Chapter 50: Grieving Heart

562 10 0
                                    

[Snow's POV]

Dumiretso ako sa likod ng school. Pinupunasan ko ang nga luha ko ng dumating si Cynthia.

"Fuck off Cynthia! I know why you're doing this! And its not my fucking fault if your mom is a whore and my dad is an asshole!" Bulyaw ko

"Because of your father nasira ang pamilya ko!" Sigaw niya and to my surprise umiiyak na siya.

"Yun lang? Eh ikaw! Alam mo ba dahil sa Nanay mo I lost my mom, a dad, a brother and a family?! Napunta sa iyo ang Dad ko, he tried to make you love him like your own father ng hindi man lang iniisip yung totoong anak niya halos mamatay na sa sobrang lungkot! Because of their fucking affair I forgot how love felt like! For seven years hindi ako naka ramdam ng saya dahil sa nanay mo! Sa tatay ko! At sa kuya ko!"

Hindi ko napigilan at humagulgol na ako. I don't care if I look so pathetic right now. Sumabog na lahat ng nararamdaman ko. Ang sakit na kasi sobra.

"Snow..." I looked at Cynthia and her face softens. Siguro na realize na niya kung gaano ka tanga yung mga move niya. Nag-lakad na ako palayo. Kinuha ko yung kotse at nag-drive na pauwi. Ang gusto ko lang ngayon ay mag-pahinga at matulog.

Nakahawak na ako sa door knob nang narinig ko na sobrang ingay sa loob.

"Kayo po pala ang Daddy ni Snow"

"Yes, thanks for taking care of Snow"

Agad kong binuksan ang pinto. Kita ko ang gulat sa mukha nilang lahat sa bigla kong pag-dating.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!"

Tumayo si Dante at Daniel. I clenched my fist. Ang kakapal talaga ng mga mukha nila!

"LUMAYAS KAYO SA MANSION KO!" bulyaw ko sabay turo ng pinto.

"Snow... anak" sabi ni Dante na halata sa mukha ang lungkot at pag-kagulat sa pag-dating ko

"FUCK YOU!" sigaw ko

Nanlaki ang mata ni Nana Sepin "Snow! Daddy mo yan"

"Daddy? Didn't fucking know I had one. Wala akong daddy, wala akong pamilya!" Sagot ko

"Anong tawag mo sa amin?" Napatingin ako sa nag-salitang si Prince na katabi ang iba ko pang mga butlers.

Hinila ko ang mga maleta nila at inihagis palabas ng mansion habang inaawat ako nila Jun hanggang sa  nandilim ang paningin ko at nawalan na ng malay.

~

Nang inimulat ko ang mata ko tumambad ang nakakairitang pag-mumukha ni Prince at Romeo. Pero wala ako sa mood na laitin sila. Bumangon ako at umupo sa kama ko.

"Lady Snow, mag-pahinga ka muna" sabi ni Prince

"Nandito pa ba sila?" Tanong ko

"Lady Snow, a-ano O-Oo nandito pa sila" sagot ni Romeo "Nandito na rin si AJ at.... na kwento na niya ang nangyari"

Napapikit ako. What the fuck is happening?

Naramdaman ko ang mga kamay ni Prince sa magkabilang balikat ko at pilit na inihiga ako pabalik.

"Please mag-pahinga ka muna" halata sa tono niya ang pag-aalala kaya hindi na ako pumalag.

"Can you please leave me alone?" Umiwas ako ng tingin habang sinasabi ito.

"Okey" narinig ko ang pag-sarado ng pinto ko

Hindi ko napigilan ang mga luha ko at hinayaan na itong mag-sibagsakan. How dare them to come back as if everything will be fine the way they are before? The memories are still fresh even if it was seven years ago.

*flashback*

"Dante! Ano to bakit may lipstick sa polo mo ha?!" Mom shouted at Dad while holding Dad's polo.

"Wala yan" kalmadong sabi ni Dad.

Matagal ng nagdududa si Mommy na may iba si Daddy at alam kong punong-puno na si Mommy sa mga kasinungaling ni Dad.

"Umamin ka na kasi na may kabit ka! Malandi ka!" Sigaw ni Mommy sabay hagis ng polo kay Dad.

Padabog na tumayo si Dad papunta sa kwarto nila at pag-balik nito sa sala ay may dala ng mga bagahe.

"Dante, where are you going?" Umiiyak na tanong ni Mommy

"Sawa na ako Selena" sagot ni Daddy at pumunta sa pintuan but I hugged his legs making him halt.

Umiiyak na ako mula pa kanina "Dad, please stay"

"MOOOOM!"

Napalingon kami ng sumigaw si Kuya Daniel. Nasa bisig niya si Mommy na walang malay. Agad namin siyang dinala sa hospital but she's already dead. Mag-kakatabi kaming tatlo na nakaupo ng biglang tumayo si Daddy.

"D-Dad?" Tawag ko

Lumuhod siya sa harapan ko "Snow, Daddy will be back"

"What the fuck Dad?! Mas pipiliin mo pa talaga kabit mo kesa kay Mommy?! YOU KILLED HER!" galit na sigaw ni Kuya but Dad just ignored him at umalis na.

We went home for Mom's funeral. Galing ako sa kusina ng makita ko si Tita Sandra na kausap si Kuya.

"So what are your plans Daniel?"

Kuya smiled at her "I'm going to Canada"

Nang marinig ko iyon napangiti din ako kaya lumapit ako sa kanila "We're going to Canada?"

Kuya suddenly frowned. He lead me towards Lolo and Nana.

"No, I'm going alone. Dito ka na muna kay Lolo"

"But Kuya... Mom's gone, Dad left me and now... Y-You?"  I kneeled down and cried "Kuya please, don't leave me alone, I'm s-scared... please stay"

"I'm sorry" with that he left

Itinayo ako ni Lolo at niyakap. And by that very day, I've forgotten what is love and how it felt like.

How I wish all my suicide attempts succeeded. Hindi ko na sana nakita mga pag-mumukha nila.

~

[POV ni Prince]

Wala kaming alam sa kung ano man ang nangyayari. At isa lang siguro ang sigurado those two visitors had done something bad to Lady Snow.

Narinig naming tumunog ang door bell. Anthony volunteered to open the gate. Nang makabalik siya kasama na niya ang sa tingin ko ang makakapag-explain kung ano talaga ang nangyayari dahil si Nana Sepin ayaw mag-salita. Don Juancho is back.

"Where is Snow White?" Iyan ang unang binungad niya sa amin. Mahal na mahal talaga niya ang apo niya kahit gaano kasama ang ugali nito.

"She asked to be alone" Jun answered

He sighs "Alam ko naguguluhan kayo kaya ipapaliwanag ko ang lahat"

Dinala niya kami sa opisina niya. At doon tahimik namin siyang pinakinggan.

"Selena, Snow's Mom discovered Dante was having an affair. Inatake ito sa puso at namatay. Nag-makaawa si Snow na wag ng umalis si Dante but still umalis ito. Nang nilamayan na ang mommy niya ang Kuya Daniel na naman niya ang gustong umalis. At katulad ng ginawa niya sa ama niya nag-makaawa si Snow na wag iwan but still he left her. They all left her alone. They all left her grieving all by herself."

Napanga-nga kaming pito at hindi makapaniwalang nakatitig kay Don Juancho.

"Mali pala ang pag-kakakilala natin kay Lady Snow" malungkot na sabi ni Zaffa

"Akala natin isa siyang Dragon na nag sa katawang prinsesa yun pala... isa siyang prinsesa na nag sa katawang Dragon para itago ang wasak niyang puso... na pilit sinasabing ayos lang siya kahit hindi" Troy said

But this story seems very familliar....

I know I've heard it before.

Snow White And Her Seven ButlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon