Napalingon kami ni Jordan at nakita si Rhian na papalapit sa amin. "Pinapa-abot ni Mam Rina sa inyo 'tong susi."

Binigay sa akin ni Rhian yung susi para sa file room. "Salamat,"

"Sa file room kayo ngayon?" Tanong pa niya.

"Oo,"

Tiningnan ni Rhian si Jordan. "Pano yung presentation na pinapagawa sa'tin ni Mam Rina?"

"Kaya mo na yun. May bagong utos si boss eh."

Parang gusto kaming pigilan ni Rhian. "Seryoso ka? Di mo ba pwedeng i-check mamaya kahit saglit lang kung tama yung gagawin ko?"

"Kay Kuya RJ mo kaya ipa-check? Tutulungan ka nun." Offer ni Jordan. "Pasensya na ah?"

Parang hindi masaya si Rhian sa suhestiyon ni Jordan pero wala na din siyang magawa. "Sige sige. Okay lang."

Naglakad na si Rhian pabalik ng opisina namin, at tumuloy na din kami sa file room. Pero hindi pa siya nakakalayo ay tinawag niya ulit kami.

"Gene, harangan niyo pala yung pinto ng file room. Sira kasi yung doorknob nun. Baka makulong kayo sa loob."

"Sige sige! Salamat!"

Nasa second floor yung file room ng human resources, sa likuran ng security at ng generator room kaya mejo tago siya. Isang beses pa lang ako nakapunta doon noong minsang isinama ako ni Rhian para kumuha ng ilang files.

Pagkabukas namin ng pinto ng file room ay hinarangan namin iyon ng upuan para hindi kami makulong sa loob.

Malamig sa loob ng file room at maalikabok. May ibang mga ilaw din na napundi na kaya may ibang parts ng room na mejo madilim. Kung matatakutin ako'y di ko gugustuhing tumambay dito kasi parang may susulpot na multo mula sa mga bookshelf maya-maya.

"Ngayon na lang ulit ako bumaba dito." Sabi ni Jordan.

"Ako din,"

"May sinabi ba si mam Rina kung kailan niya kailangan yung kumpletong records?"

"Wala naman,"

"So, ibig sabihin ba nun pwede tayong magtagal dito?" Pilyong ngiti ni Jordan.

"Bakit, anong nasa isip mo?"

"Eh kasi kung babagalan natin, makakaiwas tayo sa trabaho sa itaas."

"Ay, wow."

"Totoo naman ah? Saka di nila tayo pwedeng pagalitan kasi ginagawa natin yung trabaho natin."

"Alam mo, instead na mag-pantasya ka jan, simulan na natin to para mabawas bawasan yung gagawin natin."

"Ang sungit mo talaga," kumento ni Jordan.

"Napaghahalataan naman yung katamaran mo." Balik ko sa kanya. "Pag ikaw nahuli kong kung ano anong ginagawa mamaya babatukan kita!"

"Wala pa nga may banta ka na agad?"

"Syempre." Inilapag ko yung dalawang binder sa isang bakanteng table at lumapit kay Jordan. "So, pano strategy natin?"

Binuksan ni Jordan yung binder na hawak niya at ini-scan yun. "Mukhang by year yung pagkaka-lista nito so simula tayo sa pinakaluma."

"Okay,"

"Kunin muna natin yung folders nila tapos saka tayo mag-record ng requirements nila."

"Sounds good. Game."

Pinahawak sa akin ni Jordan yung listahan ng mga pangalan habang siya naman yung kumukuha ng folders.  Nang makarami na kami ng folders ay ibinaba iyon ni Jordan sa bakanteng table, katabi ng dalawa pa naming binders.

Split Againحيث تعيش القصص. اكتشف الآن