Chapter 45

61.9K 1.5K 145
                                    


Typo errors are a lot.

Chapter 45


"Sige na, Vanessa, ngayon lang. Please." Pagmamakaawa ni Max kay Vanessa habang inaayos na niya ang mga brochure na ibibigay niya sa mga visitors mamaya. Pangalawang araw na kasi iyon ng University Week nila—at ang araw na ngayon ay 'Opening of Booths'. Magkakaroon ng mga iba't-ibang booths sa bawat department ng college. Nakisabay na rin ang mga elementary at high school department sa activity kaya may kanya-kanya ring mga booths ang mga ito. It will be a very fun day for the whole students of WoodRidge. Open din siya for visitors kaya kahit sino ay pwedeng makapasok.

Sila naman na nasa student council ay magbibigay ng mga brochures tungkol sa kabubuan ng buong university. Sila ang magiging tour guide sa mga visitors na gustong mag-aral din doon.

Naitaas naman ni Vannie ang kilay niya kay Max. Nasa loob kasi sila ng council room kasama rin si Jared na tinutulungan siya sa pag-aayos din ng mga brochures. Mamayang 9am pa kasi mag-oopen ang university.

"Sa dami ng ginawa mong kasalanan sa 'kin, talagang humihingi ka pa ng pabor? Ikaw na talaga, Magallanes." Inirapan niya ito. Paano kasi, pumunta lang ito ng maaga doon para humingi ng pabor sa kanya. Akala nga niya dahil gusto nito siyang tulungan para matapos niya ng maaga ang mga gawain niya.

At ang pabor pa na sinasabi nito? Maging one-day girlfriend daw siya nito ngayong araw. Darating daw kasi ang babaeng ipinagkasundo nito sa kanya ng mga magulang niya dati. Obsessed daw kasi ito sa kanya tapos nang malaman nitong pupunta ito doon sa university, kailangan niyang magkaroon ng girlfriend para hindi raw ito dumikit-dikit sa kanya.

"Vanessa naman," Nagmamakaawa pa rin ito, "Nagbago na ako. Hindi na 'ko gumagawa o gagawa pa ng mga kalokohan o ang fraternity namin, saka, sorry na. Akala ko ba kaibigan na tayo? Seryoso na nga ako sa pag-aaral e saka last year ko na lang din dito kaya 'di mo na rin ako makikita."

Itinaas lang ni Vannie lalo ang kilay niya. Totoo namang nagbabago na ito. Rinig na rinig nga niya e seryoso na talaga ito sa mga make-up classes nito. Saka ngayon, hindi na rin nambubugbog ang AGP ng mga estudyante. Simula 'nung umalis si Samuel at nagtransfer, wala ng gulong ginawa ang Alpha Gamma Phi.

"Nahihibang ka ba? Bakit naman ako ang magiging girlfriend mo? Marami namang iba diyan! Gamitin mo yang kapal ng mukha mo." Napipikon na talaga siya sa mokong na 'to. Busing-busy nga sila ng mga councilmates niya sa araw na iyon tapos dadagdag pa ito.

"Vanessa, matalino ka. May isip ka. Kung sa iba ako kukuha na magpapanggap para sa 'kin, of course, epic fail yun. Baka hindi pa maniwala yung fiancée ko." Dahilan pa nito. Talagang kulang na lang ay lumuhod ito sa harapan niya.

"Gawin mong girlfriend mo si Jared o. Willing naman siguro yan. Tutal, magkaibigan kayo." She replied back.

Umubo naman bigla si Jared sa sinabi niya na tahimik lang na tinutulungan siya. Pinagalitan kasi niya ito dahil nanlalandi na naman ito sa mga council officers na nandodoon, "Tahimik na nga lang ako rito, sinasali niyo ko. Fuck you, ha." Naaasar na sabi nito.

"Please, Vanessa. Ngayon lang. Saka wala naman si Samuel."

"Jared, tulungan mo kaibigan mo." She said instead.

"Sa pagkakaalam ko, hindi ako bakla." Hindi maiwasan ni Vannie na matawa sa isinagot ni Jared. Alam niyang napipikon na ito. Sa dalawa kasi, ito ang pikunin. Simula kasing naging kaibigan niya ang dalawa, unting-unti na niyang nakikilala ang mga ito—na kabaliktaran pala sa mga inakala niyang ugali 'nung mga basagulero pa ang dalawang mokong.

"Vanessa, please! Sige na, ngayon lang." Pagmamakaawa pa lalo ni Max Peter sa kanya.

"Ayoko. Wala naman akong makukuha diyan sa kalokohan mo."

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon