalaking kasama niya, siya ang inutusan ni Damian na magbabantay kay Andy. Dumako ang tingin niya baril nito.

Napabuntong hininga na lang si Andy dahil gusto niya na talagang pumasok sa loob upang mailigtas ang anak.

Mabilis ang galaw ni Andy para makuha ang baril nitong nakatago bago pa tuluyang makareact ang lalaki ay agad niya ng ipinokpok ang baril sa batok nito dahilan para mawalan ito ng malay.

Lumabas na siya ng sasakyan at dirediretsong naglakad papunta sa kinalalagyan ng anak.

Di na nagaksaya pa ng panahon si Andy at pumasok sa loob ng building. Di na siya masyadong nagaalala dahil kadalasan sa mga tauhan na madadaanan niya ay patay na o kaya ay wala ng malay.

Habang naglalakad ay may pailan ilan na bigla na lang sumusulpot na kalabat kaya agad niya rin itong pinapaputukan. Habang naglilibot ay iniisa-isa niya na rin ang bawat kwartong makikita niya at tinitignan kung may tao doon.

Hanggang sa makarating siya sa huling pintuan at sigurado siyang nandoon na nga ang anak niya pagpasok niya ay nagulat na lang siya ng biglang may nagpaputok ng baril at sakto iyong tumama sa braso niya "argh!"

Agad ding gumanti ng baril si Andy at tumama lang ito sa may balikat ni Kylie dahilanpara mabitawan nito ang baril "shit! You bitch!" Agad na sumugod sa kaniya si Kylie at aambahan sana siya ng suntok pero mabuti na lang at mabilis iyong nailagan ni Andy. Nakailang suntok si Kylie pero paruloy lang itong iniilagan ni Andy.

"Tss. Kahit anong gawin mo are-pareho tayong mamamatay dito!" Sabi ni Kylie at tinuro ang bomba "see? Ilang minuto na lang sasabog na" nakita niyang ngumiti si Kylie na tila ng aasar.

Malakas na sinampal ni Andy si Kylie dahilan para masubsob ito sa lapag sakto namang pinagbagsakan ni Kylie ay malapit sa isang baril agad niya iyong kinuha at tinutok kay Andy "ano?! Sige lumapit ka subukan mo!" Pananakot sa kaniya ni Kylie "may 20 minutes na lang. Kung papaalisin mo ako dito madedefuse ko ang bomba" dagdag ni Kylie sabay pakita ng isang remote.

"At bakit ko naman yon gagawin?" Ganting tanong ni Andy kay Kylie.

"Kasi sinabi ko!" Sabay ng pagsagot ni Kylie ay pinaputukan si Andy sa may hita nito.

Dahan-dahang tumayo si Kylie pero bago pa ito tuluyang makatayo ay mabilis itong natumba dahil sa pagtama ng bala sa dibdib niya. Napalingon naman si Andy sa likod niya at doon niya nakita si Damian,Thorne at Byron.

"Damian!" Tawag ni Andy kay Damian habang sinusubukang tumayo agad namang lumapit sa kaniya si Damian at binuhat siya.

"I told you not to go out" panenermon sa kaniya ni Damian "see,what happened?!"

"Sorry. Im sorry" paghingi ng paumanhin ni Andy kay Damian "Kailangan na nating umalis dito!" Sabi ni Andy ng maalala ang sinabi sa kaniya ni Kylie "may bomba"

Agad silang kumilos para pakawalan si Cassy sa pagkakatali. Mabilis silang umalis ng lugar na iyon at dumiretso sa pinaka malapit na hospital.

SoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon