6.

16.6K 304 5
                                    

REVISED

Andy’s POV

Paglabas ko ay doon ko naabutan si Damian na mukhang nagluluto ng almusal. Tahimik akong naupo sa stool at pianood siyang magluto na mukhang hindi naman nito napansin.

“Good Morning” bati ko rito ng makaharap niya sa akin habang kawak-hawak ang dalawang platong may lamang bacoon,egg and fried rice.

“Morning” sagot nito at nilapag ang isang plato sa tapat ko at ang isa naman ay sa harap niya at sabay kaming kumain.

Ilang saglit na katahimikan at di ko mapigilang hindi magtanong.

“Nasaan tayo?” tanong ko rito bago uminom ng tubig at hinintay ang sagot nito.

“Tagaytay” sagot nito at muling sumubo ng pagkain.

“Bakit tayo nandito? Nasaan na yung iba?” Nagtataka at gulat na tanong ko dito.

Uminom ito ng tubig bago magsalita “Ayaw mo ba akong kasama?” tanong nito na titig na titig sa mga mata ko, ilang saglit kaming nagkatititigan bago ko iniwas ang paningin ko sa kaniya.

“Hi-hindi naman sa ganon,pero bakit nga kasi tayo nandito?” pagulit ko sa tanong ko.

“Gusto ko lang magpahinga” sagot niya.

“Yun lang?! tapos dinamaydamay mo pa ko”

“Of course you’re my wife” sagot nito na siyang nakapagpatahimik sa akin.

Matapos ang usapan na iyon ay wala nang muling nagsalita pa sa amin hanggang sa natapos kaming kumain.

Palabas na ako ng kusina ng makita ko siyang nakaupo sa stool na naka-bihis at tinitignan ako. "Lets go?" Imik nito.

"Huh? Saan tayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Basta. Change your clothes we're going somewhere" sabi niya at umalis ng kusina at na-upo sa sala.

Sinunod ko naman siya at nag-bihis.

---

"Sky ranch?" Nagtatakang tanong ko.

'Sky ranch at Damian Motgomery? Wow!-- I mean wala sa hitsura niya ang pagsakay sa mga rides dito at kung pagkain naman ang hanap niya bakit dito?' Yan ang laman ng utak ko habang naglilibot kami sa loob.

"Woah!" Nagulat ako ng hatakin niya ako pasakay sa vikings.

Marami pa kaming sinakyang rides tulad ng ferriswheel.

"Gutom ka na?" Tanong niya habang naglalakad-lakad na lang kami.

"Hmm..hindi pa naman" sagot ko pero mukhang hindi kami nagkasundo ng tyan ko at tumunog na ito. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Let's eat" sabi niya at hinawakan ang kamay ko ay naglakad papunta sa isang restaurant.

Naramdaman ko naman ang pamumula ko at pagbilis ng tibok ng puso ko. Di ko maiwasang mapatingin sa kamay naming dalawa. 'Oh my god save me lord. I think Im falling for this guy!'

Di ko alam kung mababaw lang ba talaga ako pero sa simpleng gestures niya lang di na magkanda-ugaga itong puso ko.

Nang makarating kami sa restaurant ay agad na umorder si Damian para sa aming dalawa.

"Thank you" imik ko.

"Para saan?" Nagtatakang tanong niya.

"Para sa araw na to. Napasaya mo talaga ako, Salamat" sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Anything for you my wife" napayuko na lang ako para itago ang pamumula ko. 'Jusko lord alam kong asawa niya ako pero di niya kailangan ipagduldulan at di ko mapakalma ang sarili ko'

Ngumiti na lang ako ng tipid sa kaniya. Mayamaya lang din ay dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain.

"I want to know you more" imik niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Ganon ba? Then ask me anything" sabi ko sa kaniya. "Ah may naisip ako salitan tayong magtatanong sa isa't-isa pero kahit tanong mo sasagutin mo rin" dagdag ko at tumango lang siya at uminom ng tubig.

"Your full name?"

"Andromeda Sarmiento"

"Wrong! Your name is Andromeda Sarmiento-Montgomery" Muntik na ako malaglag sa upuan dahil sa di ko inaasahan yon. Di ko maitago ang pamumula ko dahil sa sinabi niya.

"Im Damian Montgomery"

"Birthday?" Turn ko naman para magtanong.

"Febuary 18"

"Ako namam August 11"

"First impression?"

"Masungkit actually nakakatakot ka nung una kitang makita" sagot ko

"Matapang na duwag"

"Huh?" Nalilito kong tanong.

"You're afraid of me pero nung nalaman mong Mafia Boss ako di ka man lang natakot" sagot niya.

"Favorite food?" Tanong ko.

"Menudo"

"Kaya pala" bulong ko

"Huh?"

"Nung nakaraan inalok kitang kumain ng niluto ko hindi ka kumain pero ng nalaman mong menudo yon kumain ka" sagot ko ng may ngiti sa mukha.

"Oh"

Hanggang sa matapos kaming kumain ay puro ganon lang ang ginagawa namin.

'I think mali talaga ang pagkakakilala ko kay Damian'

---

"Excuse me" sabi niya at kinuha ang phone nitong nagriring.

"Magc-cr lang ako" paalam ko sa kaniya at tumango lang siya. Agad naman akong naglakad sa pinakamalapit na CR at ginawa ang dapat kong gawin doon.

Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay at inayos ang buhok ko. Habang nakatingin sa salamin ay may nakita akong pamilyar na mukha tinignan ko ang katabi ko. 'Saan ko ba siya nakita?'

Ibinalik ko ang tingin sa salamin bago lumabas ng CR. Paglabas ko ay nakita ko si Damian na naghihintay agad akong lumapit sa kaniya.

"We'll be going back to Manila" sabi niya at tumango lang ako.

Habang nasa kotse kami ay tahimik lang ang buong byahe namin at dala na rin ng pagod ko ay naka tulog na agad ako.

Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang paglapat ng katawan ko sa malambot na kutson. Hindi pa rin ako dumilat dahil inaantok pa din ako. Naramdaman ko ang pagtanggal niya sa sapatos ko

"Good night my wife" bulong niya at hinalikan ang buhok ko.

'Oh my gosh!'

Narinig ko ang pag bukas at sara ng pinto tsaka ako dumilat at tumagilid ng higa.

'Good night my wife'

'My wife'

'My wife'

Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko iyon. 'Jusko Damian!'

SoldWhere stories live. Discover now