Chapter 13

817 133 10
                                    


"Liam, may naghahanap sa'yo," sigaw ng Mom niya mula sa baba. Nakahiga pa rin kasi siya sa kuwarto niya. Wala siyang pasok, at wala rin naman siyang gagawin.

Noong kasama pa niya sila Prince, kapag walang pasok ay nasa labuyan sila. Ni hindi man lang sila mapirmi sa iisang lugar. And at the end of the day, sa bar nila palilipasin ang magdamag.

Doon nila sasayangin ang oras nila.

Yes, mahilig silang magsayang ng oras. Mahilig silang magpalipas ng oras.

Ganoon siya noon. Pero natuto na siya ngayon. Alam niyang bawat oras, minuto, at segundo ay mahalaga. Dahil bawat oras na lumilipas at hindi na mababawi pa. Hindi na mababalikan pa.

Hindi na.

"Liam!" sigaw ulit ng Mom niya.

Tinatamad na napilitan siyang bumangon. Ayaw pa sana niya, kaya lang ay baka hilahin na siya pababa ng Mom niya kapag hindi pa siya bumaba.

At isa pa, may bisita raw siya. Sino naman kaya ang bibisita sa kaniya ng alas-otso ng umaga?

Sinuot niya muna ang T-shirt niya bago bumaba. Nagulat pa siya nang madatnan si Princess sa sala. Kausap ito ng Mom niya.

Mabilis na nilingon siya ng Mom niya nang marinig ang pagbaba niya. "Buti naman at bumaba ka na. Akala ko hihilahin pa kita."

Napakamot na lang siya sa ulo nang makitang nagpigil ng ngiti si Princess.

"Oh, siya. Maiwan ko na kayo ng bisita mo. Maglalaba pa ako." Sabi nito at iniwan sila.

Umupo siya sa harap nito. "May problema ba? Napadalaw ka?" tanong niya rito.

Umiling ito sa kaniya. "May gusto lang kasi akong sabihin sa'yo," sagot nito.

Kumunot ang noo niya. "Nang ganito kaaga?" tanong niya.

Natawa ito saglit bago biglang sumeryoso ang mukha. "Kailangan bang may oras kapag may gusto kang sabihin? Paano kung mawalan ka ng oras? That's why I'm here. Early in the morning. Kasi ayaw ko ng magsayang ng oras. Ayaw kong mawalan ng oras."

Natigilan siya sa sinabi nito.

Kailangan bang may oras kapag may gusto kang sabihin?

Kailangan ba? Hindi. Dahil walang tamang oras. Every moment is a perfect time.

Paano kung mawalan ka ng oras?

Paano nga kung mawalan na naman siya ng oras? If every moment is a perfect time, then bakit hindi pa rin siya makapagtapat kay Wynona? Bakit ba naghahanap pa rin siya ng tamang oras? Hindi nga ba't limitado na lang ang oras niya?

"Liam, can we go to the Park?" tanong nito sa kaniya.

Nginitian niya ito sa kabila ng mga bagay na gumugulo sa isip niya. "Yeah. An ice cream in the morning would be nice."




-----




Magkatabing pinapanuod lang nila ang mga bata na naglalaro sa Park. Parehas din na kinakain lang nila nang tahimik ang ice cream nila.

"So..." pagsisimula niya.

Tila kinakabahan na natawa ito. "Puwede bang ubusin muna natin ang ice cream natin?" tanong nito.

Tinanguan niya na lang ito. Gusto niya rin naman ang ambiance sa paligid.

Relaxing.

Ano na kaya ang ginagawa ni Wynona ngayon?

"Liam?" pagtawag ni Princess sa atensyon niya. Napatingin siya rito. Ubos na ang ice cream nito, at ang ice cream naman niya ay tunaw na. Itinapon niya na lang iyon. Ayaw niya ng tunaw na ice cream.

"So? Ano na ang sasabihin mo?" tanong niya rito.

Nakita niya ang paghinga nito nang malalim bago siya tinignan ng diretso sa mga mata.

"Hindi ko naman planong sabihin ang sasabihin ko, pero... pero noong nakikita kong palagi mong kasama si Wynona, natakot ako. Natakot ako, Liam," seryosong sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano ba 'yon?" tanong niya rito.

Hindi kaya may plano na naman sila Prince?

"Natatakot akong mawalan ng oras, Liam. Natatakot akong hindi ko masabi sa'yong mahal kita bago ka pa mawala sa akin," sabi nito.

Pakiramdam niya ay nahulog ang panga niya sa sahig. Hindi ito ang inaasahan niya na sasabihin ni Princess. Hindi niya alam ang sasabihin niya.

"I know. I know that you don't feel the same way, Liam. Hindi ko rin ipipilit. Pero gusto ko lang ding sabihin. Bago ka pa tuluyang mawala sa akin, gusto kong malaman mo. Kaya kukunin ko ang oras na 'to para aminin sa'yo ang nararamdaman ko. Nahihirapan na ako. Nahihirapan na akong itago ito," sabi nito.

Ngayon ay nagpapasalamat siya na mas pinili niya ang lugar kung saan malayo sa pandinig ng mga tao.

Huminga siya nang malalim bago nag-iwas ng tingin dito. "I'm sorry, Princess. Pero sa maniwala ka o hindi, alam ko ang nararamdaman mo. And believe me, mas matapang ka sa akin. Kasi kahit hindi ka sigurado, sinabi mo pa rin ang gusto mong sabihin. And believe me, hindi ko man maibalik ang nararamdaman mo, hindi sayang ang oras mo. Kasi mas masakit ang maubusan ng oras kaysa sa ma-reject. Mas manghihinayang ka. Thank you. Thank you for telling me. But I'm sorry, may mahal na akong iba."

Nakita niya ang pagpatak ng luha nito. "I know na hindi mo ako mahal, pero mas masakit pala kapag nanggaling na sa'yo na may iba kang gusto," sabi nito.

Nilapitan niya ito at pinanusan ang luha nito. "I'm sorry, Princess. And thank you, may ipina-realize ka sa akin," sabi niya rito.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nagpunas ng luha. Pilit nanginitian siya nito. "I... I have to go. Salamat sa time mo."

Naglakad na ito palayo pero bumalik din kaagad palapit sa kaniya. Nagulat siya sa sumunod na ginawa nito.

Hinalikan siya nito sa labi nang mabilis.

"Goodbye, Liam."

Sandaling natulala siya habang pinapanuod ang paglayo nito. Napabuntong-hininga na lang siya.

Tumayo na rin siya para sana umalis ng may mapansing nakatayo sa hindi kalayuan.

Si Wynona.




-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon