9.

13.9K 250 10
                                    

Andy's POV

Ilang araw na ang nakakalipas matapos yun sabihin sa akin ni mama pero hanggang ngayon di ko parin maintindihan.

"Andy tara na" tawag sa akin ni Byron at sumunod na ako sa kaniya

Aalis kami ngayon kasi nagkayayaan sila na magjogging pero di ko alam kung saan kasi kanina lang nilang umaga sinabi.

---

Padating namin sa lugar ay masasabi kong maganda siya. Para lang kaming nasa probinsya medyo maraming puno at may park din tapos may mangilan-ngilang bahay.

"Andy tara!" Tawag sa akin ni Audrei habang nasa tabi niya si Tracy. Sumunod ako sa kanila ay nagjogging na kami paikot-ikot lang kami sa lugar.

"Wait lang!" Sigaw ko ng mapansing natanggal pala sa pagkakasintas ang sapatos ko, yumuko ako para ayusin yon

"Bilisan mo naiiwan ka na" umangat ang tingin ko at nakita ko si Damian. Tumayo na ako at nag jogging na uli binilisan ko ang pagtakbo para iwasan si Damian.

Tumigil ako sa pagtakbo ng marating ko yung park na natanaw ko kanina at naupo saglit

'Naiwan ko na pala sila'

"Meow~"

"Meow~"

"Meow~"

Lumingon ako sa damuhan at doon ko nakita ang isang pusa

"Hi meow meow nasaan ang mayari sayo huh?" Tanong ko rito at binuhat siya

"Meow~"

"Black! Nasaan ka na bang pusa ka?" Napaangat ako ng may marinig na boses ng lalaki

"Meow~"

"Excuse me mister? Ito ba ang hinahanap mo?" Tanong ko sa lalaki

"Black" tawag ng lalaki doon sa pusa

"Meow~"

"Akala ko nawawala na para panaman to sa kapatid ko" narinig kong bulong ng lalaki "Im Kaizer, you?" Tanong nung lalaki

"Andy" sagot ko at ngumiti

"Sige alis na ako" sabi ni Kaizer at ngumiti pa ito "see you around miss Andy" sabi pa nito bago umalis

Aalis na rin sana ako ng biglang may tumakip na panyo sa ilong ko at unti-unti akong nakaramdam ng hilo at nawalan ng malay.

---

"Ang ingay niyo"

"Sshhh"

Medyo nahihilo pa ako ng magising ako. Nangididilat ko na sana ang mata ko ay naramdaman kong nakapiring at naka tali pala ang kamay ko.

"Hoy dahan-dahanin niyo lagot tayo kay boss" rinig kong sabi ng isang boses nang tumigil ang sasakyan

"Sa-saan niyo ko da-dalhin?" kinakabahan kong sabi.

'Jusko lord ano po ito?'

"Basta"

Nagsimula na kaming maglakad habang inaalalayan nila akong makababa.

"Dito na"

Naramdaman kong may nagtatanggal na ng pagkakatali ng kamay ko at sinunod ang piring ko. Sa una ay nahirapan akong maka adjust sa liwanag pero habang tumatagal ay nasasanay na rin.

SoldWhere stories live. Discover now