Part 24: Celebration

Magsimula sa umpisa
                                    

"Libre na lang kita! Tara!" Sabi niya at hinila niya ako papasok sa favorite niyang fastfood, sa McDo!

"Ano'ng gusto mo bessy?" Tanong niya

"Sundae at saka large fries lang" sabi ko

"Sige, maghahanap muna ako ng table" tumango naman siya

Nakahanap na ako ng table. Maya maya nandito na si Maine dala ang mga pagkain

"Here's your sundae and fries!" Sinabi niya 'yun habang nilalagay niya yung sundae at fries sa harapan ko

Order niya? Ayun Chicken Fillet Italiana, McFloat (coke float po 'yan) at extra large fries. Daig pa 'ko?

"Valeen, sama ako sa condo mo ah? Hindi pa ako nakakapunta eh!" What?

"Bawal eh. Busy" pagpapalusot ko. 2 points Valeng!

"Ay ganon. Sige, next time na lang" sabi niya

Tapos na kaming kumain. Nasa labas na kami

"Sige, mauna na ako Valeen ah?" Sabi niya habang nasa taxi siya

"Sige, bye! Ingat!" Sabi ko at kumaway sa kanya

"Ingat din!" Sabi niya

Pagkaalis na pagkaalis niya, agad naman akong tumakbo sa parking lot at sumakay sa kotse saka ko pinaandar

Nakarating na ako sa condo ni Alden. Oo, sa condo ni Alden gaganapin yung celebration. Tapos bukas daw kami pupunta ng Tagaytay

"Huy!" Panggugulat sa akin ni Jerald

"Aaaahhh!" Yun na lang ang napalabas sa bibig ko

"HAHAHA! Hingal na hingal ka?" Tanong niya

"Basta. Wag na madaming tanong!" Nilagpasan ko siya at pumunta sa pwesto ni Alden

"Alden oh! Eto na yung pinabili mo!" Sabi ko at inabot ko sa kanya yung mga pinamili ko

"Salamat!" Sabi niya agad naman niyang kinuha 'yun

"Sino magluluto?" Tanong ni Alden

"Ako, masarap akong magluto" sabi ni Chris, classmate namin

"Ako rin. Kaibigan naman ako ni Maine eh" sabi ni Jenny. Oo nandito siya

"Sige, lutuin niyo na 'to" at binigay ni Alden ang pinamili ko sa kanila

After 2 hours and 45 minutes....

"Guys, tawagan niyo na si Maine!" Sabi ni Alden

"Ako na lang!" Sabi ni Patricia

Maine's POV
Patreng's Calling...
Accept|Decline

"Hello?" Syempre sinagot ko

(Meng, punta ka dito sa condo ni Alden. Bilis!)

"B-bakit? Anong nangyare kay Alden?" Tanong ko

(May sakit siya. Alam kong ikaw lang ang makapaggagamot sa kanya)

"Ha?! Sige sige sige. Pupunta na ako dyan"

Agad akong lumabas ng condo at sumakay ako sa taxi na papunta sa condo ni Alden

Nang makarating na ako sa condo ni Alden, agad akong pumasok ng room niya pero nakapatay lahat ng ilaw. Pero biglang may humila sa akin sa gilid

"Congrats!" Sabi niya. Di ko maaninag ang mukha niya. Nabobosesan ko siya, si Alden

"Alden?" Takang tanong ko

"Ako nga!" Ramdam ko na ngumiti siya

"Halika, sama ka sakin!" Hinila niya ako

"Alden, baka madapa o mahulog ako" pag-aalala ko sa sarili ko

"Don't worry, sasaluhin kita" buti na lang madilim kung'di makikita niya akong kinikilig

"1... 2... 3..." Sabi nilang lahat

"CONGRATULATIONS MAINE!!" Sigaw nilang lahat nang nagbukas na yung mga ilaw

Tanging ngiti lang ang naisukli ko sa kanila.

"Kainan na ba?" Tanong ni Alden. Pinalo ko siya ng malakas sa braso

"ARAY!!" Sigaw niya. Nagtawanan lang sila

"Nangangati na kami dito. Kinakagat kami ng langgam dito. Ano ba 'yan!" Sabi ni Sam habang nagkakamot siya

"Corny mo! At saka hindi pa naman kami ah?" Sabi ni Alden

"Pa ah? PA!!" Pan-aasar ni Jerald

"Kasi alam mo, sure ako na magiging kami neto ni Maine!" Sabay akbay sa akin. Aba ayos 'to ah?

"Kain na nga tayo!" Sabi ni Valeen

At nagsimula na nga kaming kumain

"Thank you nga pala ah?" Sabi ko kay Alden na nakasunod pa rin sa'kin. Parang buntot lang?

"Basta nga diba? For you, I will?" Sabi niya. Nginitian ko lang siya at nginitian niya rin ako

Itutuloy...
Happy New Year guys! Sabi nga nila kapag masaya may kapalit na malungkot. Malungkot kasi pasukan na naman at minsan lang ako maka-update. Huhu! Pero susubukan pa ring mag-update ni otor! 

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon