Chapter 31

58K 1.5K 115
                                    

Typo errors are a lot.

Chapter 31



"Babagal niyo maglakad, bilisan niyo!" Sigaw nung isang lalake nakasuot ng itim na tshirt nang dumating na silang dalawa ni Sam sa isang lumang building. Ni hindi na nga alam din ni Vanessa kung saang lupalok na sila dinala ng mga ito.

Hindi alam ni Vanessa kung anong gagawin niya. She knew she was trembling. Tatlong lalake kasi ngayon ang nakapalibot sa kanila at may dala-dala pang mga baril. Mas lalo tuloy lumakas ang kabog ng didib niya. She knew her family will be so worried with what was currently happening to her right now.

Ano ba ang naging kasalanan niya sa mga ito?

Napalingon naman siya kay Samuel. The guy's face was blank, she also noticed some blood on his lips. He fought?

But still, he looked calm. His hands were on his pockets and just followed the mens' lead. Ni hindi na ito nagsalita pang muli.

Pumasok na rin silang dalawa sa loob ng building.

"Ilagay mo yang dalawa sa kwarto. Maya-maya, darating na si boss." Narinig niyang sabi ng isa at marahas na tinulak si Vannie papasok sa kwarto na sinasabi nito.

"Ano ba!" She hissed. Wala talagang mga awa. Tinulak din naman nito si Samuel but the guy didn't say anything. Ano bang kinikilos nito? Hindi ba ito natatakot sa kung anong gawin ng mga ito sa kanila?

The freaking guy really looked so calm and relaxed!

"Huwag na huwag kayong tumangkang tumakas na dalawa!" Sigaw ng isa at malakas silang sinarhan ng pinto.

Napansin naman niyang may kinuha si Samuel sa bulsa nito. It was his cellphone. Parang may hinahalungkat ito doon.

"Wow, you really looked so calm," She said sarcastically. Naaasar siya sa ginagawa nito. Malamang napasali na naman siya sa pagkidnap dahil sa mga issues nito sa buhay. Why are these freaking people keeping her involved with the hoodlum?!

Ni hindi man lang ito natakot. The men were gun-loaded! Kahit bugbugin nito gamit ang mga self-defense skills nito, hindi pa rin iyon garantiya na matatalo nito ang mga lalake. Anytime, pwede silang barilin na dalawa doon!

And just because of this guy, nadadawit na naman siya.

"I'm used to it," Samuel answered simply. Pinapatuloy pa rin nito ang pagtitipa sa phone.

"Used what?!" She's really getting irritated.

"Being kidnapped, since I was a kid."

"Well, this is a different story, Sam—"

"Jared, yeah. Kidnapped again." Hindi siya natuloy sa pagsasalita nang may bigla itong kinausap sa cellphone nito, "Just find my GPS. I don't know where this place is. Masyadong malayo ang binyahe namin. Yeah. I'm with her, tell them she's safe. Okay, thanks." Ilang segundo rin ay ibinaba na nito ang phone.

"So?" She raised an eyebrow at him while her hands are on her hips.

Sam just chuckled, "Can you at least trust me this time, Velasco?" Umiling pa ito. "Do you have your phone? Call your parents that you're safe. So they won't be worried about this fuss."

Hindi naman kaagad nakapagsalita si Vanessa. She didn't bring any phone or purse. Alam niya kasi na sabay lang sila ng Papa niya na uuwi pagkatapos ng party kaya there was no need for her to bring money and her phone.

She shook her head. She's really stupid. Napayuko na lang siya.

Napailing na lang si Samuel sa kanya, "Here, use my phone. I hope kabisado mo number nila." Inabot nito ang phone nito sa kanya. Tinanggap naman niya iyon.

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon