Chapter 14

796 144 19
                                    


"Wynona?" nagtatakang sambit niya.

Una ay hindi pa siya naniniwalang si Wynona nga iyon, pero noong tumalikod na ito at naglakad palayo, alam niyang hindi na siya namamalik-mata pa.

Si Wynona nga iyon. At nakita nitong hinalikan siya ni Princess.

Nagmamadaling sinundan niya ito. Oo, hindi sila, pero mahal niya ito. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano tungkol sa kanila. Dahil wala naman.

"Wynona!" tawag niya rito, pero nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad nang matulin.

Mas binilisan niya ang paglakad hanggang sa naabutan niya na ito. Mabilis na hinablot niya ang braso nito. "Sandali lang," medyo hinihingal na sabi niya.

Hindi niya alam kung saan siya hiningal. Sa paghabol dito na hindi naman masyadong kalayuan, o hinihingal siya sa kaba. Sa takot na baka iba na ngayon ang iniisip nito tungkol sa kaniya.

Hinarap niya ito sa kaniya, pero nag-iiwas ito ng tingin. "Bakit ka nagmamadaling umalis?" tanong niya rito.

"Hindi kita napansin," sagot nito.

"Tinawag kita," sabi niya rito.

Sinusubukan niyang hulihin ang tingin nito, pero hindi niya talaga magawa. "Hindi ko narinig," sagot ulit nito.

"Nakita..." hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil mabilis itong umiling. Hinila rin nito ang braso mula sa pagkakahawak niya.

"Please, walang ibig sabihin 'yon," sabi niya rito.

"Wala akong nakita," mahinang sagot nito.

Hindi niya alam kung saan siya nakakuha nang lakas ng loob, pero kinuha niya ang kamay nito at mahigpit iyong hinawakan. Bagay na kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na magagawa niya. Dahil wala siyang lakas ng loob noon.

"Nagpunta siya sa amin kanina. May importante raw siyang sasabihin. Niyaya pa nga niya ako rito," pagkukwento niya.

Sinalubong nito ang tingin niya. "Hindi mo kailangang magkuwento, Liam."

Napailing siya at pinisil ang kamay nito. "Kailangan. Pakinggan mo ako," nakikiusap na sabi niya.

Tinignan siya nito ng diretso. "Wala kang kailangang i-explain. Isa pa, matagal ko ng alam na kayo rin ang magkakatuluyan ni Princess. Bagay kayo."

"Stop. Just stop." Sabi niya rito bago huminga nang malalim. "Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. Yes, she confessed her feelings kanina. Yes, she kissed me. Pero mali ang iniisip mo. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan, pero pagkatapos noon ay nagpaalam siya sa akin Wynona. Nagpaalam na siya."

"I told you, hindi mo kailangang mag-explain sa akin. Wala naman akong kinalaman diyan." Sagot nito at nag-iwas ng tingin.

"Tumingin ka sa akin," sabi niya rito. Pero hindi pa rin siya nito tinitignan. "Look at me," medyo madiin na pagkakasabi niya.

Sumunod naman ito sa sinabi niya. At masama bang umasa? Na sana tama ang nakikita niya sa mga mata nito?

Na nagseselos ito.

"Makinig kang mabuti sa akin..." Sabi niya bago huminga nang malalim. "Kailangan kong mag-explain dahil may kinalaman ka," sabi niya rito at tinignan ito ng diretso sa mata.

Kumunot ang noo nito. "Paanong may kinalaman ako?" naguguluhang tanong nito.

Bigla ay naalala niya ang mga sinabi ni Princess kanina.

Kailangan bang may oras kapag may gusto kang sabihin?

No. Kapag may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Kasi hindi mo alam, baka mawalan ka na ng pagkakataon na masabi pa iyon.

"May gusto akong sabihin sa'yo," seryosong sabi niya.

"Ano 'yon?" tanong nito.

Huminga siya nang malalim. Bigla ay nakaramdam siya ng kaba. Dinadaga na naman siya. Iniisip niya tuloy na ipagpaliban na lang ulit muna.

Bigla na namang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Princess.

Paano kung mawalan ka ng oras?

Napabuga siya ng hangin. Ayos lang na kabahan, pero hindi na siya aatras. Tama si Princess. Paano nga kung mawala na siya ng oras?

Nagawa nga nitong magtapat sa kaniya, magagawa niya rin iyon ngayon.

Ngayon na.

"Liam?" pagtawag nito sa atensyon niya.

Ngayon na.

"May kinalaman ka sa nangyari kanina. Kasi hindi ko siya mahal. Kasi hindi ko magagawang ibalik ang nararamdaman niya..."

"Ano'ng kinalaman ko roon?" tanong nito.

Pinisil niya ulit ang kamay nito. "Kasi... Kasi..."

Ngayon na.

"Kasi mahal kita, Wynona. Mahal na mahal kita. Sorry kung ngayon ko lang nasabi. Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon nang lakas ng loob. Pero mahal kita. At natatakot din akong mawala ka. Ayaw kong mawala ka."

Nanlaki ang mga mata nito. Medyo umawang din ang bibig nito. Alam niyang mabilis, pero ayaw niya ng magsayang ng oras.

Please, maniwala ka sa akin.

"Paanong... I mean, kailan? Bakit ganoon? Bakit ang bilis?" Hindi-makapaniwalang sabi nito.

"Mabilis? Matagal na kitang mahal. Matagal na," sagot niya rito.

Sobrang tagal na.

Nakatitig pa rin ito sa kaniya. Alam niyang nabigla talaga ito sa mga sinabi niya.

Parang may sumuntok sa dibdib niya nang hilahin nito ang kamay sa kaniya. "I... I don't know what to say, Liam."

Malungkot ang mga mata na nginitian niya pa rin ito. "As much as I want you to say that you love me too, alam kong malabo iyon. At wala ka namang kailangang sabihin. I love you. Hindi naman tanong iyon. Hindi mo kailangang sagutin."

Nag-iwas na naman ito ng tingin. "I'm sorry, Liam. Mahirap lang kasing paniwalaan ang sinasabi mo," mahinang sabi nito.

Masakit. Masakit lalo na at dito nanggaling ang mga salitang iyon. "Hindi kita masisisi. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan. Kasi masakit talaga. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal kita. Na may nagmamahal sa'yo."




-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon