The Gangster is Nerd?

Börja om från början
                                    

Ngumiti siya at malakas ako tinulak kaya napaupo ako sa sahig. Damn it.

Pinulot ko yung dalawang libro at tatayo na sana ako kaso naramdaman ko na may tumutulo na sa ulo ko. Wow napakaeffort talaga nila para sa akin. Tss.

'Kelan ka aalis dito?' tanong niya habang nakangiti at nagtawanan yung iba niyang kasama na halatang natutuwa dahil basang basa na ako ng tubig.

'H-hindi k-ko a-alam.' nauutal kong sagot sabay yuko, kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at pinipigilan ko magalit.

'Alam mo bang panira ka ng imahe dito sa school.' nang-gigil niyang sabi.

Relax Sandra... Hindi mo sila papatulan, relax lang. Pilit kong kinakausap ang sarili ko lalo na ramdam ko na nanginginig na tong kamao ko. Hindi ako pwedeng magalit. Hindi pwede.

"HOY ANO YANG GINAGAWA NIYO HA!"  narinig kong sigaw ni Meij kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

'Pwede ba Meij! Huwag ka mangialam dito!" sigaw ng babae kay Meij.

"Wag mangialam? Alam mo ba yang sinasabi mo ah! Baka nakakalimutan mo apo ng may ari ng school na to ang kausap mo." lihim ako natawa sa sinabi ni Meij.

"Tara na girls baka isumbong tayo niyan."

"Umalis na tayo."

"Hindi pa tayo tapos nerd." mahinang bulong ng babae sa akin at mahinang sinampal ang pisngi ko. Pagtalikod nila ay agad akong tumayo at nginisian sila.

"Oh basa ka na naman, araw araw ka naliligo ah." nakangiting sabi ni Meij kaya inirapan ko siya at naglakad na. Bwisit na yan kailangan ko pa ngayon magpalit ng uniform. Badtrip

Meij Wang, siya ang bestfriend ko na todo rescue sa akin at lolo niya ang may-ari nito kaya madali akong nakapag-transfer sa school nila. Since elementary mag-kaibigan na kami.

'Thank you bes' sabi ko pagdating namin sa locker at sinamahan niya ako magpalit ng uniform sa cr.

'Bakit ba kasi hinahayaan mong ganunin ka ng mga Bitches na yun?' iritang tanong ni Meij habang naka-taas ang kilay.

'Yaan mo na magsasawa din naman yung mga yun.' nakangiting sabi ko.

'Ay naku! lagi mo na lang yan sinasabi pero may nagbago ba? wala naman diba? atska bakit kasi ayaw mo silang labanan? kaya mo naman yun diba? atska isa ka naman ...' nang-gagalaiti niyang sabi pero pinigilan ko na agad.

'Meij.' tinitigan ko siya ng masama dahil ayokong binabalik ang nakaraang tinalikuran ko na.

'Sorry bes, sorry nag-aalala lang naman ako sayo eh.' nakayukong sabi ni Meij.

'Alam ko naman, Isa pa kaya ko naman sila. Tara na sa room'
yaya ko dahil tapos na ako magbihis.

--Class Section A--

'Goodmorning class, My name is Ms.Shi ang inyong adviser at the same time ay teacher. Gusto ko kayong makilala isa-isa kaya introduce yourself one by one. Start from you.' Sabi niya sabay turo kay Meij.

'My name is Meij Wang , 17 yrs old , sana maging friends tayong lahat..' nakangiting pagpapakilala niya.

'Ms.Wang Can I get Your Number?'

'Ganda mo talaga idol.'

'Babe pakiss sa cheeks!'

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Där berättelser lever. Upptäck nu