WINGS

124 14 5
                                    

Anj's POV

Dali-dali akong tumatakbo papasok ng elevator. Halos tumama na ito sa braso ko nang papasara.

Anj, I need you here in the office Now.

Paulit ulit na sambit ko sa isip ko. Bakit kaya ako pinapapunta ni Ms. Jean? para nakong matatae sa kaba. Sa tono kasi ng message niya parang napakaimportante. Inip na inip akong nakatingala tinitignan kung nasaang floor na ako. Ako lang naman mag isa sa elevator.

Nang makarating sa 3rd floor ay kumaripas ako ng takbo sa banyo.

Hindi para tumae.

Para mag ayos. Sobrang gulo ng buhok ko at ang Oily pa ng mukha ko. Grabe naman kasi ang siksikan sa MRT. Feeling ko Zombie ako sa train to busan. Halos nakapasak na yung mukha ko sa pintuan. Ayoko pa naman puwesto dun kasi takot ako sa Heights. Napaparanoid ako na baka mahulog ako don or something. Kasi alam niyo naman sa MRT diba? Hahaha

Hindi naman talaga ako mahilig sumakay don. Madalas nag yu.UV ako or Bus. Kaso dahil sa nag mamadali at natataranta nako, wala nakong choice. Aabot kasi ng mahigit dalawang oras ang byahe sa sobrang traffic sa EDSA. Habang nagpupulbo ay umilaw ang phone ko.

Anj, asan ka na?

Nabasa kong message ni Ms. Jean sakin sa Notification bar.

Dali dali akong nagsuklay at binalik yung pouch kong naglalaman ng Girl Stuffs. Umikot muna ako sa harap ng salamin. Nang masatisfy na ako sa itsura ko ay agad agad akong lumabas ng CR at nag tungo sa Office ng supervisor ko.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

"Ms. Jean?"

"Come in, Anj."

Nakangiti akong pumasok. Pero sa totoo lang kinakabahan ako. Diko alam kung bakit.
Nakita kong nakaupo si Ms. Jean  sa Sofa set kung saan niya ako Inorient noon. Sinenyasan ako ni ma'am na umupo at ngumiti.

"Good Afternoon po."

Hinagod ko ang likuran ng palda ko bago umupo.

"Anj the reason I asked you to come here is to tell na tapos na ang oras na kailangang bunuin nila Pia at Lai."

Tumango lang ako bilang pagsagot. Hinihintay ko ang susunod na sasabihin ni Ms. Jean.

"Nafulfill na nila ang 200 hours ng OJT nila. Actually lumagpas pa. Umabot sila ng 250 dahil sa pag aassist and pag cocoordinate during EXORDIUM. Meaning, ikaw nalang ang trainee na coordinator."

"Oh. Okay po."

"Hindi lang yun. Ikaw ang magcocoordinate sa mga Idols na magcoconcert sa WINGSTour. Aware ka ba sakanila? Sila ang Bangt-"

"Bangtan Sonyeondan?!"

Lumaki ang mata ko sa narinig ko. Oo naman. Aware ako sakankla. At aware din ako na magcoconcert sila dito. Pero akala ko kasi hindi na ako aabot sa Concert nila. Akala ko mauubos ko ang 200 hours bago pa sila dumating. Hindi pwede. Hindi pwedeeeee. YUNG DANGAL KOOOO. Tsaka

Tsaka

Ayaw ko siyang makita

"Yes, I'm glad you know them already. I assume I don't have to explain who they are. Do I?

Umiling lang ako bilang pagsagot.

"But. Ms. Jean. Matatapos napo ang 200 hours ko. Nakaka 146 na po ako."

Humugot pako ng lakas bago sabihin yun. Ayoko kasi mag isip siya ng hindi maganda. Ayaw ko isipin niya na ayaw ko na mag OJT dito. Ang akin lang, ayokong maka encounter ang mga Kpop Idols na yon.

"I know Anj. And that's the reason I called you."

Bumuntong hininga muna si Ms. Jean

"I'm sorry Anj but you have to stay here for a little while."

"Gaano po katagal?"

"You have to stay for another 3 months after the Concert."

Wait.

Whaaaaaaaaaaaat?!

"P-pero bakit po?"

"Are you aware of ACE?"

Nag isip muna ako.

"Hardware po? Ace hardware?"

Humagalpak ng tawa si Ms. Jean

"Good thing you don't know. Well, ACE or ARMY's Coven Entertainment is a secret company that Big Hit built here in the Philippines. As of now, they already have more or less 100 enrollees but ofcourse, not everybody will be accepted. ACE will filter those talented ARMYs that desires to be in the industry. And also, this is only for those who can't afford to train in Korea. Selected trainees will be chosen to debut in Korea. Our company, PULP is affiliated to Big Hit Entertainment and we are the only company they trust. Yung mga ARMYs na may connection lang sa PULP ang iniinvite to audition. After ng Concert ng BTS, hindi pa sila aalis. Mag istay pa sila dito for 3 months para maging isa sa mga trainors. And this is highly confidential. The public doesn't know anything about this."

Nakanganga at kunot noo akong nakikinig sakanya. Gusto niya ba sabihing mag enroll ako doon? Noooooo. Ayokoooo. Ayokong makita siyaaaa. I mean, silaaaaa. Ramdam kong pinagpapawisan na ang lahat ng pag papawisan sa katawan ko.

"B-but ma'am I am not an ARMY and if you are looking for an enrollee, well, I'd be pleased to tell my sister and her friends to audition here. I would recommend them. They're great dancers and devoted ARMYs. Wag po ako. You know naman po na hindi ako mahilig sa ganyan."

Muling tumawa si Ms. Jean sa sinabi ko.

"Anj, that's exactly the reason why you're the one I chose. Hindi ka ARMY. I know that you have back ground for Hiphop Dancing. Nalaman ko ito noong nagaapply ka palang. Because before that, nag hahanap na kami ng pwedeng maging Trainors na makakatulong ng BTS. And advantage dito ay hindi ka ARMY. Hindi ka maffreak out kapag nakita mo sila. And I trust you. Don't worry, you will be compensated for this. And merong Dorm ang mga trainors malapit sa ACE."

Iniabot niya sakin ang 5 PULP Royalty tickets para sa WINGSTour. Nanginginig kong tinanggap ito.

"You can give those tickets to your friends. But don't tell them anything about ACE. You don't need one kasi coordinator ka naman na dito."

Nakatitig lang ako sa tickets. Gulong gulo pa din ako.

Heto na yata ang pinakamalas na araw ng Buhay ko.

Tumingin ako kay ma'am ng blanko ang mukha at nag paalam na uuwi na ako. Nakangiti naman sya sakin gaya pa din ng dati. Tumayo nako at naglakad palabas ng office nang tawagin nya ulit ako.

"Anj, you don't have to think about this. Because you can't say no." At ngumiti siya na abot tenga.

Akala ko wala nang lalala pa kay Lai at sa mga Kapatid ko.
Ang Malas ko naman sa araw na to.

Ayaw ko siyang makitaaaa

How to be an ARMY?Where stories live. Discover now