The Gangster is Nerd?

60.4K 1K 115
                                    

Prologue:

Pinatay niya yung taong mahalaga sa akin.

Yung taong mahal na mahal ako.

Yung taong nandyan na nasasandalan ko.

Yung taong naging kakampi ko sa lahat.

At yung taong ni minsan hindi ako iniwan.

Pero yung taong yun nawala.

Dahil sa akin kaya siya nawala.

Pinilit kong magmukhang ewan sa lahat.

Para wala ng masaktan at mawalang tao sa buhay ko.

Ang tanging hiling ko lang naman ay bumalik ang dati kong buhay na normal yung wala ng away, gulo, at patayan na naganap noon.

-----------------------------------------------------

Sandra Kang is my name , 4th year student na Transferee sa Yongsan Academy ang school na puro rich kid meaning bitch kid.

Yung papa ko kasi ay may sariling kompanya at ang aking mama ay sikat na fashion designer. Madalas sila sa ibang bansa kaya hindi ako close sa kanilang dalawa lalo na nung namatay yung Kuya ko.

Hindi ako katulad ng mga estudyante dito na mapanglait,mataas ang tingin sa sarili,spoiled brat,at ubod ng kayabangan sa katawan.

Isa ako sa mga Nerd dito sa school na madalas nilang pinaglalaruan,pinagti-tripan,lalaitin,iinsultuhin,at aasarin. Lahat ng panglalait ay nasa akin na daw. Tsk come to think of it hindi naman ako literal na pangit eh. Hindi lang ako nag-aayos. Kasi wala naman ako dapat pagandahan tsk.

Hindi kasi sila makapaniwala na sa itsura kong ito ay sa yongsan ako mag-aaral ang kikitid ng mga utak palibasa mga spoiled eh.

Wala talaga sa vocabulary ko ang mag-ayos. Yung buhok ko hinahayaan ko lang na sabog at minsan tinatalian ko kahit buhol buhol na. Tapos nakasalamin ako kasi medyo malabo yung mata ko madalas kasi akong nagbabasa ng mga libro.

Kung titignan mo yung mga itsura ng mga estudyante dito mga pang-artistahin talagang hindi ko maitatanggi na magaganda at guwapo sila mga anak kasi ng mayayaman eh.

Pagkarating ko sa school. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok.

'Hey Nerd!'

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Para sana iwas gulo.

'My God dito ka pa talaga mag-aaral?'

'Hoy pangit!"

Binilisan ko pa yung lakad ko dahil halata naman na wala silang balak tigilan ako pero napahinto ako ng may humatak sa braso ko.

"Kinakausap ka namin ah, bastos kang pangit ka!"

Dumiin ang mga kuko niya sa balat ko kaya tinitigan ko ang babaeng to na nasa harap ko, laslasin ko kaya agad leeg nito?

"Wala naman akong ginagawang masama." mahinang bulong ko.

"Sumasagot ka na ngayon ha?! Bakit lalaban ka!" sigaw niya sabay sabunot sa buhok ko napangiwi ako dahil feeling ko may nalagas na naman na hibla sa buhok ko. Langya di ko na nga naalagaan tong buhok ko mas sinisira pa niya.

Sinubukan ko alisin ang kamay niya sa buhok ko dahil masakit talaga yung sabunot niya.

"Hindi naman ako lalaban." sympre kunwari maluha luha ako, ayoko naman na patulan pa tong gaga na to lalo na alam ko na nagtatapang tapangan lang siya. Pwe.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now