8.

14.7K 250 12
                                    

REVISED

Andy's POV

Maaga akong nagising kinabukasan at wala ang mga katulong dahil day off ng mga ito kaya napagdesisyonan kong magluto.

"Good morning" napalingon ako ng may marinig akong boses

"Thalia? Akala ko ba day off ng mga maid ngayon?" Tanong ko rito

"Ah opo pero di ako pwedeng di magtrabaho kasi nasa hospital ngayon si papa" sagot nito na halatang nalulungkot. "Ano pala yang niluluto mo?"pagiiba nito ng topic

"Fried rice, bacon and hotdog lang tapos soup" sagot ko dito

"Tulungan na po kita" agad siyang lumapit sa akin at tinulungan na nga ako.

Makalipas ang ilang minuto ay malapit ng sumikat ang araw kaya nagsimula na kaming ayusin ang table.

"Hi" tinignan ko kung sino ang nagsalita.

"Tracy? Gutom ka na ba?" Tanong ko rito.

"Ah hindi pa" at ngumiti ito "ano palangan mo?" Tanong nito

"Ako si Andy siya si Thalia" sabay turo ko kay Thalia na abalang nagaayos ng table

"Pwedeng tumulong?" Tanong niya at tumango ako at tinuro si Thalia para siya ang tulungan nito sa pagaayos.

"Good morning everyone!" Napalingon ako sa hagdan papuntang second floor at nakita ko doon--

"Ano ba yan unggoy ang ingay mo! Umagang-umaga eh" sabay singit ni Audrei

"Bad morning na pala!" Bawi ni Byron sabay pabirong umirap kay Audrei.

"Kailan ba kayo titigil na dalawa?" Sita sa kanila ni Thorne na pababa na rin at kasunod nito si Lucien.

"Good morning!" Bati sa kanila ni Tracy na halata mo talagang masayahin siya.

"Morning"-Byron

"Hello"-Audrei

"Good morning" -Thorne

"And good morning to my Dalia" sabi nito kay Thalia sabay kindat.

"Tsk! Ewan ko sayo. Thalia nga kasi!" Inis na umalis ni Thalia sa harap nito at bumalik sa kusina.

"Pst" sabi ni Tracy sa tabi ni Lucien na walang emosyon sa mukha.

"Pst oy" ulit niya habang kinakalabit to sa braso "good morning" bati nito sa kaniya pero di parin siya pinapansin ni Lucien

"Sungit" at umalis na si Tracy sa tabi nito

"Morning" biglang salita ni Lucien.

Matapos namin i-ayos ang mesa ay sabay-sabay na kaming lahat na na-upo para kumain.

"Teka nasan si boss?" Tanong ni Byron. On cue namang pumasok ito.

"Good morning boss" bati ng tatlo.

Umupo naman ito sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta ang paa mo? Masakit pa?" Imik ni Damian.

"A-ah. O-oo, salamat" sagot ko na medyo nauutal pa dahil di ko naman inaasahan ang pagtatanong nito.

Habang kumakain kami ay biglang nag-ring ang phone ko na nasa bulsa lang.

"Saglit lang" sabi ko atsaka tumayo at pumunta sa sala.

[A-ate? Ate Andy!] Isang pamilyar na boses ang bumungad sa akin na parang umiiyak pa.

"Yana!" Nagulat kong tawag sa kaniya dahil hindi ko inaasahan ang pagtawag niya.

[Ate si mama! S-si mama]

SoldWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu