Chapter 46: In between

467 9 0
                                    

[Snow's POV]

Second day. Ganun pa din ang ginagawa naming tatlo nila Cindy. Pero minsan tumutulong ako sa pagserve kagaya ng ginagawa ko ngayon.

"Miss!"

Lumapit ako sa Table # 7 laking gulat ko ng makita ang mga pamilyar na mukha. It is Aldren, Shaina and Aisha alumni here and my friends.

"Waaah ikaw pala yan Snow! You look so cute" Shaina complimented

"Pero parang yung uniform mo ang iba sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Aldren habang nakatingin sa ibang uniform

"Ako kasi pinakamaganda kaya ako leader nila" and its not a joke

"Sino pala yung pitong hotties sa labas?" Aisha giggled

"They are my butlers" sagot ko

"Kyaaaaaaah pahinging isaaa!!!"

Mukha bang kendi mga butlers ko na pwedeng hingiin? -_______-"

"Ferrer. Trabaho hindi daldal!" Sigaw ni Cynthia.

I rolled my eyes. Sino siya para utusan ako? Isa lang naman siyang higad na panay ang dikit sa butlers ko.

"Mukhang may nagagalit na" sabi ni Aldren

"I hate her" Shaina rolled her eyes

"Yeah parang ang sarap sabanutan" dagdag ni Aisha

That's why I like these trio. Magkatulad kami sa pag-isip lalo na sa pagpaslang sa bitch na yon.

"Ano pala orders niyo?" Pag-iiba ko

"2 iced coffee, 1 cappucino, 1 strawbery cake, 2 rainbow cake" nakangiting tugon ni Aldren.

Nilista ko na ang nga order nila. Papunta na ako sa counter habang si Cynthia ay papunta sa isang table at may dalang dalawang umuusok na kape sa tray. Nang magkatapat na kami sadya niya akong binangga kaya natapon sa braso ko ang umuusok na kape.

"AAAAAAAAAAHHHH!"

Napaupo ako sa sahig at napahawak sa kanan kong braso. Ang sakit.. ang init.. ang hapdi...

Nagsipasukan ang mga butlers ko. Unang lumapit sa akin si AJ at Prince pero si Prince ang nagtayo sa akin. He got this worried look in his face.

"May paso ka, tara dadalhin kita sa clinic" inalalayan niya ako

"AJ, hindi ko sinasadya. Nag-slip kasi yung tray ng binangga niya ako" paliwanag ni Cynthia. Napakagaling niyang actress. Bakit di na lang siya nag-artista? Masyadong masakit ang paso ko para pumatol.

"Anong binangga?! Nakita kong ikaw ang nangbangga!" Sigaw ni Cindy

"AJ, don't believe her. Siyempre kakampihan niya si Snow kasi bestfriend niya" ngayon umiiyak na siya

"ABA PUTANGINA MO PALA--"

Sasabunutan na sana niya si Cynthia kaso inawat agad siya ni Romeo.

"Cindy. Stop. Hindi natin alam ang nangyari wag nating husgahan si Cynthia" sabi ni AJ

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"You believe her?" Hindi makapaniwala kong tanong

"Medyo malayo si Cindy sa inyo--" I cut him off

"So you are siding her?" Tanong ko ulit

"Lady Snow--"

"She destroyed my maid uniform"

"Walang nakakita" depensa ni AJ

"I saw her" sagot ni Prince

Napatingin ako kay AJ at Cynthia na halos magkayakap na.

Snow White And Her Seven ButlersWhere stories live. Discover now