ELEMENTARY

16 0 0
                                    

(A.N: Hello!! Unang una sa lahat, tagal na rin since nakaisip ako ng bagong plot for WattPad huhuhu pero anyway, eto na! Pangunahan ko na kayo, bale this story has no connection or kahit ano sa Storya Naming Dalawa, uulitin ko, di siya sequel. HAHAHAHAH siguro may mga makikita kayong similar places or what, pero pramis, wala siyang connec sa unang storya. Sige, yun lang so far HAHAHAH salamat!!)

Jason's POV:

Sinakay na ako ni mommy sa kotse, sabi kasi niya, bago magwork si dad sa office, ibaba muna niya ako sa school ko.

"Anak, daddy will drop you at school ha. Siya na rin susundo sayo."

"Yes ma." Sabi ko.

"Be good at school, and kwento ka samin ni papa what happened ha?"

Narating na namin ni ma yung place kung saan nagaantay kotse ni dad. Hinalikan muna ako ni ma sa pisngi bago niya akong hayaan sumakay sa front seat ng Toyota Vios namin. Matapos, tumingin ako kay dad at binati siya ng good morning. Ningitian niya ako at binati rin ako.

"Ready for school?"

"Opo!" Sabi kong maligalig. Sa tuwing sinusundo ako ng tatay ko mula eskwela, lagi kaming dumaraan sa ice cream store, lalo na pag nakikita niyang matataas grades ko, saka ako nagkakaroon ng double scoop (minsan triple) na ice cream. Yun yung inspiration ko kaya masasabi mong matataas grades ko. Ice cream. Hehe.

Nagsimula nang magdrive si tatay, "Remember yung deal natin?"

"Mataas yung grades, mataas rin yung ice cream." Sabi ko.

Tumawa kami parehas ni dad. Di nagtagal, narating na namin yung school ko. Inalalayan niya ako sa pagbaba ng mga bag ko at ginulo-gulo yung buhok ko bago siya umalis papuntang opisina.

Naglakad ako papunta sa section ko, waving and smiling to some friends, then hinarang ako ni Robert, si Robert yung bestfriend ko dito sa school, paano kami nagkakilala? Well, nagsimula yun nung nalimutan ko yung baon ko bago mag lunch time. Tumabi siya sa table kung asan ako (di ko siya kilala nun, promise), at matapos ang ilang mga paguusap, inalok niya sakin kalahati ng baon niyang bacon with rice (nauubos ko nga pala yun). After nun, sa di ko alam na pangyayari, mag bestfriends na kami ni Robert.

"Nagawa mo homework sa math?" Tanong niya.

"Simpleng addition ng similar fractions lang yun," sabi ko.

"Di porket nagtanong kung gumawa ka na ng homework, kokopyahan ka na," sabi ni Robert. "Isip-isip rin."

Tumawa ako at shinake yung ulo ko. Medyo loko-loko rin kasi 'tong si Robert minsan, malakas mantrip rin.

"Di ko ata nadala popsicle sticks ko para sa klase ni Ma'am Karren," sabi ko. "Bukas ba school supplies?"

"Ata. Hiram ka nalang sakin pre," sabi niya. "Teka, tignan ko bag ko kung meron ako."

Tumigil kami, sakto malapit na sa pinto ng section namin. Pinahawak ni Robert sakin yung bago niya habang hinahalungkat niya yung mga pockets nito para sa popsicle sticks. Di nagtagal, nakarinig kami parehas ng mga maiingay sa may bandang dulo ng hallway. Di naming dalawa pinansin ito, tumingin sakin ni Robert na may pagkadismaya sa mga mata.

"Damay tuloy ako na naiwan ko mga popsicle sticks ko."

Tumawa nalang kami parehas. Sabi ko nalang sa kanya na bumili nalang kami sa school supplies. Sabi sakin ni Robert, icheck ko raw kung bukas, so it means na daraan ako sa hallway kung saan nagmumula yung mga ingay.

You Again?Where stories live. Discover now