Chapter 7

822 140 13
                                    


"Lunch?"

"Coffee?"

"Dinner?"

"Movie?"

"Sabay na tayong mag-aral."

Naiinis na tinignan siya nito nang masama. "Please lang, Liam. Tigilan mo ako! Kanina ka pa ah!"

Huminga siya nang malalim. Alam niyang nakukulitan na ito sa kaniya, pero hindi naman siya nito papansinin kung hindi siya magpapapansin.

"Meryenda?" tanong niya ulit dito.

Naihilamos nito ang mga kamay sa frustrations. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit ba kinukulit mo ako? Puwede bang lumayo ka sa akin."

No. Hindi kita puwedeng layuan.

"Bakit ba kasi ang init din ng ulo mo sa akin?" balik-tanong niya rito.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Tinatanong pa ba 'yan? Kilala kita. At isa pa, gusto ko lang ng katahimikan. So please, stay away from me." Sabi nito at ibinalik ang paningin sa librong kanina pa nito binabasa.

Napabuga siya ng hangin bago inagaw dito ang libro. Masama na ang tingin nito sa kaniya.

"Akin na 'yan," nagbabantang sabi nito.

"Go out with me," desperadong sabi niya.

"Akin na ang libro ko, Liam," sabi pa ulit nito.

Umiling siya rito. "Mali ang pagkakakilala mo sa akin. Hindi na ako ang Liam na sinasabi mo," sagot niya rito.

"Bakit ba gusto mong makilala kita? I know you, okay! Kilala kita! I know you and your friends! Leave me alone," sabi nito.

"Please. Let me prove you wrong," nakikiusap na sabi niya.

Sandaling napatitig lang ito sa kaniya. Parang may hinahanap ito na hindi naman niya alam kung ano. Pero habang mas tumatagal ang pagtitig nito, mas nadaragdagan ang kaba na nararamdaman niya.

"Why, Liam?" kalmadong tanong nito.

I love you. I am inlove with you.

Nalunok niya ang laway niya ng wala sa oras. Simula noong makita niya ito ay wala na siyang ibang gustong gawin bukod sa sabihin dito kung gaano niya ito kamahal.

Ten years. Sampung taon siyang kinakausap lang ang puntod nito. Sampung taon na umaasa na baka sakaling magkaroon pa ulit siya ng pagkakataon.

At ngayon ay nandito na nga ang pagkakataon niya, hindi naman niya magamit sa tama ang oras niya.

At natatakot siya. Natatakot siyang mawalan na naman siya ng pagkakataon. Natatakot na naman siyang maubusan ng kapiranggot na oras na ibinigay sa kaniya.

"I... L---" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng biglang dumating ang bestfriend nito.

"Nandito ka lang pala, Wynona. Kanina pa kita hinahanap. Wala ka rin sa library," sabi nito bago napatingin sa kaniya. "May kausap ka pala."

"Nagre-review lang ako kanina. Masyado kasing crowded sa library," sagot nito sa kaibigan.

"Bakit kausap mo si Liam?" narinig niyang bulong nito.

Napabuga siya ng hangin.

"Hinihiram niya ang libro ko," sagot dito ni Wynona na tinutukoy ang librong inagaw niya.

Napansin niyang nakatitig sa kaniya ang bestfriend nito kaya nginitian niya na lang ito bago hinarap si Wynona.

"Ibabalik ko mamaya. I'll see you later?" nag-aalangang tanong niya.

Please say yes. Please.

"Okay. See you later, Liam."

Kabadingan ba kung noong mga sandali na 'yon ay hindi niya napigilang ngumiti?

Bago tuluyang makalayo sila Wynona ay napansin niya na namang nakatingin sa kaniya ang bestfriend nito. At kagaya kanina, ngiti na lang ang iginanti niya sa tingin na ipinupukol nito.

Sa pagkakaalam niya, protective ang bestfriend ni Wynona. Hindi na siya nagtataka kung pinagdududahan siya nito.

Hindi maganda ang reputasyon niya.

Pero hindi na siya ang Liam na 'yon. Dahil bukod sa hindi na maibabalik ang oras, nababago rin ng panahon ang tao.

Time changed him.




-----




"Liam, can we talk?" napalingon siya sa nagsalita. Si Princess.

Hinihintay niya si Wynona sa labas ng University nila. At the same time ay nagbabakasakali siyang makita ang estrangherong lalaki na 'yon. Pero hindi pa rin ito nagpapakita sa kaniya.

"Princess,"

"Kahit sandali lang Liam," sabi pa nito. Napatingin siya sa paligid. Wala pa ring anino ni Wynona.

"May hinihintay kasi ako. Puwede bang bukas na lang?" sagot niya rito.

"Hindi naman matagal. Kahit dito na lang tayo mag-usap," sagot nito.

"Tungkol ba saan?" tanong niya rito.

"About you."

Kumunot ang noo niya. "Tungkol sa akin?" naguguluhang tanong niya.

"They think nagbago ka na. Matapos nang nangyari kahapon, Liam, I think nagbago ka na nga," pagsisimula nito.

Paano ba niya ipapaliwanag na hinubog siya ng lumipas na sampung taon sa buhay niya? Na malayo na siya sa Liam na kilala nila noon. Na hindi naman talaga siya nagbago sa loob lang ng isang araw.

Sampung taon.

"I'm sorry," iyon na lang ang nasabi niya.

"What happened, Liam? Kami ang mga kaibigan mo, then in an instant, parang hindi ka na namin kilala," sabi nito.

"Ano ba talaga ang dahilan kung bakit gusto mo akong makausap?" tanong niya rito.

Binigyang siya nito nang maliit na ngiti bago napatingin sa harapan. Sinundan niya ang tingin nito. Naglalakad na palabas si Wynona kasama ang bestfriend nitong si Mara.

"You're inlove with her," mahinang sabi nito.

Mabilis na napatitig siya rito. Napalunok siya. Paano nito nalaman?

Bahagya itong natawa sa itsura niya. "Huwag kang magulat. Kung paano mo siya tignan, halata, Liam. I know na matagal mo na siyang mahal," sabi nito.

"Bakit sinasabi mo sa akin ang mga 'to?" tanong niya rito.

Sumeryoso ang mukha nito. "Mukhang may hindi magandang gagawin sila Prince. I just want to warn you," sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Why? Ano'ng gagawin nila?"

"Just... Just be a man and get your girl. Tama na ang panunuod sa malayo. Ako ang nahihirapan para sa'yo. 'Wag ka na magsayang ng oras."

Yes. No more wasting time.

Napatingin siya kay Wynona at napahawak sa marka niya.

19

Wala ng masasayang na oras.




-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon