Chapter 48

50.6K 1.2K 55
                                    


Typo errors are a lot.

Chapter 48





"Daddy, tignan mo, top 1 po ako!" Excited na nilapitan ni Samuel ang Daddy niya na kasalukuyang may binabasa na mga papeles. Kakarating lang kasi nila ng Ate Alyanna niya kasama ang Mommy Matilda niya galing sa school. Siya kasi ang top 1 sa buong grade 4 na sections.

"Aba, ang galing ng Sammy ko ah." Sabi naman ng Daddy niya habang tinitignan ang natanggap na certificate.

"Naku, Daddy, ang talino talaga ni Sammy. Siya kasi ang top 1 sa buong grade 4 level." Dagdag naman ng Ate Alyanna niya.

"I'm so proud of you, Sammy," Ginulo pa nito ang buhok niya, "Kung ganun pala, matutuloy ang Disneyland natin next week?" Sabay kindat pa nito sa kanila.

"Yehey!" Kaagad namang niyakap ng dalawa ang Daddy nila, "We love you, Daddy!"

---

"Anak, happy 24th birthday."

Kumunot naman ang noo ni Samuel matapos sabihin iyon ng ama niya.

"Is that the only reason why I fucking came here?" He incredulously asked. Napayuko na lang ito dahil sa sinabi niya.

Tinext kasi siya nito dahil may sasabihin daw itong importante. Malimit lang kasi silang nagkikita ng ama niya--nakikipagkita lang ito sa kanya kapag may ipapagawa ito o papagalitan na naman siya nito dahil nakulong siya at kailangan ito ang magpiyansa sa kanya. Pati na rin kung may eskandalo tungkol sa kanya kung saan ipinapahiya niya ang apelyido nila.

His dad really never bothered even asking how he was. Palagi lang itong nakatuon ang atensyon nito kay Jolina at sa trabaho nito. They don't really bond that much anymore. After all the shits that happened between their 'old' family, hindi na sila nagkikibuan.

Umabsent pa talaga siya sa klase niya at pinuntahan ito sa opisina nito sa senado dahil akala niya ay may importante itong sasabihin sa kanya.

"Alam kong marami akong pagkukulang sayo, pero," Binuksan naman nito ang drawer ng office table nito at may kinuha ritong isang box, "Birthday gift ko sayo." Inabot nito sa kanya iyon.

Mas lalo namang kumunot ang noo ni Sam matapos tanggapin ang regalo nito. It was gold Rolex watch.

"Happy birthday, Sammy." Anito.

"Nandito lang ako palagi para sayo, anak kung kailangan mo ng tu--"

"Aalis na ako," Sam coldy said as he stood up, "Wala naman palang saysay ang pagpunta ko rito." Tinalikuran niya kaagad ito pagkatapos ay mabilis na lumabas sa opisina nito.

---

Kaagad dumirecho sa ICU sina Vanessa at Samuel nang dumating na sila sa ospital. Nadatnan naman nila si Jolina na umiiyak habang nakayakap kay Zia. Nakita rin nila ang doktor na kumakausap dito.

"S-Si Dad." Humihingal na sabi ni Sam nang makalapit na sila sa doktor. Napatingin naman kaagad ito sa transparent window ng room kung saan nakaconfine ang dad nito. Sa nakikita niya, maraming mga apparatus ang nakakabit ngayon walang malay na katawan nito. His dad was really in a comatose state.

"Mr. Rivera," Seryosong panimula sa kanya ng doktor, "Masyadong malubha ang pagkakabaril sa ulo ng ama mo. Some part of the left hemisphere of his brain got severely ruined."

Huminga naman ito ng malalim, "Napakakumplikado ng sitwasyon niya ngayon. Dahil dito, it can result to brain death. Ito ang inaasahan nating mangyayari sa kanya, Mr. Rivera. Pwede itong mangyari ilang oras o ilang araw na lang. Milagro na nga lang dahil nabuhay pa siya. His situation is really difficult and very fatal. At kahit anong oras o panahon, pwede na siyang kunin sa 'tin."

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon