Special Chapter #2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sure, babe. Just be careful later. Gusto mo bang sunduin na lang din kita pagkatapos ng tutorial?"

She shook her head, "Okay lang. Ikaw na muna bahala sa pagtulong sa mga assignment ni Nice mamaya. And I'll check it when I'm home."

●●●

"Dy, bakit hindi na po sumasabay si Mommy sa atin sa pag-uwi?" Tanong ng anak nilang si Venice kay Sam habang nagmamaneho siya. Katabi niya kasi ito sa front seat ng kotse. Ganun kasi ang routine nila araw-araw, siya ang naghahatid sa dalawa papunta sa school at sumusundo rin sa pag-uwi. Sakto rin kasing natatapos ang mga trabaho niya sa opisina kaya on-time niyang nasusundo ang mag-ina niya. But on that day again, hindi muna sasabay sa kanila si Vannie.

"Kasi baby, may tinututor si Mommy na student niya. Kasi nga teacher si Mommy, diba? She teaches pupils like you a lesson." He replied. He really finds their daughter adorable. Mini-version kasi ito ni Vanessa. Their daughter really looked like her wife so much.

"I want Mommy to be my teacher na, Dy pero I'm small pa kasi kaya sabi ni Mommy hindi pa raw pwede."

Sam chuckled at what Venice said. Mga Grade 5 students kasi ang tinuturuan ni Vanessa sa paaralan, "Kapag Grade 5 ka na, si Mommy mo na ang teacher mo."

"Yehey!" His daughter cheerfully yelled, "Kapag si Mommy na ang teacher ko, magiging top 1 na rin ako. Ayoko na pong maging top 2 eh."

Sam laughed even more, "Baby, kahit top 2 ka o kahit hindi ka maging honor student, basta nakikita ka naming nagstustudy ng mabuti, Mommy and Daddy will still be proud of you."

"Pero Dy..." Kumunot pa ang noo nito, "Bakit palaging tinututor ni Mommy ang Aubrey na iyon? Eh nandoon naman palagi ang Papa niya. Kinukuha po nila ang time ni Mommy sa atin... I don't like them." Venice pouted. Kahit six years old pa lang ito, talagang sobrang daldal na.

"Papa?" He asked her confusingly.

"Opo, palagi pong kasama ni Mommy 'yung Papa ni Aubrey kapag nagtututor siya. Dy, dapat nandoon ka rin."

Napaisip-isip naman si Sam sa sinabi ng anak.

●●●

"Salamat talaga, Vannie. I really owe you a lot for tutoring my daughter."

"Wala 'yun, Adrian," Vannie replied assuringly, "Naging magkaibigan din naman tayo dati saka estudyante ko rin naman itong anak mo." She added. Adrian's daughter is currently her student kaya naman kusang-loob niya itong tinulungan para makahabol ito sa mga lessons nila. Adding that, may pinagsamahan din kasi silang dalawa dati ng ama nito, she helped the child. Saka lahat ng nangyari sa kanilang dalawa noon ay nasa nakaraan na kaya wala namang problema sa kanya iyon. Kumportable rin kasi si Aubrey kapag siya ang magtutor dito.

"Sige, Adrian, I have to go. Naghihintay na rin kasi sa bahay ang pamilya ko." She said the moment she finally got her bag.

"Sige, sabay na lang tayo lumabas."

Sabay naman silang tatlong lumabas sa eskwelehan but Vannie was surprised to see Sam waiting for her outside. Nakasandal lang ito sa nakaparada nitong kotse. She didn't expect that her husband would fetch her on that time.

"S-Sam..." Naglakad naman ito papalapit sa kanya.

"Ikaw pala, Samuel." Adrian who was also with her, started. He was also holding Aubrey's hand beside.

Hindi naman ito pinansin ni Sam at kaagad hinawakan ang kamay ni Vanessa. He looked mad, "Uwi na tayo." Malamig na sabi nito.

Hindi naman maiwasan ni Vanessa na kabahan sa ikinilos nito, "S-Sige, Adrian. Aubrey, mag-aral pa rin ng mabuti."

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon