Chapter 11

69.8K 1.7K 97
                                    

Typo errors are a lot.

Chapter 11




"Masyado pa siyang bata para magparehab." Sabi ng psychiatrist kina Ignacio at Jolina matapos mapatignan si Sam. Nitong mga linggo kasi, hindi ito kumikibo at hindi sila pinapansin. Minsan, nakikita na lang nila ito sa kwarto nitong nakatulala. Hindi rin ito nagsasalita at hindi na rin pumapasok sa paaralan. Tulala na lang ito lagi. Nahihirapan din silang pakainin ito kaya ang dati nitong malusog na katawan ay unti-unting bumibigay.

"The trauma gave a huge impact to him kaya siya nagiging ganito," The doctor added as all of them was just watching the poor boy. At gaya ng ginagawa nito lagi, nakatulala lang ito sa isang sulok.

"Magrereseta ako ng mga gamot—anti-depressant drugs. Let him take it regularly. Sa ngayon, ito lang ang paraan na makakatulong sa kanya para manumbalik ang sigla niya."

"And he also needs his family's understanding and support in this situation."

---

"Sam, isang beses na lang, malilintikan ka sa kin kapag hindi mo 'to ininom ang gamot mo!" Galit na sabi ni Jolina kay Sam nang pinipilit siya nitong inumin ang gamot na nireseta ng doktor sa kanya. Nasa kwarto niya ito dala-dala ang gamot at isang baso ng tubig.

Hindi naman ito pinansin ni Sam at nanatiling nakatulala pa rin.

"Ganun ha?!" Bigla naman siyang sinapak ni Jolina dahil sa galit nito. "Wala ka talagang modo!"

Pero laking gulat na lang nito nang bigla itong tinulak ni Sam kaya naman nabasag ang dala-dala nitong baso.

"Umalis ka rito!" Mahigit anim na buwan ay bigla na lang nagsalita si Samuel, "Mukha kang pera! Ikaw ang nagpapatay kay Mommy! At kahit kailan, hinding-hindi kita magiging Mommy sa buong buhay ko!" Sam yelled, looking at Jolina fiercely.

---

"Sam.." He felt Vanessa also hugged him back. Hindi rin niya tuloy maiwasan na mas lalong mapahigpit ang pagyakap niya rito. He really needs someone so badly right now. At ayaw na ayaw niyang iwan siya ni Vanessa sa mga oras na iyon.

Ilang minuto rin ay bumitaw na ito sa kanya. She was smiling at him.

"Sam," Anito saka kinuha ang panyo nito sa bulsa. She suddenly used it to wipe off the tears from his eyes and handed it to him, "Gusto mong pumunta tayo ng 7/11? Bumili tayo ng ice cream. It will make you feel better. May nakita akong 7/11 dito na malapit lang." She winked.

Hinila naman siya nito habang hawak-hawak ang kamay niya papunta sa sinasabi nitong 7/11.

"Dalawang ice cream po," Sabi ni Vanessa sa cashier ng 7/11. Nasa likod naman siya nito habang pinagmamasdan ang loob ng 7/11. After few minutes, binigay na sa kanilang dalawa ang ice cream.

"Diba nakakagaan ng feeling?" Tanong nito sa kanya matapos niyang tikman ang ice cream. Yes, he has to admit na talagang gumaan ang loob niya matapos tikman iyon.

"Basta, kung gusto mong may mapaglabasan ng sama ng loob, you can count on me, Sam." She suddenly said.

Hindi tuloy maiwasang mapangiti Samuel nang maalala ang pangyayaring iyon. Katatapos lang kasi niyang magshower sa pad niya at nakatapis lang siya ng tuwalya sa may bewang niya. Mamayang hapon pa kasi ang klase niya kaya wala pa siya sa university.

Kinuha naman niya ang panyo nito na ibinigay sa kanya kagabi sa mesa. The handkerchief even has her initials below, V.V.

"She's really interesting," He uttered to himself.

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon