Chapter 6

865 138 7
                                    



Napapaisip siya nang malalim habang pinapanuod si Wynona na nakikipagtawanan sa bestfriend nito. Looking at her now, hindi niya lubos maisip na magagawang kitilin ni Wynona ang sarili nitong buhay. Parang hindi kasi ganoon ang pagkatao nito.

But then again, ano pa ba'ng alam niya tungkol dito? Wala naman na. Mamaya ay may kalungkutan pala talaga itong itinatago kaya nito nagawang magpakamatay.

Napatitig siya sa mukha nito ng muli itong tumawa. Napakaaliwalas ng mukha nito. Her eyes are shining.

Why would she kill herself? Ano ba'ng nangyari?

Nasa ganoong pag-iisip siya nang suntukin bigla ni Prince ang braso niya. Napatingin siya sa mga kasama niya sa table. Kunot ang mga noo na nakatingin ito sa kaniya.

"What?" tanong niya sa mga ito.

"Why are you staring at her?" balik-tanong din ni Prince. Napatingin ulit siya kay Wynona.

Nasa canteen sila, at nasa pang-apat na table ito mula sa kanila. Hindi na ito tumatawa, pero hindi pa rin nabubura ang ngiti nito sa mga labi. Ngiting hindi niya man lang nasilayan noong nakausap niya ito.

Hinarap niya ulit ang barkada niya. "Wala naman. Bakit?" defensive na sagot niya.

He knows them. Hindi approve sa mga ito ang katulad ni Wynona.

"She's out of our league, dude. Unless..." sabi nito at pinakatitigan siya.

"Unless?" tanong niya.

Ngumisi ito. "Unless the game is on again. Siya ba ang next target?" nakangising sabi nito.

Nagpantig ang tenga niya sa sinabi nito. Masama ang tingin na ipinukol niya rito. "Leave her alone. Hindi siya kagaya ng ibang babae."

Nakita niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga ito.

"Chill. Ano ba'ng problema? Kanina pa mainit ang ulo mo." sagot nito sa kaniya.

"Stop with the games, Prince. Larong pambata lang iyon. Hindi pinaglalaruan ang damdamin ng kahit na sino." sagot niya rito.

"What the hell, Liam? Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong nito.

Tinignan niya ito ng seryoso. "I said stop playing with feelings, Prince. Hindi iyon magandang laro."

Tumawa ito nang malakas. "Muntik na akong maniwala sa'yo," sabi nito.

Natahimik lang ito nang makitang hindi siya tumawa. Natahimik na rin ang mga kasama nila. Si Princess, ang kambal nito ay tahimik lang na pinapanuod sila.

"You're serious?" gulat na tanong nito sa kaniya.

"Yes," sagot niya.

Nakita niya ang pagtingin nito sa direksyon ni Wynona bago ibinalik ang paningin sa kaniya. "You can't be serious, Liam." naiiling na sabi pa nito.

"I am serious, Prince. Itigil na natin ang mga laro natin. Hindi 'yon maganda. Nakakasakit na tayo," sagot niya rito.

"Wow. All of a sudden, magbago na tayo? Dahil lang sa babae, Liam?" 'di-makapaniwalang sabi nito.

"Dahil lang sa babae? Dude, you have a Mom. May kapatid ka ring babae. Imagine kung si Princess ang lokohin, matutuwa ka ba?" sagot niya rito.

Natahimik ito. Nagpatuloy siya. "I... I wanted to be a better person. I wanted to be a man. At hindi gawain ng matinong lalaki ang mga ginagawa natin. Pinapasakit ko ang ulo ni Mommy. Sinasaktan ko siya. Pati na rin ang iba. Hindi iyon maganda sa pakiramdam. Ayaw ko na."

"Why all of a sudden, Liam? Bakit biglaan? Ano 'yon, laglagan? Akala ko ba magkakaibigan tayo? Tapos ngayon parang magmamalinis ka?" sagot nito.

Hinawakan ni Princess ang braso ng kapatid nito. "Enough, Prince," saway nito bago napalinga sa paligid.

Pinagtitinginan na sila.

Tinanggal ni Prince ang kamay ni Princess sa braso nito. "You know what, Liam. Kung ayaw mo na, walang pumipilit sa'yo. Pero 'wag kang umakto na parang mas malinis ka na sa amin. Pare-pareho lang tayo." Sabi nito at iniwan sila.

Apologetic na tinignan siya ni Princess bago nito sinundan ang kakambal nito. Ang iba pa nilang kasama ay tila nawiwirdohan na tinignan lang siya bago nagsisunod kay Prince.

Great. Ngayon mag-isa na lang talaga siya.

Bakit ba kasi kailangan pa niyang sabihin ang mga iyon?

Narinig niya ang pagtunog ng upuan sa harapan niya. Pagtingin niya ay isang istudyante ang umupo roon.

Matagal na nakatingin lang ito sa kaniya bago ngumiti. "Congrats. Sa wakas ay may ginagawa ka ng tama," sabi nito.

May pakiramdam siyang ang estrangherong lalaki ang kausap niya.

"Nawalan ako ng mga kaibigan," sagot niya rito.

Ngumisi ito. "Hindi lahat sila ay kaibigan mo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya rito.

"Ilan lang sa kanila ang totoo mong kaibigan, Liam."

"Sino ang mga tinutukoy mo?" tanong pa niya.

"Makikita mo sa paglipas ng araw."

Sa sinabi nito ay napatingin siya sa marka niya. Sa paglipas ng araw.

Nauubusan na siya ng oras.

Hinaplos niya ang marka niya at napabuntong-hininga.

20

Lumilipas na lang ang mga araw, pero wala pa rin siyang nagagawang hakbang para mapalapit kay Wynona.

Kagaya pa rin ng dati, hanggang tanaw lang siya sa malayo.

"Mauubusan ako ng oras," mahinang sambit niya.

"Kung sana ay ginagamit mo na sa tama ang oras mo. Pinalipas mo ang araw ng kasama lang ang mga barkada mo. Paaalalahan ulit kita, Liam. Limitado lang ang oras mo," sabi nito.

Napatingin siya sa direksyon ni Wynona. Nagkataong napalingon din ito sa kaniya. Naging blangko ang itsura nito. Nawala ang ngiti na kanina ay nakasilay sa mga labi nito.

Hinarap niya ang estranghero. "Hindi ko na sasayangin ang oras ko."



-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon