Chapter 52

56.1K 1.1K 152
                                    


Typo errors are a lot.

Chapter 52




"Mr. Cortes, nasa loob na ba siya?" Tanong ni Sam kay Mr. Cortes nang dumating na siya sa isang malaking lumang warehouse. Kararating lang kasi niya doon dahil nakipagmeeting pa siya sa ibang kandidato ng iba't-ibang posisyon sa eleksyon. Ang iba kasi ay gusto siyang makilala at suportahan sa pagtakbo niya. He would admit, he had persuaded a lot of big time politicians and it made Jolina so pissed off right now.

Gabing-gabi na sa mga oras na iyon at sila ni Mr. Cortes kasama ang mga ibang tauhan niya ang nandodoon ngayon sa lugar.

Dumating na rin silang dalawa ni Mr. Cortes sa isang kwarto. Napangiti na lang si Samuel nang makita ang lalake na isa sa hinahanap nila. Nakaupo ito sa isang silya sa gitna habang ang dalawang kamay nito ay nakagapos sa likod. May napansin din siyang konting pasa sa mukha nito na tantiya niya ay nakuha nito dahil sa panglaban nito sa mga tauhan niya.

Sinara niya kaagad ang may pintuan. Tinanggal niya kaagad ang coat na kanina pa niyang suot sa meeting at ibinigay iyon kay Mr. Cortes. He was now wearing a white tshirt.

"Mr. Cortes, ang baril," Sam casually said. Inabot naman ni Mr. Cortes ang baril sa kanya.

"Makakalabas ka na, Mr. Cortes."

"Pero Sir Rivera--"

"I won't kill him, yet. Now, go." Kaagad naman itong tumango at umalis sa kwarto. Pinagmasdan naman ni Samuel ang kabuuan ng lugar. Marumi at makalat ang kwartong iyon at ang tanging ilaw lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob.

Naglakad naman siya papalapit sa lalakeng nakagapos. "David Martinez, 50, Police Officer 1." Sabi niya sa lalake at ningitian ito, "Kamusta ang buhay ng pagiging putangina?"

Inaangat naman niya ang baba nito gamit ang baril na hawak niya, "Kamusta naman ang totoong asawa ng putangina kong madrasta?"

Imbis na magulat ito ay tumawa ito sa harap niya. Rinig na rinig sa buong kwarto ang halakhak nito.

Maya-maya'y ngumiti ito sa kanya, "Bata, ang bagal mo naman. Sa dami ng taong lumipas, ngayon mo pa nalaman ang totoo?" Umiling pa ito, "Hindi ko alam na hindi pala matalino ang anak ng senador." Umiling pa ito.

Tumawa naman ng malakas si Samuel dahil sa sinabi nito, "Oo nga e. Nakakaputangina lang. Nagamit pa niya ang apelyidong Rivera na Martinez naman pala ang totoo. Jolina Martinez. David Martinez. Bagay. Apelyido ng mga putangina."

Bigla namang itinutok ni Samuel ang baril niya sa ulo nito. Napansin naman niyang nagulat ito at natakot. Nakita pa niya ang biglang paglunok nito, "Saan mo ba gusto, ang barilin ka sa ulo o sa tuhod muna? Choose wisely, Martinez."

Lumunok naman ito ulit, "Kung may balak kang barilin ako, wala kang makukuha--" Hindi agad ito pinatapos ni Sam at binaril ito sa tuhod.

"Ahh!!!" Kaagad namang sumigaw sa sakit si David. Umagos ang dugo sa buong binti nito. "Putangina mong gago ka!! Ahhh!!! Putangina!!"

"Matagal na akong gago, Martinez. Mas naging gago pa dahil sa putangina mong asawa." Sagot naman ni Samuel dito, "Kulang pa nga yan sa pagpatay ninyo sa mga magulang ko."

"Pero pasalamat ka kahit gago ako, hindi pa kita binaril sa ulo, tignan mo nga naman ang swerte, Martinez?" Napailing na lang si Samuel at napansin naman niya ang pagyuko nito. Mukhang natatakot na ito sa kanya at kumalma. Tagaktak pa ang pawis nito habang dumudugo pa rin ang tuhod nito.

"Tangina, tumingin ka sa 'kin," Muli niyang tinutukan ng baril ang noo nito, "Ilang bahay na ba at ari-arian ang nakuha at nabili ninyo dahil sa pera namin?"

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon