21

125 12 18
                                    

"Nagulat ngako nung nag tweet sila kagabi na nasa Hotel na sila eh."

"Ako din. Buti nalang wala akong pasok bukas."

"Medyo nakakainis na nakakatuwang mas maaga na concert nila."

"Grabe hanggang ngayon di pako prepared."

"Excited nako makita silaaa."

Pakiramdam ni Anj, naligaw siya sa isang kagubatang maraming bubuyog na naghihintay sa mga bulalak na pasibol palang. Uhaw na uhaw na makasipsip sa tamis na dala ng mga talulot nito.

"Bzajwiagwjzz BTS wbkzzz."

Ang aga aga ang ingay nila. Sambit ni Anj sa sarili. Sa sobrang pagkarindi niya sa mga naririnig ay isinalpak niya ang earphones niya sa tenga bago pumasok ng Hotel. Naiwan lang sa parking lot si Mang Bert, naghihintay sakanya at sa BTS. Kahit saan siya tumingin, puro pag mumukha ng pitong miyembro ang nakikita niya. Mayroong mga sexy shots, serious shots, cute stolen shots at iba't-ibang shots sa mga posters na dala ng fans nila.

Hindi naman niya maiwasang matawa nang may makita siyang malaking poster na naka close up sa miukha ni V na naka "derp face."

Pfft

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pfft. Ang hilig mong gumanyan. Panget mo.

Naeengganyo siyang tumingin sa mga posters na nakalantad kaya binagalan niya ang paglalakad. Hindi niya napapansin na lumalawak ang ngiti niya hanggang sa may makita siyang malaking salamin sa dingding. Bigla naman siyang bumalik sa ulirat at sa blankong ekspresyon. Saya mo eh no? At inirapan ang sariling reflection sa salamin.

Bumaling siya sa elevator pero may nakita siya sa peripheral vision niyang poster ni Jimin na may hawak na bulaklak. Pilit niyang inililihis ang pag tingin. Nang makapasok sa elevator, hindi na niya naiwasang makita ang poster dahil doon nakaharap ang direksyon ng elevator. Parang dahan-dahang nag slow motion ang pag sara ng pinto habang nakikipag titigan siya sa nakangiting poster ni Jimin.

 Parang dahan-dahang nag slow motion ang pag sara ng pinto habang nakikipag titigan siya sa nakangiting poster ni Jimin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naiimagine niya na siya ang pagbibigyan ng boquet ng bulaklak na hawak niya. Nakaramdam siya ng pagkailang at tumingin sa paa nang maimagine niya ulit na parang nakikipag titigan at ngumingiti din ito sakanya. Pakiramdam niya, inaakit siya nito para ngumiti pabalik.

How to be an ARMY?Where stories live. Discover now