Chapter 5

849 140 16
                                    


"Hi," bati niya rito.

Nakatitig lang ito sa kaniya. At sa bawat segundong lumilipas na hindi ito umiimik ay mas kinakabahan siya.

"Hi," pag-uulit niya. Mas nilakasan na rin niya ang boses niya dahil baka hindi siya narinig nito.

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. "Narinig kita," sagot nito.

Napatulala siya rito. Gaano karaming panalangin na ba ang sinambit niya sa Diyos mabigyan lang siya ng pagkakataon na makausap nito.

At ngayon, nakakausap niya na nga ito, at pakiramdam niya ay mukha siyang tanga dahil hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Wynona," sambit niya sa pangalan nito. Tumaas ang kilay nito.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nakataas ang kilay na tanong nito.

Napalunok siya. "Same University lang tayo. I'm..."

Pero hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya. "You're William, mas kilala bilang Liam. I know you," sabi nito sa kaniya.

Napatitig siya rito. Kilala siya nito? Alam niyang mukha siyang tanga, pero hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya.

"Kilala kita. Kayo ng mga barkada mo. Sino ba ang hindi makakakilala sa inyo?" matabang pa na sabi nito.

Mabilis na nabura ang ngiti sa labi niya. Bigla ay parang nakaramdam siya ng hiya sa sarili niya.

Kilala sila ng barkada niya dahil sa pagiging sakit ng ulo. Kilala sila dahil sa kasikatan, at sa mga kalokohan nila.

At sa ganoong paraan siya nakilala ni Wynona.

Kaya ganoon na lang siya nito kausapin.

Pero hindi na siya ang dating si Liam. Marami siyang mga bagay na pinagsisisihan na ginawa niya noon. Pero mas pinagsisisihan niya ang mga bagay na hindi niya ginawa.

Kagaya ng ipaalam at iparamdam dito na mahal niya ito.

Ang pigilan ang barkada niya kapag sumusobra na ang mga ito.

Natigil lang siya sa pag-iisip ng lagpasan na siya nito. Mabilis na sinundan niya ito.

"Gabi na ah. Saan ka pupunta?" sabi niya rito at sinabayan ang paglalakad nito.

"Pauwi na," sagot nito.

"Ihahatid na kita," sabi pa ulit niya.

Bigla itong huminto sa paglalakad at hinarap siya. "Look, Liam. Kung anuman ang tumatakbo sa isip mo, kung anuman ang plano mo, kung anuman ang trip mo, 'wag mo akong isali. Hindi ko planong sumali sa laro niyo ng barkada mo."

Napatanga siya sa sinabi nito. He can't blame her kung ganoon ang tingin nito sa ginagawa niya. Totoo namang ilang beses na silang nag-trip na magkakaibigan.

Ilang damdamin na ba ang nasaktan nila? Hindi niya na alam.

Pero isa iyon sa mga pinagsisisihan niya.

"Wala akong masamang plano," sagot niya rito.

Tumaas ang kilay nito. "So, ano 'yon? Bigla-bigla ay lalapit ka na lang sa akin para mangamusta? Bigla-bigla ay kilala mo ako? 'Wag ako, Liam. Kilala kita," sabi nito.

Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nasaktan sa sinabi nito. Na hindi siya nasaktan na sobrang sama ng tingin nito sa kaniya.

"Mali ang tingin mo sa akin," sabi niya rito.

Napailing ito. "Leave me alone," sabi nito at akmang lalagpasan siya ulit pero mabilis niya itong nahawakan.

"Give me a chance to prove you wrong," pakiusap niya.

Mabilis na inalis nito ang pagkakahawak niya. "May sira ka ba? Ano ba'ng problema mo?" inis na sabi nito.

"Look, I know hindi kapani-paniwala, pero gusto kong makipagkaibigan sa'yo. Wala akong planong masama," paliwanag pa niya.

Wala akong planong masama sa'yo.

Napabuga ito ng hangin. "Hindi mo ako maloloko. Tigilan mo ako." Sabi nito at iniwan na siya ng tuluyan.

Ganoon ba talaga siya kasama noon? Ganoon ba talaga ang tingin nito sa kaniya?

Baka kahit pala nilapitan niya ito noon, hindi rin siya nito papansinin. Hindi rin ito maniniwala sa kaniya.

Ano pa kaya ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niyang mahal niya ito?

Mapaklang napangiti siya. Akala niya kapag nakausap niya na ito ay madali na lang ang lahat.

Hindi pala. Kasi kahit nasa tabi niya lang ito kanina, parang sobrang layo pa rin nito sa kaniya.

"Simula pa lang mukhang sumusuko ka na," sabi ng boses sa likuran niya.

Mabilis na nilingon niya ito. "Paano ko magagawa ang dapat kong gawin kung ganoon ang tingin niya sa akin?" frustrated na sabi niya.

Ngumisi ito. "Sino ba'ng nagsabing madali? Ano pa ang plano mo? Ganoon na lang? Lalapit ka at aakto na parang matagal na kayong magkaibigan?" sabi nito.

Napabuga siya ng hangin. "Sino ka ba talaga? Bakit mo ako tinutulungan?" tanong niya rito.

"Isipin mo na lang na ako ang oras mo ngayon, na ako ang kaibigan mo sa ngayon," sagot nito.

"But, why are you doing this? Naguguluhan kasi ako. Bakit ako?" tanong niya rito.

"Bakit hindi ikaw?" balik-tanong nito.

Napaisip siya sa sinabi nito. Napapaisip siya sa mga nangyayari. Napapaisip siya kung sino ba talaga ito. Pero maliban doon, masaya siya. Mas masaya siya ngayon kumpara sa loob ng sampung taon na lumipas lang sa buhay niya.

"Tulungan mo akong mapalapit kay Wynona. Please," pakiusap niya rito.

Napailing ito sa kaniya. "Hindi ako puwedeng mangialam. Hindi na puwede. Ikaw na ang bahala sa mga mangyayari ngayon," sabi nito.

"...at Liam, bilisan mo na. Nauubusan ka na ng oras."



-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon