16

113 10 0
                                    

Umupo ako at sinandal ang ulo sa mirrored wall. Habol hininga pa din ako. Grabe nakakapagod. Pinatong ko ang dalawa kong siko sa dalawa kong tuhod.

Oy ayusin mo nga yang upo mo, kababae mong tao

Napalingon ako sakanya na hawak ang bottled water sa kanan kamay. Hinagis niya naman sa mukha ko yung bimpo na hawak niya sa kaliwa. Nag indian seat ako pag ka sabi niya noon.

Yuck! Ginamit mo ba to?

Tanong ko sakanya na ipit ipit sa dalawa kong daliri yung bimpong hinagis niya. Yung tipong nandidiri. Tumawa siya ng malakas.

Wag ka mag-alala. Hindi ko Ginamit yan.

Tumabi siya sakin at inabot ang tubig na hawak niya. Uhaw na uhaw na talaga ako. Ininom ko yon. Naramdaman kong may tumutulong tubig sa leeg ko.

Ininoman ko yan.

Naibuga ko ang tubig sa mukha niya. Nagulat kaming dalawa sa ginawa ko. Agad kong pinunas sa mukha niya yung bimpong binigay niya sakin. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yon. Magkababata kami at lagi ko siyang dancing buddy pero bakit nailang ako sa sinabi niya?

Awkward ka ba? Nandidiri ka ba? Joke lang yun diko naman ininuman yan.

Nakapout na sabi niya habang pinupunasan ko ang mukha niya. Inirapan ko lang siya bilang sagot. Hindi namin maiwasang magkatitigan habang hawak ng kaliwa kong kamay ang mukha niya at kanan naman pamunas. Parang lumipad ang kaluluwa ko nang titigan niya ako mula sa mata, papunta sa ilong at sa labi. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung naririnig na ba niya iyon. Pababa ng pababa ang tingin niya. Naramdaman kong nag init ang mukha ko sa tingin na pinupukaw niya sakin. Diniinan ko ang pag punas sa mukha niya sapat upang magreklamo sya.

Aray naman. Para san ba yon?

Yung Mata mo ayusin mo.

Tinabing niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya, sa halip ay hinawakan ang pulsuhan ko. Inagaw niya ang bimpo sa kamay ko at pinunasan ang basa kong leeg. Lalo niyang nilapit ang mukha niya at tumitig sa leeg ko. Sinisilip kung mayroon pang patak ng tubig na natitira. Natuod ako sa ginagawa niya. Ayan nanaman yung puso kong nagpprotesta. Gustong gusto ko itulak ang mukha niya gamit ang palad ko pero parang hindi ko magawa. Namumula na ang mukha ko pero tila wala lang sakanya ang ginagawa niya. Pinupunasan niya ako ng may blangkong ekspresyon. Pinitik niya ang noo ko. Napakurap ako mula sa pag kakatitig sakanya.

Tara Practice na ulit tayo.

Tumayo siya at inilahad ang kamay niya. Medyo alangan pa ako nung una. Hindi ko siya matitigan ng deretso nakatingin lang ako sa palad niya pero parang may sariling isip ang palad ko, aabutin ko na ang kamay niya nang biglang

"Ate??!" Sigaw ni Amae na nakatayo sa pinto ng kwarto.

"kanina ka pa tinatawag ni mama. Tulungan mo daw si Xian sa assignment niya"

Tamad na tamad akong umupo. Lumbas na din ang kapatid ko nang makita niya akong bumangon. Kinusot kusot ko ang mata ko. Napayuko ako. Sobrang tagal na din simula nang mangyari yung panaginip ko. Hindi ko sya maiwasang maalala. Lalo na't malapit na kami mag kita. Haaaay. Kasalanan ni Ms. Jean to.

Tinignan ko ang phone ko at chineck ang oras. 5:13 pm. Lumabas ako ng kwarto para kunin ang bag ni Xian. Katabi ng bag niya ay ang akin. Naalala ko ang tickets na binigay sakin ni Ms. Jean. Kinuha ko ang tatlo at inilagay sa bulsa ko. Napag desisyonan ko kasing ibibigay ko kay Lai at Pia ang dalawa.

Amae's POV

Nakita kong lumabas si Ate sa kwarto. Pinapractice naman namin ang bagong labas na kanta ng asawa namin-ang "Blood,Sweat,Tears". Kumpleto kaming magkakaibigang magpractice.

"Amae. Panalo ka na"

Napalingon ako sa sinabi niya. Binaba niya yung bag ni Xian na bitbit niya. Inilahad niya sa mukha ko yung tatlong PULP Royalty ticket ng WINGSTourManila...

Wait....

What?...

WHAAAAAAAAAAAAAAT?!

Halos lumabas na sa pagkakakapit yung dalawa kong mata. Inilihad ko ang dalawa kong kamay nang magkadikit. Tipong ingat na ingat akong bumagsak iyon sa sahig gaya ng babasagin na bagay. Padabog naman niyang nilagay sa palad ko.

IS. THIS. REAAAAAL??

HUHUHU SOMEBODY SLAP MEEE

Nagsitayuan naman ang mga kaibigan kong nakatingin sa tickets na nakalapat sa dalawa kong nakabukas na palad. Parang nag islow motion ang paligid namin. Para kaming mga nanay na nakatingin sa anak naming bagong panganak sa harap ng isang transparent mirror.

Pinitik ni ate ang daliri niya sa mukha ko dahilan para bumalik kami sa ulirat. Blankong nakatingin lang sya samin.

"ATEEEE! Paanong-? Bakit ka may gan-? Saan? Sinong nag-?"

Inipit ni ate gamit ng daliri niya ang labi ko. Hindi ko alam kung anong uunahin kong itanong. Gulong gulo ako. ARMY na din ba syaaa?? Sabi niya kasi panalo na daw ako. So ibig sabihin nun dibaaaa?

"Ano ba? Ayaw mo ba? Akin na ibebenta ko."

Aagawin na niya sana sa kamay ko pero para akong batang itinago agad sa likod ko yung ticket.

"Syempre gusto!!"

"Kumalma ka nga. Para sainyong magkakaibigan yan."

Hindi ko pa din alam sasabihin ko. Sobrang saya ko. PULP ROYALTY YON, PULP ROYALTY. Ibig sabihin may Raffle to Hi-touch. Tapos pinakamalapit pa sa stage. Gusto kong yakapin si ate sa oras na to pero mukha kasi siyang badtrip. Natatakot akong bawiin niya iyon. Hindi ko na maiwasang mag tanong.

"Sabi mo panalo na'ko. Ibig sabihin ba nun... Arm-"

"Sa OJT ko galing." Pag putol niya sakin habang hindi tumitingin sakin.

"Ako magcocoordinate sa BTS ninyo. Binigay yan ng Boss ko. Hindi ako ARMY. Oo Nanalo ka kasi pupunta akong Concert pero dahil lang yon sa trabaho. Inuulit ko hindi ako Army."

Binigyan niya pa ng diin yung Hindi ako ARMY.
Pag kasabi nun ay hindi na niya ako hinintay na mag salita. Naglakad na sya para hanapin si Xian at tulungan sa assignment nito. Siya ang mag cocoordinate? Ibig sabihin makakausap niya sila baby koooo. Sana palit nalang kami ng pwestooooo. Pero okay na din to. Para nakong nanalo sa Lotto kasi PULP Royalty ako. Kaso bakit ganun. Alam kong ayaw niya sa Kpop. Pero hindi ba siya masayang napasaya niya ang maganda niyang kapatid?

"Amae. Tatlo lang yan. Apat tayo." Pag sira ni Faye sa iniisip ko.

Napatingin ako sa ticket. At nag isip. Napasimangot ako.

"Alam ko na!" -Niella

"Ano?" -Cess

"Pag sama samahin natin yung ipon natin. Sapat yun para makabili ng isa pang PULP Royalty ticket!"

"Oo ngaaaaaaa Ang brainy mo talaga Niella!"
Niyakap siya ni Cess

Patalon-talon na pumapalakpak si Faye

"Well." Ngumiti lang si Niella at iniangat ang dalawang balikat na nakalahad ang parehong palad. Tipong nagmamayabang

Hindi ko pa din maalis ang tingin sa ticket na hawak ko. TAEHYUUUUNG KIIIIIIIM Magkikita na tayo! T.T <3

How to be an ARMY?Where stories live. Discover now