Chapter 34 ♥ Pietr's Confession

Magsimula sa umpisa
                                    

"One." Bulong ni Pietr sa harapan ko. His breath fans my hair. Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa balat ko.

Pero ayokong gumalaw. Ni ipikit ang mga mata ko ay pinipigilan ko ang sarili. Natatakot ako na kahit sa isang konting paggalaw lang, tuluyang maglalapat ang mga labi namin sa isa't-isa. 

"Two."

"Ayst! Naman o! Ito namang dalawang love birds na 'to. Tara na nga mga pare. Alis na tayo. Balik na lang tayo kapag wala na sila." iritado pang suhestyon ng isa sa mga kasama. May narinig pa akong mga bulong bulungan. May isa na gustong makita ang mga mukha namin pero mas lalong lumapit si Pietr sa akin para maitago ako mula sa kanila. Napahawak ako sa dibdib nya.

I held my breath one more time. 

"Three." with a slightest touch, I felt Pietr's feathered lips on my ears. "Run."

Sabay kaming tumakbo palabas, nakayuko at pilit na tinakpan ang mukha ko gamit ang isang kamay. Kung nakita talaga nilang ako iyon, nakakahiya talaga.

Mahigpit kong hinawakan ang gclef pendant sa dibdib. What the hell just happened? Ang init ng mukha ko. Hindi ko alam kung sa pagod o sa init, sa totoo lang ay hindi na ako sigurado. Pero puso, bakit ka tumitibok ng napakabilis? What happened there, those feelings, brings confusion to my mind.

"Okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Pietr. Wala ako sa sariling tumango. Sa ngayon pakiramdam ko, wala akong tiwala sa boses ko. "Wag kang mag-alala nasa labas na tayo. Malapit na tayo sa parking lot. Everything will be going to be alright." 

 "Bakit mo ba ginagawa 'to?" Ilan pang sandali ay narinig ko na lamang ang sarili na ibinubulong ko ito sa hangin. Napakaraming tanong sa isip ko. Mga tanong na para sa kanya.

Bakit nya ginagawa ang lahat ng 'to? Bakit sya pumayag sa misyon? Bakit nya tinutulungan si Souta? And why is he even here in the Maeda Mora in the first place?

Pietr. Ano ba talaga ang gusto?  

"I want to fix every mistake I made." Malungkot syang ngumiti. Isang ngiti na alam ko kung ano ang ibig sabihin. "I'm sorry."

Bumitaw ako sa kanya. Sabay kaming napahinto sa pagtakbo. Pakiramdam ko nabato ako sa kinatatayuan ko. How could he say that to me now? 

Itinago ko ang lahat ng emosyon na pilit na kumakawala sa dibdib ko. I knew it. Noong una palang na nakita ko sya rito sa Maeda Mora, alam kong may pakay na sya. Walang iba... kundi ako.

Ginawa kong blanko ang mukha ko. Tumingin ako sa pamilyar na asul nyang mga mata. Mga mata kung saan ako paulit ulit na nalunod noon, nangarap na habang buhay, kaming dalawa lang para sa isa't-isa. 

"Matagal na kitang pinatawad." huminto ako saglit. "Matagal ka ng malaya." 

Lumipas ang bawat segundo pero pakiramdam ko, parang huminto ang oras. Sa isang tingin sa mga mata nya, nagbabalik ang lahat ng ala-ala ng nakaraan. Sa mga mata nya ay ang mga emosyon na tahimik na nakikiusap. 

Muli ko pa lang sanang ibubuka ang mga labi nang bigla na lang dumating ang mga estudyanteng humahabol sa amin magmula pa kanina. Tumakbo ako pero tila yata napako na ang mga paa nya sa lupa. Hindi na sya gumalaw. 

"Pietr." buong pagtitimpi kong tawag sa pangalan nya. Hindi sya sumagot.

Sa paligid ay ang mga babaeng fans na halos magkandarapa na mahawakan at malapitan sya.

Alam ko ang pakiramdam ng maipit sa hindi kaaya ayang sitwasyon kaya bago pa man sya tuluyang maabutan ng mga ito, hinila ko na ang mga kamay nya. "Hayst! Ano pang ginagawa mo? Takbo!"

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon