Chapter 12

815 137 8
                                    


"Tell me, Liam, ano ang ibig sabihin niyang number sa balat mo?" tanong ni Wynona sa kaniya.

Napalunok siya. Gustong-gusto niya ng sabihin dito, pero hindi puwede.

Napatingin na rin siya sa marka niya. Mas lalo siyang napalunok.

15

Labing-limang araw na lang.

"Ahm... Ano. Ano lang 'to. Ah..."

"Wynona!" simula nang mapalapit siya kay Wynona, ngayon lang siya nagpasalamat na dumating si Mara.

Galit pa rin kasi ito sa kaniya. Hanggang ngayon, wala pa rin itong ni katiting na tiwala sa kaniya. Hindi niya na nga maintindihan kung bakit.

Mabilis na napalingon sila kay Mara. Papalapit na ito sa kanila. Inilapag ni Wynona ang librong hawak niya.

"Bakit, Mara? May problema ba?" tanong nito nang makalapit na ito ng tuluyan.

Another thing, kapag magkasama sila ni Wynona, hindi sumasama si Mara sa kanila. Mas gusto rin naman niya 'yon. Mas pabor sa sitwasyon niya.

"Nakalimutan mo na bang may lakad tayo ngayon? Akala ko pupunta ka sa Foundation? Pinapatanong kasi nila kung tutuloy tayo," sabi nito.

Napatingin siya kay Wynona. Ngayon lang niya nalaman na pumupunta ito sa mga ganoon. Akala niya kasi talaga ay hindi ito mahilig makisalamuha sa iba.

Mali pala siya.

"Yeah. Siyempre naman. Kailangan na ba nating umalis?" tanong ni Wynona dito.

Tinignan siya saglit ni Mara. Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito, pero hindi niya na lang iyon pinansin. Ininom niya na lang ang chocolate drink na inorder niya sa favorite Coffee Shop ni Wynona na ngayon ay paboritong tambayan na rin nila.

"Yup. Ayaw ko ring masyado tayong gabihin. May exam ako bukas," sagot nito.

Hinarap siya ni Wynona. "Mauna na ako, Liam," paalam nito.

Kahit ayaw pa niya ay wala siyang magagawa. Kahit gusto niyang sumama ay ayaw niya namang mas madagdagan ang inis ni Mara sa kaniya.

"Okay. Ingat kayo. Kita na lang tayo bukas," nakangiting sagot niya rito.

Ngumiti ito sa kaniya at tinanguan siya bago tumayo. Kinawayan pa siya nito ng isang beses bago tuluyang umali kasama ni Mara.

Nang makalabas na ang mga ito sa Coffee Shop ay napabuga siya ng hangin.

Tinignan niya ulit ang marka sa balat niya. Fifteen days na lang. Fifteen days pero parang wala namang nangyayari.

Sa loob ng ilang araw na kasama niya ito, sapat na ba 'yon para umamin siya ritong mahal niya ito? Hindi ba ito magdududa sa kaniya?

Paano kung iba ang isipin nito?

Paano kung layuan siya nito?

Napailing na lang siya sa isipin at tila napapagod na sumandal sa kinauupuan niya.

Hindi niya na alam ang gagawin niya. Sure, he's spending time with her, pero enough na ba 'yon?

Dadamputin sana niya ang chocate drink niya nang mapansin ang libro ni Wynona.

"Naiwan niya," bulong niya.

Mabilis niya iyong kinuha. Alam niyang mahilig itong magbasa. Palagi nga niyang nakikita na nakasubsob ang mukha nito sa libro.

Binasa niya ang pamagat ng libro at napangiti siya.

A Walk To Remember.

Ang akala niya noon ay hindi mahilig sa mga ganoong klaseng novel si Wynona. Ang buong akala niya nga ay puro text books ang binabasa nito.

Buong akala niya ay nag-aaral lang ito palagi.

Mali na naman siya.

Binuklat niya ang first page ng book. Pero isang maliit na note ang napansin niyang nakaipit. Kumunot ang noo niya.

Alam niyang hindi sa kaniya ang libro. Alam niyang hindi para sa kanya ang note, pero hindi niya napigilang kuhanin iyon at basahin.

At nahigit niya ang paghinga niya nang mabasa ang nakasulat.

Fifteen more days. Fifteen more days at matatapos na.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa marka niya.

Ano ba talaga ang nangyayari?




-----




"Nasaan ka? Magpakita ka! Kailangan ko ang tulong mo!" bahagyang malakas na boses na sabi niya. Kasalukuyan siyang nasa park ng disoras ng gabi. "Please. Magpakita ka na."

Napaupo na lang siya sa swing na inupuan niya rin noon.

"Ano ba'ng kailangan mo?" Mabilas na napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan sa kaniya.

Mabilis na tumayo siya at lumapit dito. Alam niyang ang estranghero iyon.

Mabilis na kinuha niya ang note at inabot dito. "Fifteen days. Nakasulat din diyan ang fifteen days," sabi niya rito at ipinakita rin dito ang marka niya. "Fifteen days na lang din ang mayroon ako. Ano ang ibig sabihin nito?"

Napailing ito sa kaniya. "Sorry, Liam. Wala na akong puwedeng sabihin pa sa'yo. Itong oras mo, hindi na ako puwedeng mangialam. Kahit gustuhin ko pa, Liam. Wala na akong magagawa."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Nagawa mo nga akong pabalikin sa oras, ang bigyan lang ako ng mga impormasyon ay hindi mo magawa?" frustrated na sagot niya rito.

Malungkot ang naging anyo nito. "Iyon na nga, Liam. Naibigay ko na ang lahat sa'yo."

Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. "Ano ba kasi ang ibig mong sabihin?" tanong niya rito.

"May mga batas din kaming sinusunod. Bukod sa may nalabag na akong batas para tulungan ka, naibigay ko na ang pinakamahalaga sa akin. Ang oras mo na lang ang maibibigay ko, mahalaga ang nawala sa akin, kaya sana, 'wag mong hayaang mawala ang mahalagang bagay sa'yo."

Napalunok siya. Kung ganoon ay masyadong marami na ngang naitulong ito sa kaniya. To the point na wala na itong maiaalok pa.

"Si... Si Wynona. Mahalaga siya sa akin. Puwede bang hindi na siya mawala?"




-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon