14.

11.9K 216 17
                                    

3rd person's POV

Ibat-ibang klase ng tao. May nagkakatuwaan. May naguusap tungkol sa negosyo. May nagpaplano. Ganito ngayon ang nangyayari sa isang Masquarade party.

"Good evening ladies and gentlemen please welcome Presedent Tristan Ashworth of Ashworth group of companies" Bumaba ang isang di katandaang lalaki at dumiretso sa entablado

"Magandang gabi. Ngayon ko sa inyo pormal na ipapakilala ang nagiisa kong anak bilang aking tagapagmana. Walang iba kundi si Andromeda Ashworth" pakilala ng ama ni Andy sa kaniya. Habang inaaalalayang bumaba si Andy ng hagdan ay samutsari ang naging reaksyon ng madla. May masaya. May inggit. May galit. At may gulat

Nang makarating sa entablado ay agad niyang inilibot ang paningin kahit alam niyang wala itong kwenta dahil lahat ng tao rito ay may mask na suot.

"Good Afternoon everyone! Please enjoy the party" sabi nito ng matanggal ang mask na suot tulad ng ginawa ng kaniyang ama. Agad na nagkaniya kaniya ang mga bisita may sumayaw,may kumain,may ipinagpatuloy ang mga ginagawa.

At may nakatitig lamang sa kaniya ng may gulat,saya at galit.

'Damn it! It can't be!' Bulong ng isang lalaki habang pinagmamasdan si Andy.

"Damian honey! Oh my gosh! Kanina ka pa namin hinahanap" sabi ng babaeng kasama niya na walang iba kundi si Kylie

"Daddy!" Biglang tumakbo ang batang kasama ni Kylie kay Damian at niyakap ito ng mahigpit at masayang nagkwento.
Habang nagkekwento ang bata ay nakatingin lamang si Damian kay Andy

'Tsk!' napailing na lang to ng maalala niya ang letter na nabasa niya sa kwarto ni Andy at ang mga nalaman niya mula kay Tracy.

Samantala habang ang ama ni Andy ay walang tigil na ipinapakilala siya sa mga bisita ay napadaan ang tingin niya sa isang lalaking may kalong-kalong na batang babae at masaya itong kausap. 'Damian'

Napayuko siya at naikuyom ang mga kamay ng may maramdaman siyang sakit at galit sa kaniyang nakikita 'Fuck! Nakamaskara ka na nga kilala parin kita! Damn!'

"Excuse me" sabi niya sa ama at sa kausap nito at umalis at dumiretso sa rest room.

Pagpasok niya roon ay agad siyang humarap sa salamin at napapikit upang pakalmahin ang sarili at unti-unting minulat ang mata.

"Hi" sabi ng babae kay Andy habang naglalagay ng lipstick

"Kylie" malamig na tawag sa kaniya ni Andy

"Missed me my dear Andy?" sagot ni Kylie at tinapos ang ginagawa at nginitian ito "sayang! Mukhang palpak yung plano kong pagpatay sayo. Tsk tsk tsk! Tanga kasi nong inutusan ko" at lumabas na ng rest room

'Sisiguraduhin kong di matatapos itong gabing ito ng walang nangyayaring masama sayo!'

"Andy!" Tawag sa kaniya ng isang boses agad siyang napalingon sa una ay di niya ito nakilala pero ng tanggalin nito ay agad niya itong nakilala.

"Kaizer?" Agad na lumapit sa kaniya ang lalake

"Akala ko nakalimutan mo na ako" biro ni Kaizer sa kaniya "kamusta?"

"Im good. Ikaw? Ang tagal na.." Di naituloy ni Andy ang sasabihin ng maalala niyang ang araw na iyon. Ang araw din na kung kailan ang huling masayang alaala nila ni Damian.

"Yeah"

Maraming bisita na ang nagaalisan pero patuloy parin sa pagkekwentuhan sila Kaizer at Andy.

Inilibot ni Andy ang paningin niya ng makita niyang paalis na rin sila Damian at Kylie pero bago pa ito lumabas ay dumaan muna si Kylie sa rest room.

"Saglit lang" umalis na si Andy at dumiretso sa rest room tinignan niya muna ang ibang cubicle kung may tao. In-off niya ang ilaw ng makumpirmang wala ngang tao.

"Oh my! Oh my!" Narinig niyang may parang nagbukas na pinto kaya agad siyang naalerto. "WHO THE HELL ARE YOU?!!" naiinis na nagsisigaw si Kylie habang kinakapa ang clutch nito at hinahanap ang phone.

"Its Andy my dear" panggagaya niya sa tono ng pananalita kanina ni Kylie

"YOU!" Sinugod ni Kylie si Andy agad namang sinipa ni Andy si Kylie sa paa na naging dahilan ng pagkakadulas nito. Napatili ng malakas si Kylie sa sakit.

Binuksan na ni Andy ang ilaw at nakita niya si Kylie na hirap na hirap tumayo dahil sa sakit ng paa at sa taas ng takong na suot ni Kylie.

Malakas na humalakhak si Andy ng makitang paika-ikang naglalakad si Kylie habang nakasimangot ang mukha.

"Happy. Aren't you?" Tanong ni Kylie sa kaniya habang paika-ikang naglalakad palapit sa kaniya

"No. Marami pa sana akong gustong gawin sayo kaso biglang nagbago ang isip ko.. Maybe next time?" Sagot ni Andy at naglakad na palabas ng bigla siyang sinabunutan ni Kylie at hinila agad na nakaganti si Andy at siniko ito sa may bandang leeg dahilan para mabitawan siya ni Kylie malakas niya itong sinampal.

"Bitch!" Inis at galit na galit na singhal sa kaniya ni Kylie. Ngumiti lang si Andy at lalabas na sana ng biglang bumukas ang pinto. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Andy

"Honey!" Halata ang pagpapaawa sa boses ni Kylie ng dumako ang tingin niya kay Kylie

"Damn it!" Mabilis na tumakbo si Damian kay Kylie at tinulungan itong makatayo. Paika-ikang lumakad si Kylie habang inaaalalayan siya ni Damian tumayo. Walang ibang nagawa si Andy kundi pagmasdan silang dalawa.

Tinignan niya si Damian na dahan-dahang binubuhat si Kylie sakto naman nagkatitigan sila ni Damian. Nakita niya ang galit at pagaalala sa mata nito kaya agad siyang umiwas ng tingin.

'Limang taon lang akong nawala'

Pinagmasdan ni Andy na umalis ang dalawa. Nang mawala ang mga ito ay doon nagpaulit-ulit sa kaniya ang sinabi ni Damian sa kaniya bago sila tuluyang makaalis

"Dont you ever hurt her again"

"Dont you ever hurt her again"

"Dont you ever hurt her again"

SoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon