Chapter 48: Sorry

470 8 0
                                    

[Snow's POV]

Bumangon ako na ang mga kamay ay parehong nasa ulo. Arrrrgh. Ang sakit ng ulo ko parang ang sarap iuntog. Ano nga ba ulit ginawa ko kagabi?

I went to Cindy's house, got drunk, met mystery guy then we....

O_________O

WE KISSSED?! FOR THE FUCKING SECOND TIME?!

At paano namang nag-kita kami?! Shit. Wala na akong ibang maalala. Paulit-ulit kong tinaktak ulo ko baka sakaling maalala ko anong nangyari. Nabasag ang pag-iisip ko ng nakarinig ako ng sunod-sunod na katok.

"Sino yan?!"

"Si Jun po Lady Snow. Mag-ayos ka na po para makakain na" narinig kong sagot ni Jun sa kabila

"Okey" sagot ko then I heard footsteps walking away. Bumangon na ako at nagtungo sa shower para tuluyan ng magising ang diwa.

~

Umupo na ako kaharap ng lamesa sa Dining Area. Nilapagan ako ni Prince ng isang mug ng kape. This is what I really want. I guess okay na ako. Hindi na ako awkward kay Prince. Sa tingin ko may napili na ang puso ko.

~

Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. Wala pa naman kaming customer. Nasa school na ako at nagbabantay ng cafe. Nakita kong papalapit si Cindy.

"You okay?" Tanong niya

I shooked my head "I want to bang my head on this table"

"Great idea. Do it now, I'll cheer" she grinned at me.

-__________-"

"Cess, paano pala ako nakauwi? Ang naaalala ko lang kasi kasama ko si Mystery Guy"

Napakunot ang noo niya "Mystery Guy?"

"Hindi ko pa nakukwento sayo, noong last na party mo somebody pulled me in the dance floor. He is wearing a gray suit, black mask and then...."

"And then?"

"We kissed"

~

[Cindy's POV]

"We kissed"

Natigilan ako. Ang alam kong kasamang umuwi ni Snow ay si Prince. At ang bruhang ito di man lang sinabi sa akin na may humalik pala sa kanya. Could that Mystery guys she is telling is Prince?

I smiled at her "Mabuti pa umidlip ka muna"

She nod and rest her head on her arms that are crossed on the top of the table. I went out the cafe to find Prince. I looked for him everywhere but failed to find him. Umakyat ako sa rooftop and saw him leaning on the rails and looking on the busy students down on the ground. Tumabi ako sa kanya.

"You... You are the mystery guy Snow was talking about isn't it?"

He turned his head to me "Paano mo nalaman?"

"Snow told me he was with her Mystery guy last night. The same guy who stole a kiss from her"

He smiled then drifted his eyes back to the school ground. "Please don't tell her that its me"

"Naguguluhan ako Prince. Alam kong mahal mo si Snow pero bakit mo siya sinaktan kahapon?"

"There are somethings that you should let go to let others have it. Same goes to feelings" he chuckled but that's fake.

I can't help but to be sad. "You're giving up your feelings for her because of AJ"

"He love her first"

"But its not about who came first!"

Nilingon niya ako "Just don't tell this to her" he smiled then walked away

~

[Snow's POV]

Pinunasan ko ng maayos ang table #5. Mukhang walang alam sa tamang pag-inom ng kape ang customers na umupo dito. Maraming natapon na kape buti na lang di ko sila naabutan kung hindi papadilaan ko sa kanila ang lamesa.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang grupo ng kalalakihan. Hindi sila students dito base sa mga kasuotan nila. Open kasi sa outsider ang school fair pero hanggang hapon lang. Sa last day ng fair magiging open ito hanggang gabi. Nag bow ang mga maids except for me. A Goddess don't bow to filthy beings. Mukhang barumbado ang mga lalaking ito at mukhang takot ang mga classmates kong babae na lumapit kaya ako na ang lumapit.

Honestly mukha silang mga batang hamog sa kulay ginto nilang highlights at piercing.

"Your orders?" I asked as I took my pen and small notebook from my apron's pocket

"Isang seksing Snow White nga" humagikgik si Boy Hamog 1

I rolled my eyes. Hinawakan ni Boy Hamog 2 ang kamay ko. Sinubukan kong alisin ito kaso hinawakan niya ito ng mahigpit. Napansin ni Jun ang nangyayari kaya agad siyang pumasok. Ang totoo I always thought Jun is the weakest butler I have but it was changed when he punched that pervert and fly meters away from the table. Nagsitayo ang mga kasamahan niya at kiniwelyuhan si Jun ng leader nilang tinadtad ng pimples ang mukha.

"Wag niyong mabastos-bastos si Lady Snow" Jun is killing him with his glares but that pimple guy just smirked at him. Jun pushed him away and was about to be punched but I caught Pimple guy's fist.

"Wala kayo sa teritoryo niyo kaya kung gulo lang hanap niyo, umalis na kayo." Saad ko

"Tapang mo naman babes" hahawakan niya sana mukha ko pero bago niya pa ito mahawakan may isang kamay ang humawak sa kamay niya at pinilipit ito. Sumigaw si Boy pimple sa sobrang sakit. Lumingon ako para makita kung sino iyon. Its Anthony.

Biglang sumugod ang isang lalaki kay Anthony but he was punched by Prince. Stupid frog smirked at him and seems insulting him in his mind but Boy Hamog 3 punched his face. Buti nga ang yabang kasi. Lima sila kaya medyo nahirapan mga butlers ko. But in the end my butlers managed to pile those trashes. Kinuha sila ng mga guards palabas. And I thought I was finally safe when suddenly....

"SNOW WHITE AND HER SEVEN BUTLERS. TO MY OFFICE. NOW!"

Dean Martin was on the speaker yelling and summoning me.

~
Isang oras kaming sinermunan ng Dean. Jun voice out and explained everything. I saw Dean Martin's face soften and let us out.

"Mukhang grabe ang pagkakasuntok sa iyo, Prince" sabi ni AJ habang nakatingin sa may pasa at sugat na mukha ni Prince.

"Wala ito" sagot naman ni Prince

Sus, pafeeling cool pa.

"Lady Snow, pwede mo bang samahan si Prince sa clinic?" tanong ni AJ

I froze then look at AJ to Prince and to AJ again. "A-Ako?" pero bago pa ako makaangal hinawakan na ako sa kamay ni Prince at kinaladkad papunta sa clinic. Nasa kabilang dulo pa ang clinic at binagtas pa namin ang tahimik na hallway na lalo pang mas tumahimik dahil ni isa sa amin ay walang na imik. Pag-dating namin sa clinic walang nurse pero may naiwang note na pwede kaming pumasok.

Kumuha ako ng alcohol at cotton. Dinampian ko ang pisngi niya at hindi niya mapigilang hindi mapangiwi sa hapdi. Patuloy ako sa pag-dampi. Sa totoo lang na aawkwardan ako. Feeling ko kasi nabusted ako ni Prince.

"Lady Snow" hinawakan niya ang kamay ko. Ang init nang kamay niya. Kinalma nito lahat ng kalituhang nararamdaman ko sa loob. "Sorry"

"Bakit ka nag-sosorry?" pinilit kong wag ipamukha sa kanya na nalilito ako. Ngunit hindi ko iyon nagawa nang bigla niya akong niyakap.

Prince... ano ba talaga tayo?

Snow White And Her Seven ButlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon