Chapter 2

941 145 16
                                    



Kanina pa siya nakatitig sa University kung saan siya nakapagtapos. Nakaka-miss din ang paaralan na iyon.

Napalinga siya sa paligid. May mga pamilyar na mukha siyang nakikita. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Mukha pa ring bata ang mga ito.

Ano ba'ng nangyayari sa kaniya? Kinulam ba siya? Pinag-tripan ng maligno? O baka naman nananaginip lang siya? Baka tulog pa rin siya?

Oo nga. Malamang ay tulog pa siya. Kailangan niya ng magising.

Walang pag-aalinlangan na sinampal niya nang malakas ang sarili. Namanhid lang ang mukha niya sa sakit. Kung panaginip lang ang lahat ay hindi siya masasaktan.

"Yow dude! What the hell? Ang aga-aga mong baliw!" tumatawang sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran niya. Napatitig siya sa mga ito.

Ang barkada niyang halos pitong-taon na siyang walang communication.

Sila Prince, Tom, Marlon, Ellaine, at Princess.

Nakatitig lang siya sa mga ito. Ano ba talaga ang nangyayari?

"Hoy! Makatitig ka naman pre! Na-miss mo kami kaagad? Magkakasama lang tayo kagabi ah," biro sa kaniya ni Prince. Nagtawanan ang mga ito.

Napailing siya. "What's happening?" naguguluhang tanong niya.

"What's happening? Tanga. May klase tayo. 'Yon ang happening," sagot ni Tom. Nagtawanan na naman ang mga ito.

Naguguluhan na nag-isip siya. Pero kahit ano pang isip niya ay wala siyang makapa na sagot sa utak niya.

"Hello, Mara? Nasaan ka na? Dalian mo na. Baka ma-late na tayo." Isa pang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa likuran niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Kahit sampung-taon na ang lumipas, hindi niya pa rin nakakalimutan ang boses na iyon. That voice. Ang boses na tila naririnig niya gabi-gabi sa panaginip niya. Ang boses na hanggang sa pagpikit ng mga mata ay naririnig niya.

Dahan-dahan niyang nilingon ang babae. Lalong bumilis ang pagpintig ng puso niya.

There she stood in front of him, may kausap sa cellphone habang tila may tinatanaw ito sa malayo.

"Hihintayin kita rito sa may entrance, Mara," sabi pa ulit nito.

Napalunok siya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya.

"Wynona," mahinang sambit niya. Hindi siya makapaniwala. Malamang ay nananaginip na naman siya.

Lalapitan niya na sana ito ng may humawak sa balikat niya. Nilingon niya iyon. Si Marlon.

"Tara na pre. Baka ma-late na naman tayo," pagyaya nito. Napalingon ulit siya kay Wynona bago hinarap ang barkada niya.

Nag-aalinlangan man ay nagpatangay na siya sa barkada niya at iniwan si Wynona. Tahimik lang ito na hinihintay malamang ang bestfriend nitong si Mara.

Next time. Sa susunod ko na siya lalapitan.

Habang naglalakad silang magbabarkada ay aksidenteng nabangga ni Prince ang isang Janitor.

Napailing na nga lang siya sa inasal nito.

"Hoy tanda! 'Wag kang paharang-harang!" Bulyaw ni Prince dito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Pasensya na po," paghingi niya rito ng paumanhin. Nauuna na ang barkada niya.

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang Janitor. Natigagal na napatitig siya rito. Hindi maaari. Ano ba'ng nangyayari? Janitor din ito sa University nila?

"Dalawampu't-limang araw. 'Wag mong sayangin ang oras mo." Sabi nito at nilagpasan siya. Natulala siya.

"Liam!" sigaw ni Tom sa 'di-kalayuan. Mabagal ang lakad na sumunod na siya sa mga ito.

Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok niya nang hawakan ni Princess ang kamay niya.

"Kailan ka pa nagpa-tattoo?" tanong nito. Napatingin siya sa tinitignan nito.

Mabilis ang tibok ng puso na napatitig siya sa nakasulat sa pala-pulsuhan niya.


25




-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon