Chapter 4

898 142 18
                                    


Sa pangatlong beses ay napabuntong-hininga ulit siya. Napahawak siya sa may pala-pulsuhan niya.

23

Iyon na ang nakalagay sa balat niya. Dalawampu't-tatlong araw na lang ang mayroon siya, pero heto siya ngayon, hindi pa rin nakakalapit sa babaeng mahal niya.

Huminga siya nang malalim. Kailangan niya nang magandang plano. Kailangan niya nang malapitan si Wynona.

"Ang lalim ng iniisip mo ah," sabi ng kararating lang na si Princess sa kaniya. Napatitig siya rito.

Magkamukha talaga ito at ang kambal nitong si Prince. Yes, kambal ang mga ito. Pero kahit pa magkaiba ang kasarian ng mga ito, hindi rin maipagkakaila na magkapatid ang dalawa.

"Nasaan na sila Prince?" tanong niya rito.

Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko rin. Alam mo naman 'yong mga yon, masyadong gala," sagot nito.

Napatango siya. Oo nga. Masyadong gala ang mga ito.

"Ikaw? Bakit nandito ka? Bakit hindi ka nila kasama? Nakakapanibago," sabi nito sa kaniya.

Napaisip siya sa sinabi nito. Kung noon siguro, baka nga kasama siyang nagliliwaliw nila Prince. Pero marami ng nagbago. Binago siya ng sampung taon na lumipas.

Bumalik man siya sa nakaraan, hindi na rin maibabalik ang dating siya.

Dahil hindi na siya ang dating Liam. Hindi na siya 'yon.

"I just wanted a change."



-----



Umupo siya sa swing sa isang Park na pinuntahan niya. Gabi na. Bukas, mababawasan na naman ang oras niya.

Napailing siya. Bakit ba pagdating kay Wynona ay nawawala ang confidence niya? Bakit ba pagdating kay Wynona ay nawawala ang kayabangan niya? Bakit ba pagdating kay Wynona ay para siyang tanga na hindi makaimik?

Bakit sa babaeng mahal pa niya siya nagkakaganito?

Napalingon siya sa kanan ng may umupo rin sa kabilang swing. Kumunot ang noo niya ng makita ang batang lalaki na nakatingin sa kaniya.

"Bata, gabi na. Bakit nasa labas ka pa?" Sabi niya rito at napalinga sa paligid. Baka kasi nasa tabi lang ang magulang nito. Pero sila na lang ang tao sa Park.

"Ikaw, gabi na. Bakit nandito ka pa?" balik-tanong nito.

Kumunot ang noo niya. Tila kasi matanda na ito kung magsalita.

"Umuwi ka na. Saan ka ba nakatira?" tanong niya rito.

Ngumisi ito sa kaniya. "Alam mo Liam, malapit na akong magalit sa'yo. Hindi mo alam ang mga isinugal ko para lang bigyan ka ng oras," sabi nito sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata na napatitig siya rito. Napalunok siya. "I...Ikaw," 'Di-makapaniwalang sambit niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala rito. Hindi pa nga rin pumapasok sa isip niya na kayang magbago nito ng anyo.

At ano raw? Mga isinugal para bigyan siya ng oras?

"Ano ba ang plano mo, Liam? Bakit nag-aaksaya ka ng oras?" tanong nito.

Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano siya lalapitan," pag-amin niya rito.

"Tandaan mo lang na limitado ang oras mo. Maikli lang ang panahon na ibinigay sa'yo. 'Wag mong sayangin ang pagkakataong ito. Dahil mas higit pa sa sampung taon na pagluluksa ang mararamdaman mo kapag nawala ulit siya, at hindi mo man lang nagawa ang dapat mong gawin," seryosong sabi nito.

Napatingin siya sa direksyon nito. Seryosong nakatingin ito sa kaniya. "Ano'ng ibig mong sabihin sa ang dami mong isinugal para mabigyan lang ako ng oras? Sino ka ba? Ano ka ba talaga?" naguguluhang tanong niya rito.

Matipid na nginitian lang siya nito. "Isa akong kaibigan, Liam. Iyon lang ang dapat mong malaman sa ngayon."

"Hindi ko alam ang kailangan kong gawin. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinabalik mo ako sa nakaraan. Naguguluhan pa rin ako," sabi niya rito.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Ang problema kasi sa'yo Liam, utak mo na naman ang ginagamit mo. 'Yan din ang ginamit mo noon. Alam mo naman na. Alam mo."

"Hindi ba puwedeng sabihin ko na lang sa kaniya ang totoo? Na galing ako sa hinaharap. Na nagpakamatay siya. Na bumalik ako para sa kaniya," sabi niya rito.

Umiling ito sa kaniya. "Iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Wala kang puwedeng pagsabihan. Oras na sabihin mo sa kahit na sino, mababawasan ang oras mo," seryosong sabi nito.

Napabuga siya ng hangin. "Pero kailangan ko ng tulong," sagot niya rito.

"Hindi mo kailangan ng tulong. At kung sakali mang kailanganin mo nga, nandito lang ako sa tabi-tabi."

"Paano kita tatawagin? Kapag kailangan kitang kausapin, saan kita mahahanap?" tanong niya rito.

Ngumiti ito. "Alam ko kapag kailangan mo ako..." sabi nito bago napatingin sa may bandang likuran niya. "...at mukhang ito na ang tamang oras para simulan ang gagawin mo. 'Wag ka ng mag-aksaya ng oras."

Napalingon siya sa tinitignan nito. Si Wynona.

Naglalakad itong mag-isa. Hinarap niya ulit ang kausap pero wala na ito roon.

Naglaho na naman ito na parang bula.

Napatingin ulit siya sa direksyon ni Wynona na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya.

Napalunok siya. Pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya nang malagkit.

Hindi pa rin siya makapaniwala na matapos ang sampung taon na pagluluksa rito ay makikita niya pa ito ulit.

Man up, Liam! Kausapin mo siya!

Nanginginig ang mga kamay na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swing at dahan-dahan na lumapit dito.

Silence. Ilang segundo ring namayani ang katahimikan sa kanila bago siya marahang tumikhim.

Do it, Liam. Kaya mo 'yan.

"Hi."



-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon