1.

27.5K 465 10
                                    

REVISED

Andy's POV

"Good morning ate!" bati ni Yana na kadadataing lang at nakasuot na ng uniform.

"Good morning" bati ko rin sa kaniya bago patayin ang kalan at hinanda ang pagkain. Maaga ako nagising ngayon kaya ako na ang nagluto at mabuti na lamang at isa lang ang klase ko ngayon at mamayang tanghali pa yon kaya makakapag-pahinga pa ako.

"Oh kumain ka na. tatawagin ko lang si mama" Sabi ko at nilapag sa mesa ang niluto ko at pumunta sa kwarto namin.

"Ma! Kain na po" tawag ko kay mama ng makapasok na ako ng kwarto.

"Ma iinom pa kayo ng gamot niyo" sa pagkakataong iyon ay bumangon na si mama. "Tara na ma" dagdag ko bago kami tuluyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.

Habang kumakain kami ay napansin kong medyo matamlay si mama at parang may problema magtatanong sana ako kaso di ko natuloy dahil biglang nagsalita si Yana.

"Ate aalis na ako. Pahingi pera" sabi ni Yana kaya agad akong napakapa sa bulsa ko pero wala akong makapa.

"Saglit naiwan ko sa kwarto yung wallet ko" Sabi ko bago dumiretso sa kwarto.

"oh! Ito" Napatigil ako ng marinig kong magsalita si mama. At nakita ko siyang nagabot ng fifthy peso-bill kay Yana.

"Ma diba sabi ko sayo ako na bahala. Baka wala ng matira sayo" Sabi ko kay mama at bumalik sa kinauupuan ko kanina.

"Anak ok lang ako wag mo na akong isipin"

Matapos namin kumain ay umidlip muna ako saglit at naglinis ng bahay habang si mama ay natutulog sa kwarto. Ganito lang ang routine namin dito sa bahay kakain,maglilinis,maliligo,magtatrabaho o kaya ay matutulog. Wala kasi kaming TV dito sa bahay at minsan ay nakikinood na lang kami sa kapitbahay,Yung TV kasi namin ay naibenta dahil nagkasakit ako noon at walang nagbibigay kay mama ng labada. Ok na rin yun atleast bawas gastos sa kuryente. Napatigil ako sa pagwawalis ng makarinig ako ng may kumakatok agad kong itinigil ang ginagawa ko at pinagbuksan iyon ng pinto.

"Sino po sila?" tanong ko doon sa dalawang lalaki. Tinignan ko sila simula ulo hanggang paa at masasabi kong nagtatrabaho ito sa isang mayamang negosyante dahil sa suot nilong itim na suit. Pero anong ginagawa nila dito sa lugar namin?

"Jane Sarmiento?" tanong ng isa sa kanila at tinignan ako simula ulo hanggang paa.

"Ah—wait saglit lang" sabi ko at pinagsarhan sila ng pinto dahil mamaya ay isa pala iyon sa pinagkakautangan ni mama at guluhin na naman ang bahay namin. Dumiretso ako sa kwarto at ginising si mama

"Ma may naghahanap sayo. Dalawang lalaki, Sino yun ma?" tanong ko pero hindi pinansin ni mama yung tanong ko.

"Dito ka lang" Sabi ni mama bago lumabas ng kwarto. Sinunod ko naman siya at nagpaiwan na lang dito sa kwarto dahil mukhang seryoso ang kanilang paguusapan.

Ipinagpatuloy ko ang aking paglilinis sa loob ng kwarto at naisip ko ring ayusin ang pagkaka-tutupi ng mga damit inuna ko yung gamit ni Yana sumunod ang kay mama. Habang naglilinis ako ay may nakita akong papel na nakatupi kaya agad ko iyong kinuha at pinakialaman. At nanlaki ang aking mata ng makita at mabasa kung ano iyon. Isang cheke at may milyong-milyong halaga.

Napaupo na lamang ako sa higaan namin at inisip kung saan posible nanggaling ang ganoong kalaking halaga. 'Hindi naman siguro gumagawa ng iligal na mga bagay si mama' yun ang itinatak ko sa isip ko at pilit na tinatanggal ang mga negatibong bagay na naiisip ko pero kahit anong gawin ko ay di iyon matanggal sa isip ko dahil imposibleng magkaroon kami ng ganoong kalaking halaga, Imposible ring pautangin kami dahil kahit ibenta pa itong tinutuluyan namin at mga laman loob ko ay di ito sapat para makakuha ng ganoong pera. Walang pagdadalawang isip akong lumabas ng kwarto para puntahan si mama at doon ko siya naabutan na parang may isinusulat kaya agad akong lumapit sa kanila.

SoldWhere stories live. Discover now