Agust D

360 26 12
                                    

ANJ POV

I'm thinkin'...
That we can make forever after all..
Finding gold in the darkest moments watching ro-..

Nakikinig ako ng All time low nang biglang may nagbukas ng speaker namin sa sala na naging dahilan ng pag tigil ko sa pakikinig. Padabog kong tinanggal earphones ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto para tignan kung san nanggagaling yung ingay.

Bultaoreune
Fireeee. Ey oh ey oh.

Nakita kong sumasayaw ang kapatid kong si Amae (Eymey) ng kanta ng paborito niyang kpop group na BTS. Tinuturuan niya pa na sumayaw ang bunso naming kapatid.

"Ano bayan hinaan mo nga yan nakikinig din ako dito! Tinuturuan mo pa si Xian jan. Magiging bakla din yan sa ginagawa mo eh!" Iritableng sabi ko sa kapatid kong si Amae.

Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya sa kpop group na yon. O bakit nagugustuhan niya ang Kpop. Eh mukha naman silang mga bading. Kalalaking tao may eye liner tapos may kulay buhok. Ang bakla lang tignan. Naiirita talaga ako tuwing magpapatugtog sya ng mga kanta ng BTS na yon.

Inirapan niya lang ako. Hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa din sa pagsayaw. Mukha namang nahiya ang kapatid naming si Xian sa sinabi ko kaya umupo na sya na kunwari'y pagod na at tumapat pa sa electric fan. Pero halata sa mata niyang nakatitig kay amae na gusto niya itong gayahin sa pagsayaw.

Napailing nalang ako at naghanda na para sa school. Sinaksak ko ang phone ko sa isa pa naming speaker sa kusina para di marinig ang pinapatugtog ng kapatid ko at plinay ulit ang Cinderblock Garden na kanta ng ATL na pinapakinggan ko kanina. Tila naglalaban kami ng kapatid ko sa ingay. Pumasok nako sa banyo na malapit lang sa kusina kung nasan ang speaker namin at nag umpisa nang maligo.

- Sa school -

Fourth year student na ako at nag aaral ng Communication Arts. Nakikinig lang ako sa playlist ko habang naghihintay sa susunod naming prof. Pinagmamasdan ko ang mga kaklase kaibigan kong nag Fafangirling sa Kpop Idols nila. Sa grupo kasi namin, halos lahat ng babae ay mahilig sa kpop. Ako lang talaga ang mahilig sa Rock Genre. Tumungo nalang ako at patuloy na nakinig sa music. Wala kaming masyadong ginagawa ngayon kasi kakatapos lang ng short film na ginagawa namin. August ngayon at kakapasa lang namin last week ng mga project namin.

Hayy. Diko alam kung matutuwa o maiinis bako kasi tapos na ang sem namin pero may mga pahabol pang gawain. kinibit balikat ko nalang ang mga iniisip ko at pinag masdan muli ang mga kaibigan kong humaling na humaling sa Exo.
Natatawa nalang akong isipin na hindi talaga nila ako magawang maging Kpop. Kasi maging ang kaibigan kong si Lai at Pia ay ginawa ang lahat maging kpop lang ako. Pinapapanood nila sakin videos ng Exo pero wala talaga. Isang beses tinanong ako ni Lai. nag labas sya ng poster ng Exo at pinakita sakin.

"Be, Kung sakali lang, kanino ka naggwapuhan?" Tinuro nya yung poster na hawak niya.

"Wala. Magkakamukha naman sila e isa lang mukha nila. Hahahaha" sagot ko sakanya.

"Oy grabe ka naman hindi kaya. Pero kung papipiliin ka lang naman sakanila. Sino?" Pahabol ni Pia.

Wala nakong nagawa kundi magturo nalang dahil alam kong di sila titigil sa pangungulit. Tinuro ko ang isa sa mga lalaki sa poster para tumahimik na sila.

"Kyaaah! Si D.O. yang tinuro mo. Power Vocal nila yan." Tuwang tuwang sambit ni Lai.

Ngumiti lang ako. Wala akong pake kung sino sila. Pasalamat sila kaibigan ko sila. Haha

How to be an ARMY?Where stories live. Discover now