Chapter 36: A visit from somebody

515 9 0
                                    

[Kristine's POV]

Naglalakad kaming dalawa ni Zaffa papunta sa parking lot nang makita namin na may kahalikang babae si Troy.

I clutch my chest.

A-Ano to?

"Ahem! Get a room guys!" biro ni Zaffa kaya agad na napaharap si Troy at kasama niyang babae.

"S-Sorry hehe, ah.. Ano.. Si Colline pala girlfriend ko" pakilala ni Troy

G-Girlfriend?

Labag man sa kalooban ko inabot ko na lang ang kamay ng babae.

"I'm Kristine"

"Ako pala si Zaffa, its nice to finally meet you" nakangiting sabi ni Zaffa.

~

Hanggang sa dumating sa mansion hindi ako umimik. Hindi pa yata na paprocess ng utak ko ang nangyayari. Lakad lang ako ng lakad habang sumusunod sa likod ni Troy na nasa unahan ko.

"Kristine"

Napatigil ako ng may humila sa akin kaya napatigil ako. Napakurap ako.

"Kristine"

"Z-Zaffa?" naguguluhan kong tanong

"Are you okey? Parang wala ka sa sarili mo?" kunot-noo niyang sabi

"N-Nahihilo lang kasi ako" sagot ko

He smiled at me then pat my head. Hinawakan niya kamay ko at umakyat na sa rooftop.

Ang totoo.. hindi ako okey. Hindi ako okey na may girlfriend na si Troy. Lumulutang pa din ang isip ko hanggang sa pag-kain ng dinner wala pa din ako sa sarili ko. Hindi ko namalayan na tapos na pala kaming kumain. Nakita kong bumaba si Troy kaya agad ko siyang sinundan.

"T-Troy"

Nilingon niya ako.

"Kristine ikaw pala, bakit?"

"Pwede ka bang makausap? Sa G-Garden"

"Sige ba"

~

"Ano ba pag-uusapan n- Kristine?"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil agad ko siyang niyakap.

"Troy, sigurado ka na ba kay Colline?" tanong ko

Dahan-dahan niya akong nilayo.

"Kristine, I have no doubts on Colline. I love her so much. Bakit ka ba nag kakaganito?" naguguluhan niyang tanong

"DAHIL MAHAL KITA!"

Hindi ko na napigilan sarili ko.

"Kristine, Zaffa loves you so much"

"I never love him! Troy... Ako.. Tayo.. Tayo ang para sa isa't-isa. Maganda na ako. Bakit hindi mo parin ba ako mapansin?!" sabi ko habang sinusubukan siyang yakapin pero nilalayo niya lang ako sa kanya.

"You're always beautiful Kristine. But I love Colline so much" tugon niya.

My tears started to flow down.

"No Troy, No! Akin ka lang!" iyak ko

"Kristine, naguguluhan ka lang"

Hinayaan ko na lang na umagos ang luha ko.

"Please.. hiwalayan mo na siya"

"KRISTINE TAMA NA YAN!"

Pareho kaming natigilan ni Troy. Lumingon ako. I saw Zaffa standing right just behind me. Mukhang kanina pa siya dyan. Hinigit niya ako sa braso palayo kay Troy.

Snow White And Her Seven ButlersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang