"D-dad."  nanginginig na sagot ni Renzo sa telepono at hindi na nagawang sagutin ang tanong ko. Dahil tahimik sa loob ng kotse ay rinig na rinig ko ang malakas na tinig ng kanyang Daddy. Alam kong galit ito.

"Where the hell are you?! Tumatawag ako sa may bahay pero wala ka. Alam mo na ba ang nangyari sa Ninong mo?"

"Yes Dad."  malumanay na sagot ni Renzo.

"Then? Hindi ka man lang nag-aabala na bantayan roon ang Ninong mo? Haven't you heard that he's now unconscious?"

"W-whaaat?"  sigaw ni Renzo?

"See? You don't know because your too busy with your own business! Ano bang pinagkakaabalahan mo?"  galit na galit na sigaw ng Daddy niya, napalingon sa akin si Renzo pero agad din akong umiwas ng tingin. 

Hindi na sumagot si Renzo.

"Go to your Ninong, I'll leave Palawan this afternoon and by evening siguro nandyan na ako. You better go there dahil kapag naabutan kong wala ka sa hospital ay hindi mo alam kung anong kayang gawin sa'yo!"  with that I heard the connection has ended. 

Lumingon ako kay Renzo, "Okay lang naman kung hindi tayo matuloy ngayon, marami pa namang araw. I think, may mas importante ka pang kailangang gawin."

Renzo looks so worried. Of course, ayaw kong maudlot ang date na ito pero hindi rin naman ito magiging masaya kung may iniisip siyang iba.

"I understand, Renzo. Gusto mo bang puntahan natin ang Ninong mo?"

Hindi na kami nag-imikan hanggang makarating kami sa hospital. Hindi na siya nagsalita at hindi rin naman ako naglakas loob na tanungin kung ano ba talagang nangyari sa ninong niya. 

Malalaki ang mga hakbang ni Renzo nang makapasok kami sa hospital, halos tumakbo na nga ako maabutan ko lang siya. Bigla kong naalala noong araw ng Christmas Party, alam ko na kung anong ginawa niya rito, dinalaw niya ang kanyang Ninong. 

Nang makapasok kami sa loob ng mismong ward ng Ninong ay napaatras na lang ako nang makita roon si Yoanna na malala na sa pag-iyak!

"Renzo!"  lumapit ang isang babae kay Renzo at niyakap ito. "Kagabi pang walang malay ang Ninong mo." at patuloy lang itong umiiyak katulad ni Yoanna. 

Nakita kong naiyukom ni Renzo ang kanyang kamao. Hindi ko alam kung para saan 'yon. 

Nakakapagtakang hindi pinansin ni Yoanna si Renzo, tumayo ito sa kanyang kinauupuuan at dali-daling pinunasan ang mga luha nito. Nilagpasan lang niya si Renzo at dumaretso papalabas sa may pinto at doon niya akong naabutang nakatayo. 

Tumigil siya na parang takang-taka kung bakit ako naririto nang marealized niya na kasama ako ni Renzo ay ngumiti lang ito, a very biiter smile. 

Lumabas siya at hindi ko alam kung bakit sinundan ko siya. Umupo siya sa mga upuan na hindi nalalayo sa ward at umupo rin ako. Isang upuan lang ang pagitan namin.

"Ang sakit-sakit! Of all the people I've known, bakit si Daddy pa? He's my hero, my bestfriend, my everything."  at doon ay umiyak na naman siya.

Kahit inis na inis ako sa kanya, hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Parang hindi siya 'yung Yoanna na palaging nguminiti, (yung ngiti na talagang kinaiinisan ko). Nawala lahat nang inis. What all I can see now is her pure heart that seems to be broken.

"Mabuti ka pa nga eh, at least nakasama mo ang Daddy mo. Ako, three years old pa lang ako noong nawala ang Papa ko. I can't even recall any memories with him, even his smile or face."

Napalingon siya sa sinabi ko.

"Are you saying that I'm lucky even my Dad is dying?" parang galit na sabi niya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. You're lucky because you've given the chance to know your father, to create memories with him."

"Maybe you're right. But I was only given 17 years of my life and I started to regret that I haven't dedicate my whole time with him."

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

"You know what, I spend so much time chasing Renzo but I only got neglected and ignored. If I could only spent those time with Daddy -- "  at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Hindi ko alam na palagi pala talaga niyang sinusundan si Renzo, naaawa talaga ako sa kanya. Parang gusto ko na ring maiyak.

"Sabihin mo nga, sabihin mong tanga ako. Na halos iniwan ko na ang responsibilidad ko bilang anak para lang ipagsiksikan ang sarili ko kay Renzo!"  hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam.

Patuloy lang siya sa pag-iyak.

"Yoanna!"  sabay kaming napalingon ni Yoanna, hingal na hingal si Renzo sa pagtakbo, "Si Ninong Rod, gising na!" agad na tumayo si Yoanna at sabay silang tumakbo pabalik sa ward.

Hindi ako pinansin ni Renzo. Siguro hindi talaga niya ako napansin. Okay lang, naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan nila. Pero bakit parang nasasaktan ako? Feeling ko wala akong lugar dito. 

Ito ba yung nararamdaman ni Yoanna? Neglected at ignored. Kung gayon, masakit pala talaga. Naiintindihan ko na siya.

Halos isang oras sigurong nakaupo lang ako sa labas. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko kung saan katabi ko si Yoanna kanina. Pero mga ilang saglit lang ay natanaw ko na si Renzo na naglalakad, para siyang isang zombie, nakatulala at patuloy lang sa paglalakad na parang walang patutunguhan.

Sinalubong ko siya at agad inangat ang nakatungo niyang ulo.

"Wala na siya Jelynne, wala na si Ninong Rod, wala na ang pangalawa kong ama." hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya. Isang mahigpit na yakap lang ang ibinigay ko sa kanya. Iyon lang ang alam kong paraan para sabihing nandito lang ako para sa kanya. 

"Jelynne, wala naman sigurong masama kung isantabi ko muna ang sarili kong kaligayahan di ba?"  aalis sana ako sa pagkakayakap sa kanya para itanong kung anong ibig niyang sabihin pero mas hinigpitan lang niya ang yakap sa akin. 

Hindi ko siya maintindihan. 

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon