18

124 12 10
                                    

Amae's POV

Haruman neowa naega
Hamkkehal su itdamyeon
Haruman neowa naega
Sonjabeul su itdamyeon

Sabay-sabay na nagsi kanta ang magkakaibigan sa lyrics. Kasalukuyang nasa bahay sila nila Cess upang mag overnight dahil sabay-sabay din silang pupunta sa concert kinabukasan. Naisipan nilang dito mag stay dahil may exam kinabukasan ang kapatid ni Amae na si Xian. Kadalasan naman ay sa bahay nila sila nag oovernight nagkataon lang na hindi pwede ngayon. Baka kasi makaistorbo sila sa pagrereview ng bunso nilang kapatid.

"Kyaaaaah! Bukas naaaaaa! Bukas na ang Just One day natin! Matutuloy na bukaaaaas! Excited nakong makita si Yoongi baby T.T" - Faye

"Grabe hindi pa din nagsisink in sakin na instant PULP Royalty tayo. Buti nalang dun nag OJT ate mo." Baling sa akin ni Cess.

"Oo nga ehh. Akala ko hindi tayo magkakatabi bukas. Pero, Squad Goal is Real!"

Halos gusto ko nang puntahan si ate sa pinag oOJThan niya at halik halikan siya sa tuwing tititigan ko ang ticket namin. Pero mas gusto ko siyang sabunutan ngayon kasi malamang sa malamang mag kikita na sila ng mga asawa namin. Huhuhu diko maiwasang maiinggit kahit na binigyan niya kami ng ticket.

"Umaasa akong mabubunot tayo sa Raffle for Hi-touch. Kapag nagkataon, hindi ko na bibitawan ang ilong-este ang kamay ni kookie baby." Saad ni Niella.

"Ehh si ate. Daig pa ang nakakuha ng Hi-touch. Siya kasi makikipag coordinate sakanila. Ibig sabihin siya ang mag aassist sakanila sa mula sa pumunta dito hanggang sa matapos ang concert. Hanggang airport pabalik, siya ang sasama."

Lingid sa kaalaman ni Amae, hindi lang ito ang mangyayari sa ate niya. Hanggang ngayon ay wala pa siyang ideya sa ACE at ang koneksyon ng ate niya dito.

"Oo nga eh. Pero hayaan na natin. Hindi naman ARMY ang ate mo. Malabong agawin niya satin ang Babes natin." - Faye

"Oo nga, mas okay na yun kesa ibang ARMY ang mag aassist sakanila. Nako talaga. Kung ganon. Nakuuuuu!- Niella

Gumaan ang loob ko sa sinabi nila. Tama naman sila don, may punto sila. Sigurado akong hindi mag aaksaya ng panahon si Ate na hawakan ang dulo ng buhok nila. Buti nalang din talaga hindi ko pa sya nacoconvert maging ARMY mwehehehehe. Mas magiging panatag ako na si Ate ang makakasama ng asawa ko. Hehehehe Akala mo talaga eh no? Possessive wife lang ang peg. Hahaha!

Buong gabi kaming nag kkwentuhan ng kaibigan ko tungkol sa kung anong mangyayari bukas. Kaen lang kami ng kaen at nood ng nood ng mga Videos nila. May pagkakataon na di namin maiwasang maiyak tuwing magpapatugtog kami ng mga melo songs ng BTS gaya ng Love is not over. Feeling kasi namin ngayong malapit na namin silang makita mas tumatagos sa puso yung bawat kanta.

Buong gabi din kaming nag prepare ng letters at gifts na ibibigay namin sakanila bukas. Para ding hindi kami napapagod mag dikit ng kung anu-ano sa dadalhin namin na banner. Pinili namin yung mga Epic faces ng bawat isa sakanila, baka sakaling mapansin kami. Hindi namin napansin na ala una na pala ng madaling araw.

Punwesto na kami sa higaan. Pero sa totoo lang, hindi kami makatulog sa sobrang excited. Tinignan ko muna ang phone ko para matitigan ang wall paper ko. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"See you tomorrow, Kim Taehyung."

NAIA Terminal 1, Philippines

Kasalukuyang naghihintay ang BTS sa Lobby. Walang masyadong tao dahil hindi alam ng publiko na mas maaga sila ng isang linggo pero nakasuot pa din sila ng mask, at sumbrero pang disguise. May mangilan-ilang nakakakilala sakanila pero salamat sa diyos at mga matured ARMYs ang mga ito.

"Asan na daw sya, hyung?" Tanong ni Jhope kay Rap Mon.

"In 15 mins nandito na siya. Nagulat ako ng babaan niya ako kanina ng phone. Ewan ko pero medyo halata sa boses niyang ninenerbiyos sya o ano."

"Baka ARMY din siya? Baka naexcite syang pumunta dito kaya nagawa niya iyon."- Suga

Hindi na kumibo ang sino man sakanila. Maya maya'y tumayo si V sa harap ni Rap Mon hawak ang ibaba niya. Lakad ito ng lakad at di mapakali parang may gustong sabihin sa leader.

"Hyung, may problema ba?"

"Naiihi ako, hyung." Tumingin ito kay Rap Mon na parang nag mamakaawa. Napakamot naman ng ulo ang leader.

"Umihi ka na. Sus yun lang pala problema mo takot na takot ka."

"Eh baka kasi iwan ninyo ako eh."

"Bilisan mo na" winagayway ng leader ng kamay niya bilang pag tataboy kay V.

Makalipas ang tatlong minuto ay may tumawag kay Bang PD-Nim. Sinenyasan sila nito na tumayo. Maya-maya ay may isang babaeng naglalakad palapit sakanila na may hawak na cellphone sa tenga. Binaba niya naman ito ng kawayan siya ni Bang PD-nim.

Nag shake hands si Anj at ang handler ng BTS. Tipid na ngiti lang ang binibigay ng babae sa mga ito. Tinanggal ni Anj ang shades niya nang ipakilala siya sa mga miyembro.

Biglang kumunot ang Noo ni Jimin. Lumaki ang mata niya ng biglang may maalala siya. Hindi niya alam kung bakit pero kusang naglakad ang paa niya patungo sa babae at niyakap ito. Tinulak siya ni Anj sa pagka gulat. Medyo nadis appoint siya sa ginawa ng babae. Hindi niya inaasahan na mayroon palang babaeng tatanggi sa yakap niya. Mas lalo pang naging masakit sakanya dahil si Anj pa ito. Pero kahit na ganon ay sinikap niya paring ngumiti ng malawak. Napaka tagal bago niya ulit makita ito kaya masaya siya. Hindi maiwasan ng ibang miyembro na mapa atras at mapa nganga sa ginawa ni Jimin.

"Ikaw! Ikaw! Ikaw yung Crush ko! Ikaw yung naka upo sa VIP seat nung Red Bullet!"

Inaalog alog niya sa balikat si Anj habang sinabi iyon. Inalis ng babae ang kamay niya.

"I-uh. I'm afraid it's not me. I've never been to any of your concerts. Except for this."

Sagot ni Anj na hindi makatingin ng deretso sakanya.
Nag clear throat si Bang PD-nim dahilan ng pag atras at pag yuko ni Jimin.

"Ms. Anj, this is Rap Monst-"

"I know them already Sir. You don't have to introduce them. Nice to meet you all."

Ngumiti ito ng tipid. Dahilan upang maawkward ang BTS sakanya. Never pa nila maranasan ang tratuhin ng ganito kalamig.

"Anywayss, I've been wondering. Paano kayo natuto mag tagalog?"

Sinabi ni Anj upang masira ang katahimikan.

"Nag training kami." Tipid din na sagot ni Suga.

Maya-maya'y dumating si V. Gaya ni Jimin, lumaki ang mata niya sa nakita niya. Blanko lang ang tingin sakanya ng ni Anj. Umiwas ito ng tingin sakanya ng titigan niya ito saglit.

"A-ANJ?!" Sigaw ni V

How to be an ARMY?Where stories live. Discover now